h1

Entrance Exam

February 22, 2009

udm-001

naubusan na ata talaga ako ng gagawin sa buhay kaya napagtripan kong tapusin ang aking mga balak na ni hindi ko man lamang nasimulan.

a year ago… i decided to go back to school pero hindi ko natupad yun – siguro kasi nung mga panahong yun eh kumikita ako ng sarili kong pera. at kung saan-saan ako naglalalakwatsa. ngayong wala na akong kinikita, which means wala na rin akong ginagawa at wala na ring panggastos sa lakwatsa eh bumalik ang thought na kailangan ko na talagang bumalik sa pag-aaral.

december pa lang inaasikaso ko na yung mga requirements para makapag-entrance exam man lang ako sa kahit saang school. siyempre sa LIBRE nako – eh ala ngang pera eh, kailangan pa bang i-memorize yan? nagpatulong na ako sa kaibigan ko sa City Hall para me backer man lang. in the end kailangan ko pa ring kumpletuhin yung requirements at kailangan ko pa ring maipasa yung exam para makapag-college. ayaw pa tanggapin yung FORM 137 ko ng school kasi what they need daw eh yung FORM 138/4th Year Card ko. who knows daw kasi baka nag-college na ako at naibigay ko na yun sa school at kaya hindi ko nakuha eh dahil me UTANG ako sa school na yun… Tamang Hinala – eh hindi nga eh. wala naman talaga kasi akong nahawakang Card… diretso FORM 137 na with matching diploma. malay ko ba namang kakailanganin ko yun.

wala akong nagawa kundi bumalik sa GCST to get my card and good moral certification. nang kinukuha ko naman eh sinabi ng Registrar na nakuha ko na daw yung sakin… NGEK! close ba kami at pano nya ko nakilala eh ngayon ko lang ata siya nakaharap. sungit pa. bat ko daw nakuha ang FORM 137 ko at diploma kung hindi ko pa nakukuha yung card ko. EH HINDI NGA EH! bat ang kukulet niyo??? muntik ko na tuloy basagin yung mukha nung kupal na masungit na yun sa asar ko. pinuntahan ko nga yung teacher ko dati, wala na kasi yung adviser namin nag-resign na kaya siya na lang ang nilapitan ko. matagal na usapan, hanggang sa nag-decide siya na gawan na lang ako ng panibagong card… baka daw kasi na misplace yun ng dati kong adviser dahil hindi ko man lang daw kasi kinuha.

udm-002

after 2 days eh bumalik ako sa GCST to pick it up…. ayos na ayos… nakuha ko na ang card ko kaso 19 years old ako nakalagay dun eh 17 lang naman ako. so pinatungan ko na lang. hindi naman sa pagmamayabang eh 76.33333333 ang Final Grade ko… hahaha! hindi ako bobo no… nagloko na kasi ako ng todo-todo mula nung 3rd to 4th grading ko… and when i say nagloko eh 5 times lang ata ako pumasok noon bawat grading… PUMASA??? bakit hindi? ang passing grade that time eh 65 (Year 2004) dahil nagpalit ata ng kurikulum, kakahiya tuloy ngayong bumalik na sa 75 ang passing grade. kahit naman absenero ako noon eh bumabawi naman ako sa mga report, exam, project etc.

udm-003

hindi pa tinanggap yung pinasa kong id picture dahil wala daw nametag – akala ko tuloy nasa DFA nako dahil me ganun pa. wala akong nagawa kundi i-edit na lang yung pic at lagyan ng nametag dahil mas mapapamahal kung magpapa-picture pako ulit eh dadalawa lang naman ang kailangan ko – pero baka nga hindi ulit tanggapin kasi makulay ang damit ko at walang collar (DFA???) so ang inedit ko na lang eh yung Passport Pic ko.

udm-004

at the end of the day i got the Gate Pass na talagang dinugo ang spinal column ko sa hirap… sana kasi noon ko pa ginawa… masyado na atang HULI ang lahat.

h1

Alak Pa!

February 22, 2009

tatlong gabing sunud-sunod ang inom ko. noong una gusto ko pero kinabukasan pinagsisisihan ko dahil ansakit-sakit ng ulo ko at masama na ang pakiramdam ko. nawawala na ang sama ng pakiramdam ko sa gabi, saka ako yayayain ulit na uminom ng mga kabigan ko… dahil siguro sa videoke kaya pumapayag ako… libre pa.

kinabukasan, pagsisisihan ko na naman ang pag-inom dahil masama na naman ang pakiramdam ko. bihira kasi akong magsuka kaya masama ang pakiramdam ko. kinagabihan, ayoko na talaga pero dahil lasing ang kuya ko pinilit niya na naman akong uminom kahit ayoko na talaga – in the end ako pa ang napipilitang umubos ng Red Horse dahil lahat sila eh nagsitakas na at ayaw na magsi-inom. sayang naman dahil kakaunti pa lang ang nababawas sa isampitsel ng Red Horse na naisalin na sa pitsel at nalagyan na ng yelo. oo tama ka… gago nga talaga ako.

mamaya ayoko na talaga. sa isang araw na lang siguro.

h1

Almost Perfect!

February 22, 2009

May kasama, close kami pero noon ko lamang siya nakita at ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Pareho pa kami ng unit ng celphone. Nagtataka ako kung bakit napakapangit ng unit ng phone ko that night. Naglalakad kami sa lugar na siguro eh Ortigas o Makati. Napahinto kaming pareho nang may makabanggaan siya, galit ang kasama ko pero napawi ang galit niya nang masilayang “almost perfect” ang nakabanggan niya.

Nag-sorry si almost perfect, tumambad ang kumukuti-kutitap niyang ngiti at ang nagniningning na mga mata. “Inlove ako!” nasabi ko sa isip ko.

Close agad kami saka nagdatingan ang iba pang call centerista na kasama ni almost perfect at nakihalubilo kami sa kanila. Dahil walang bluetooth ang phone na dala ko eh sa kasama ko nakipag-bluetooth ng pics niya si almost perfect at siya na rin ang kumuha ng number ni almost perfect. Pagpasok namin sa isang lugar, saka ko nalamang dala-dala ko pala ang phone kong me bluetooth, puno na ata ang memory card ko kaya hindi maipasa ang pics ni almost perfect, puno na rin ata ang phonebook ko kaya hindi ko mai-save pati ang number niya. Pucha! Ewan kung bakit hinayaan ko na lang…

h1

Planado…

January 27, 2009

dilansite

adami akong plano last year for this year pero mukhang walang matutupad. How sad naman…

Siguro iibahin ko na lang yung mga plano ko… yung tipong “slowly but surely!” (tama ba yun?) Masyado kasing matataas ang expectations ko sa sarili ko pero hindi ko naman mapanindigan.

Magpapakabait nako!!! Pucha ilang beses ko namang sinabi yan sa sarili ko hindi ko magawa-gawa – siguro talagang nasa nature ko na ang pagiging kontrabida. Hindi ako nakasama sa Pangasinan – malamang sa Mahal na araw nako pupunta dun, pano ba naman iilan lang kaming sasama – eh siyempre malamang hindi kasing-saya yun ng huling punta namin dun kung saan eh madami at kalog lahat kami. Ewan ko ba sadya ata talagang “talkshit” ang ibang tao diyan. Puro pangakong sasama daw pero pag aalis na may kung anu-ano nang reasons. Hmmmmp!

Wala pa rin akong trabaho… what’s new? Nanghihinayang tuloy ako sa offer ng father ng friend kong si Andrew na work, hindi naman kasi ako ganun kagaling sa Photoshop kaya pinanghihinaan talaga ako ng loob, hindi naman kasi pwedeng just just lang yung gagawin ko… kailangan “almost perfect”, anyway tapos na yun natanggihan ko na. May mas maganda pa naman sigurong opurtunidad na darating para sakin. Sino ba naman kasi ang tatanggap sa isang hayskul grad na abnoy.

Naaasar ako kasi wala nakong phone, tanging yung hiniram kong N1100 na lang sa pamangkin ko ang nagagamit ko, eh ibabalik ko na yun sa katapusan. Naghihirap na talaga ako. hmmmm (buntong-hininga).

Siguro itutuloy ko na lang yung balak kong pag-aaral ng college – para naman may kahinatnan ang buhay kong wala na talagang FUTURE!

h1

Panibagong Taon, Panibagong Pag-asa!

January 7, 2009

20091

marami ring mga nakakapraning na mga pangyayari ang nangyari sa buhay ko sa 2008. may mga magaganda at meron din namang hindi… pero sa lahat ng mga pagsubok na nangyari sa buhay ko – kinaya ko at alam kong kakayanin ko ang mga susunod pa… hindi na uso new year’s resolution para sakin basta gagawin ko na lang.

h1

Pangasinan 2!

December 23, 2008

sobrang saya talaga sa Pangasinan, parang gusto kong bumalik as in NOW NA! pero siyempre meron din naman akong mga balak pang gawin bago ako bumalik doon. although nag-aalala rin ako sa kalagayan sa bahay lalo pa at nasa malayong lugar ako – ano pa kaya kung nag-abroad ako. hindi naman sa FREE ako doon kaya masaya, para kasing ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko na ang lahat halos ng kasama ko eh puro pa-gurl. masayang-masaya GRABE! to the HIGHEST LEVEL!

pangasinan2

i would like to thank all the people na nagbigay-buhay ng bakasyon sa Pangasinan:

Jonathan (aka ARIS): na walang tigil sa pagsasayaw lalo at nakakulong na kaming lahat sa kuwarto, yung pang-ookray niya sa lahat (pwera sakin) at sa pag-aasikaso niya samin ng bonggang-bongga!

Nanay at Tatay (aka MUDRA and PUDRA): na uber-asikaso rin saming lahat at naka-inuman ko.

Anna at Uly: for inviting me sa kasal nila at sa pagpapautang ng pamasahe pauwi.

JR (aka CHE-CHE): sa pa-gurl niyang voice at sa nag-uumapaw niyang abdomen.

Jon Jon (aka TIPUS or ROSE): sa pagshe-share ng mga experiences niya na talaga namang nakakabigla dahil marami kaming pagkakapareho.

Lipo (aka DYESEBEL): for my hair and make-up (tarush!)

Mhonjade (aka API NYU YIR): para sa pagtanggap niya ng pangwawarla ko sa kanya at sa mabalahibo niyang katawan.

Kuya Bobot: para sa malinis na tubig na inumin at panligo.

Kuya Teng: sa kanyang walang sawang paghahatid-sundo samin gamit ang tricycle niya.

Kina Jomar, Joey, TB Babe, Krungkrung, Erick, Japet at iba pang mga kalalakihang nakainuman namin noon sa kubo-kubo sa napakalayong lugar at sa paghahatid na rin samin pauwi kahit ilang bundok ang pagitan namin.

Kina Lenard at Peejay: na nagpatake-home sa mga bekbek kahit alaga nila si Jutaime.

Kina Jenny, Ann-Ann, Mac-Mac, Burnok, Ate Nora, sa mga nanood sa pagsasayaw ko at sa naghiyawan sa pagkanta ko ng LUHA at TOTAL ECLIPSE OF THE HEART sa perya at sa kasalan, sa mga fans ko na naiwanan ko diyan (kapal) at sa mga tagasubaybay ko na naghihintay ng aking pagbabalik lalo na si Allan (guess who???) I shall return!

h1

Trip to Pangasinan!

December 12, 2008

pangasinan

December 6, 2008

Ikakasal na ang kaibigan naming si Anna kaya inimbita kami papunta sa bahay nila sa Pangasinan. medyo malayo yun pero experience pa rin kaya sumama na rin ako. Libre naman ang jeep na sasakyan kaya wala namang hassle. Sumakay muna kami ng bus papuntang Malinta dahil dun naman kami mi-neet ng iba pa naming kasama papuntang Pangasinan. Medyo tahimik kami sa jeep – ako ni hindi umiimik. Nakakahiya naman kasi, puro kamag-anak ata nila ang nandun kami lang itong mga kaibigan. 4PM kami dumating. Probinsiyang-probinsiya pero nakak-refresh ng pakiramdam. Saka namin nalaman na bading pala yung dalawang nasa harapan – mga kaibigan lang din pala sila ni Jonathan, kaya naman pala tahimik din sila. Nagka-bonding. Kumain at Nag-inuman. Hindi man ako marunong sumayaw, dahil sa kalasingan (sabi nila) eh nanghahatak na ako ng mga isasayaw at pasasayawin sa gitna.

December 7, 2008

Close na namin sina JR (Cheche) at Jon Jon (Rose/Junathan). nagkayayaan kaming maligo sa ilog na sa huli eh nalaman naming imburnal na pala – pero hindi naman siya mabaho. Hindi rin naman ganun kadumi. Kahit pa sinasabi ng mga tao na “nangunguha” nga  ng mga “dayo” ang ilog/imburnal na yun. naligo kami sa poso malapit sa ilog/imburnal. Nagbihis kami saka sumali sa KASAL. Sosyalan ang kasal sa probinsiya, lahat imbitado. Pagkatapos ng kainan eh nag-inuman naman kami sa manggahan/kakahuyan. Nagpakalasing kami saka kami lumipat sa bakuran para sumali sa mga nagvivideoke. Nalasing na kami saka nagkayayaang “magpaiwan”. Nagkayayaan pa kaming pumunta sa perya, tutal naman eh INLOVE si Kuya Teng ke Jay-Ar eh siya na mismo ang naghatid samin sa peryahan na may kalayuan din talaga dahil me tricycle naman siya.

December 8, 2008

Sumama kami kina JR at Kuya Teng dahil ipinakilala na si JR sa mga kapamilya ni Kuya Teng (kaloka!) Malayo rin yung mga pinagpupupuntahan namin. Me mukang killer pa na sunod nang sunod samin sa palengke. Tumambay muna kami sa lugar ng mga kamag-anak ni Kuya Teng – Nakilala naman namin yung mga nagbabasketball sa court na malapit doon, nakipagbigayan ng number. Kinagabihan, pumunta kami sa Kubo-Kubo na pinanggalingan namin. Hindi na namin kasama si Kuya Teng dahil nag-away ata sila ni JR. Naglakad lang kami ng parang mula Quiapo hanggang Buendia (malayo talaga grabe) Nagkayayaan kasi kami nung mga basketbolista na mag-inuman. Nakilala namin sina Jomar, Erick, Joey, Japet atbp. Siguro mga lampas sampu sila doon. Iniwan na kami nina Anna doon. Nakipag-inuman kami. Gabi na kaya wala nang mabilan ng kung anu-ano especially ng SNOW (yelo). Hindi mineral ang tubig kaya dagdag lasa na parang buko. Nalasing din kami. Nag-enjoy sila sa company namin, doon na nga kami pinapatulog sa bahay nila sa malapit lang pero baka hanapin naman kami ni Nanay sa bahay. Nagpumilit naman silang ihatid kami kahit gaano pa raw kalayo ang bahay namin. Mapilit sila kaya pumayag na rin kami – kalagitnaan pa lang ng paglalakad eh nagtanong na si Jomar… “malayo pa ba?” na may halong hingal ang tunog. Kahit sinabi naming malayo pa eh hinatid pa rin nila kami. Pagdating sa bahay eh nagsipasok agad kami at pinauwi na namin sila.

December 9, 2008

Nagkayayaan ulit silang magsipunta sa perya pero hindi na ako sumama, nakakapagod din naman kasi ang napakalayong lalakarin namin. Nanood na lang ako ng Luna Mystica sa bahay. Sakto naman na nag-iinuman sina Nanay at Tatay kaya napatagay na rin ako. Mahaba-haba ang kuwentuhan namin nina Nanay at Tatay hanggang sa makatulog na nga si Tatay at nag-single na lang kami ni Nanay, grabe rin uminom si Nanay walang tatalo. Nang dumating nga sila galing perya eh lasing na kami. May kasama pa silang dalawang lalaki na sina Lenard at Peejay. Nakatulog na rin si Nanay at ako naman eh nakisali sa inuman nila sa labas ng bahay. Matagal-tagal rin at lumabas na naman ang HAROT ko kapag nalalasing.

December 10, 2008

Inayusan kami ni LIPO para naman daw bongga ang pagpunta namin sa perya. Kaso hindi naman sila pumayag na mag-inuman muna sa bahay kaya nahihiya na ako pagdating ng perya at naupo na lang sa tabi. Nandun pala si Kuya Teng. Nakita rin ulit namin sina Jomar. Umuwi rin kami kaagad. Sa bahay na lang kami nag-inuman, nagpicture-taking etc. Kapos sa tubig-inumin nung gabi kaya wala kaming chazer kundi KAPE! ayos naman pala lalo kung me HILAW na MANGGA at Bagoong na kasama ang Generoso. nagising pa kami sa ingay ng kahulan ng aso – me mga de-baril palang mga magnanakaw ng mga KAMBING at BAKA na nanghaharabas.

December 11, 2008

Maaga dapat kaming magsisisuwi ng Manila pero puro late na kaming nagising kaya naman si Kuya Uly na lang ang unang umuwi. nagpakasaya muna kami sa bahay, sinulit ang pagkakataon, nag-videoke pa nga kami sa sala nila. Nang 2PM na eh kumain na kami, naligo at nagsibihis. Saktong 4PM eh nagpaalam na kami sa lahat. Umuwi kami sa Manila – nakakalungkot.

(May Part 2)

h1

PEKE!

November 22, 2008

Nakakabadtrip ang buhay kapag wala ka nang exciting na ginagawa. Ilang beses na nitong mga nakaraang araw na dumarating si Jordan para “magpatulong” magpagawa ng “pekeng diploma” eh san ba naman kasi ako nakatira… eh di sa sentro ng kalakalang pekean.. RECTO. Matagal rin naman siyang nakatira dito sa Recto bago sila lumipat sa Taguig., pero nagtataka ako kung bakit hindi niya alam kung sino ang mga SENTRO ng pamemeke.

dilanmuli
Noong una nga kasi siyang pumunta para ipagawa ang diploma niya eh gumastos siya ng 200php. nang magkita kami eh sinabi kong napakamahal ng siningil sa kanya. Hindi raw niya kasi alam kung saan. Nagtataka ako kung bakit nuknukan siya ng katangahan o sadyang nagka-memory gap lang siya nang makapangasawa at magkaron ng dalawang anak sa edad na 17. Nakalimutan niya sigurong hindi dapat sa LABAS ng Recto nakikipag-transact kundi sa LOOB nito.

Makalipas ang tatlong araw eh bumalik na naman siya. Nakaisip siguro ng pagkakakitaan nang sinabi kong AKO MISMO kaya kong gawin yung 200-peso diploma na pinagawa niya. Eh jinoJOKE ko lang naman siya. Ano naman tingin niya sakin FIXER. Sasamahan ko na lang sana siya sa isa kong kakilala pero naging mahiyaing-pusa na naman siya at ako na lang daw. Eh samantalang kilala rin naman niya yung taong pupuntahan ko. Makalipas ang LIMANG MINUTO eh gawa na ang diploma ng kakilala niya, sa halagang 60php, parehong-pareho nang DALAWANG ORAS na diplomang pinagawa niya noon sa halagang 200php. tuwang-tuwa siya, pano ba naman 200php ang siningil niya sa kakilala niyang nagpapagawa ng diploma… nailibre niya tuloy ako ng TAPSILOG nang di-oras. Inubos rin namin yung tatlong MUCHONG REDHORSE na tira sa inuman kagabi.

Makalipas na naman ang ilang araw… bumalik na naman siya. mas maaga, kumakain pa lang ako ng LUNCH that time nang bigla siyang sumungaw sa pinto ng bahay namin. Ni hindi pa nga ako naliligo. Nagyaya siyang uminom -  at dahil 200php na naman ang siningil niya sa panibagong nagpapagawa ng diploma eh bumili siya ng 2 MUCHO. Dinagdagan ko na lang ng 1 pa. Tinamaan kami pareho sa ininom namin. Gabing-gabi na siyang umuwi. Hindi na daw kasi siya nag-aalala dahil TAKOT na sa kanya ang MISIS niya na noon eh INAANDER siya. Siya na raw ang BATAS ngayon sa relasyon nila.

Makalipas na naman ang ilang araw… bumalik na naman siya ULIT. Nagpapagawa na naman. Anak nang Pusang kinalbo naman! Bakit ba sa akin pa siya dumadaan sa pagpapagawa niya ng PEKENG DIPLOMA, napagkamalan na ba niya akong FIXER? Puro na lang sa akin siya dumadaan samantalang alam na alam na niya kung sino ang lalapitan sa oras ng PANGANGAILANGAN NG PEKE. Namiss niya siguro ako.

h1

Hay Buhay!

November 6, 2008

10.23.2008 – An Old Friend

Nakipag-inuman ako sa kabarkada kong magpupulis na si Neil Christopher na first time kong makainuman. Sinama ko si Herson. Nag-inuman kami sa In or Out Bar sa Avenida dahil wala namang mas malapit pang Videoke Bar na maiinuman that time. Madaling-araw na kaming nagsiuwi. Isang Taon na lang Tenyente na siya – pero sa tingin ko hindi naman siya magbabago ng pakikitungo samin kahit ganun. 8 Years siyang nag-aral. 4 Years sa Criminology sa PCCR at ngayon eh 4 Years naman sa PNPA.

10.24.2008 – I Felt Weird

Nagkayayaan kaming mag-inuman nina Mar at Herson sa Novi’s KTV Bar na malapit samin. Sumakit ang ulo ko ng todo, kaya umuwi muna ako. Pagbalik ko maya-maya, nagulat kami pare-pareho nang maya-maya pa eh sumungaw sa pintuan ng Bar ang kumpare/bestfriend kong si Jordan na 4 na buwan ko na ring hindi nakikita. Naaasar ako sa kanya kasi ni hindi siya dumating ng birthday ko o nagtext o nagparamdam man lang. Nagpakalasing kami. Iniwanan ko si Jordan. Halatang nanibago siya ng todo sakin pero tingin ko mas ayos na yun. He’s Back pero na-wiwirduhan ako sa mga naiisip ko. Para bang WALA LANG! Sabagay, siguro nagbago na ngang talaga ang timpla ng utak ko.

10.28.2008 – Changes

Umaga pa lang nagtext na si Jordan na darating siya para magpagawa ng ilang requirements niya. Sinabihan ko siyang marami akong ginagawa. Hindi siya nagreply. Bago mag-gabi eh tinawagan niya ako sa cel ko. Magpagawa na raw ako at baka gabihin siya. Hindi ba’t tumanggi na ako – wala nakong nagawa pupunta siya. Gabi na siya dumating, walang tigil ang bunganga niya kakakwento ng kung anu-ano, obvious naman na hindi ko siya pinakikinggan pero tuloy pa rin siya. Nakalimutan ko na kung kelan niya ako huling nilibre pero nagulat ako nang ilibre niya ako sa Tapsilogan sa Kanto. Nagyaya pa siyang uminom. Nanibago siya sakin last time, ako naman ang nanibago sa kanya ngayon. Hinatid ko pa rin siya sa sakayan. Maraming nagbago.

10.29.2008 – Jollibee Dau

Pumunta ako sa kaibigan ko sa Project 7. Inutusan niya ako, kasama ang pinsan niyang si Jojo na pumunta ng DAU. Noong una hindi ko pa alam kung saan yun, kala ko malapit lang. Sa PAMPANGA pala. Adventure din yun naisip ko na lang. Nag-BUS kami ni Jojo from EDSA. Napakabilis ng byahe at napakasarap talagang magbyahe, lalo kung gabi at wala pang traffic. Wala pang sang oras eh nasa DAU na kami. Me kinausap kaming tao then kumain muna kami sa Jollibee dahil hindi pa kami nakakain ng dinner saka kami sumakay uli ng bus pauwing Manila. 50 Minutes lang ang binyahe namin. Ansarap tuloy paminsan-minsang pumunta ng Pampanga para kumain lang ng Jollibee.

10.31.2008 – Cards, Cards…

Nakakuha na ako ng TIN Card sa BIR, sa WAKAS! Natanggap ko na rin ang Confirmation ng Smart sa Application ko sa Smart Money Card. Pag-uwi ko samin, naroroon na pala at after 9 months eh imi-nail na rin sa akin ang SSS ID Card ko. Bago ako pumunta ng Glorietta kasama sina Rose, Adrienne at Jojo eh nag-apply naman ang ng BPI Savings ATM Card at dahil kumpleto ko na ang requirements eh nag-Succeed ako.

h1

Adrienne Riley Lee’s 1st Birthday

October 21, 2008

Adrienne Riley’s birthday is a SUCCESS!

Magsisimula dapat ang party ng 3:00 PM at Acacia Greenhills pero nilagay namin sa invitation na 2:30 PM ang start ng party. Halos hindi na nga kami nag-sleep ni Rose (Riley’s Mom), pero hindi yun dahil sa excitement. Kahit late na kaming natulog ng paputol-putol eh maaga pa rin kaming nagising.

After lunch, eh nagkuwentuhan muna kami sa house after we decided to take a bath na. 2:30 PM sakto eh nasa venue na kami. Naunahan pa pala kami nina Andrew (Riley’s Dad) at ng ilang bisita like Eve, Mr. Park, Mr. Yoo, Jun & Wife and Andrew’s friend. Bongga ang venue, sosyalan ituh! Nagpa-glitter tattoo kaagad kami nina Blanca and Rose. Saka unti-unting nagsulputan ang mga bisita. mga 3:30 PM na nag-start ang event kasi medyo natagalan ang mga bisita because of the rain. Lahat halos kami eh naka-glitter tattoo at karamihan eh sa face.

Nauna ang games, followed by KAINAN syempre. Masarap ang food lalo na yung Chicken Cordon Blue… DABEST! Nagkita-kita kami nina Ate Janet dun kasama yung mga dati niyang chikiting… well malalaki na sila ngayon, hindi na nga nagsisali sa games. Dumating din sina Manong Ely, tapos yung buong CLAN ng LEE! at clan ng OLAY. Everybody was happy that afternoon. After kainan eh pinalabas na yung dalawang MASCOT na sina Barney at si Baby Bop. Nakakatawa pang tingnan yung mga bisita dahil karamihan sa kanila ay naka-GREEN (Baby Bop’s Color) at naka-VIOLET naman yung iba (Barney’s Color). Umaatikabong Picture-Taking ang nangyari. Kabi-kabila ang mga digicams na nagfa-FLASH. Halos hindi mo na malaman kung san ka titingin. After nung PERFORMANCE ng mascots eh nagkaroon naman ng MAGIC SHOW which lasted for about an hour na sinundan naman ng BUBBLE SHOW. MALALAKI yung mga BUBBLES. It started with the SMALLEST BUBBLE at habang tumatagal eh PALAKI NANG PALAKI yung mga inilalabas na BUBBLES. Nakakatuwa rin lalo pa nang magkaroon ng picture-taking habang isa-isang binabalutan ng BIGGEST BUBBLES yung mga bisita, nagsimula sa mga bata… tapos hindi nakatiis yung mga isip-bata este ADULTS at naki-JOIN sa FUN. Nagpa-picture din yung ilang Mother-Daughter Tandems, Father-Son Tandems etc.

Natutulog na nga si Riley nang magca-candle blowing na, kaya ang SWEET couple na sina Rose at Andrew na lang ang nag-blow. Almost EVERYONE eh nakapansin sa SWEETNESS ng couple. Parang habang TUMATAGAL sila eh mas lalo pa silang nagiging SWEET sa isa’t-isa kaya hindi malabong magkaroon ng MGA KAPATID si RILEY. DABEST yung PARTY na yun sa kahit anumang party na napuntahan ko sa buong buhay ko. Marami rin kasi akong FRIENDS na nakita ko ulit doon – sayang din kasi hindi nakarating yung iba. Ayos na ayos sanang REUNION. Sana nga sa susunod eh kasama na sila. Kami ang huling-huling umalis sa VENUE, kasama na namin sina Andrew, Ate Weng, Rose, Jojo, Jessica, Ivan at Riley. Nagpicture-taking muna kami sa lahat ng sulok ng ACACIA bago tuluyang nagsiuwian.

h1

Bagong Tropa

October 6, 2008

September 28, 2008

Nakakatamad maghapon. Wala kasing magawang maganda-ganda sa buhay. Bigla naman nagtext sina Jayson at Jaymar – me usapan na kasi kami nung sanlinggo pa na pupunta kami sa bertdey ni Jaymar sa bahay nila sa Araneta. Nahihiya ako kasi isang beses ko pa lang naman silang nakainuman tapos pupunta pa kami doon. Ayos lang sana si Joshua na kababata naman nila. Nangulit di si Herson at nagpumilit na sumama.

Kakapilit nila. Nilunok ko ang hiya ko at sumama. Sinundo kami nina Jayson at Jonald sa Araneta Avenue. Nilakad na lang namin papunta sa kanila. Barangay Sto. Domingo ata yun. Dahil 9:00PM na mula sa usapang 1:00PM eh wala na kaming inabutang mga bisita doon. Nakakahiya tuloy lalo dahil pa-importante pa kami. Nakakatuwa silang tumanggap ng bisita… DABEST! Wala na akong mahihiling pa. Inasikaso AKO ng todo ni Jayson na kakuwentuhan kong magdamagan last time samin. Inasikaso ko raw kasi siya ng todo noon (na ipinagtataka ko naman) kaya bumabawi lang siya. Lahat ng pagkain abot siya ng abot sakin, softdrinks, kwento – katabi ko siya. Si Herson naman na nagkukunwaring LALAKI eh unti-unti nang naglaladlad. Nagkaroon tuloy kami ng CLOWN. Tawa nang tawa sina Jonald, Jaymar, Joshua, Nelson, Jayson at iba pa sa kaniya dahil napakadaldal at napakakulit na niya.

Nabasag ang long neck na Generoso na hindi pa nabubuksan.
Lasing na ata si Jayson.

Nagsimula kami sa Redhorse – dahil nga malakas na ang tama namin at wala nang mabilhan ng Redhorse – nag-switch kami sa Generoso. Nang nangangalahati na ang isang bote ng Generoso, nabasag na naman. Tutal tinamaan na kami pare-pareho, tinigil na namin. Dahil nga gabing-gabi na pinilit nila kaming doon na lang matulog sa kuwarto nina Jayson at Nelson. Hindi ako makatulog sa sakit ng ulo ko. Ewan ko ba kung bakit. Nagising na lang sila’t lahat – GISING na GISING pa rin ako. Nagyaya na lang akong umuwi tutal umaga na.

Pinilit pa rin nila kaming mag-almusal. Saka kami hinatid sa sakayan nila Jayson at Jonald (ulet).

Matagal ko nang nakikita si Jonald dahil boyfriend siya ng kababata kong si Joy at madalas silang pumupuntang magkasama sa bahay namin – lumipat na kasi sina Joy sa Araneta. Small World. Kababata rin pala nina Joshua na kapitbahay ko naman ngayon, sina Jaymar at ang mga kapatid at pinsan nito.

Minsan masarap pa rin talagang may mga taong tanggap kung ano ka. Pinahahalagahan at inaasikaso ka. May naalala tuloy akong tao.

h1

Family Reunion

September 29, 2008

September 21, 2008

Wala akong tulog pero maaga ang usapan namin ng mga relatives ko na magkikita-kita sa bahay ng tita ko para sabay-sabay na pumunta sa reunion namin sa side ng lola ko sa father ko. Mendoza kasi ang apelido ng lola ko sa pagkadalaga – so yung reunion na yun eh para sa lahat ng kapatid ng Lola Isiang ko at ang mga pamilyang nabuo mula sa kanila.

Kaming tatlo lang ng mama at sister ko ang pumunta. Nagkita-kita kami sa bahay ng Tita Naty ko. Dumating na rin doon ang pinsan kong si Ate Aida at anak niyang si Noel. Dumating din sina Kuya Bobot, Ate Myra at ang mga anak nila. Hinatid muna kami ni Kuya Bobot sa venue – sinusundan namin yung car niya ng van na sinasakyan namin. Nakakakaba magmaneho yung pamangkin kong si Noel dahil talagang matulin. 9:00 am pa lang nasa venue na kami sa Posadas Village sa Sucat. Kami ang naunang family na dumating. Matagal bago nagsidatingan yung mga kamag-anak pa namin sa Mendoza na puro hindi ko naman kilala maliban kina Kuya Onie, Tito Junior at Tita Solly. Yung mga dati kong pinsan me namumukhaan ako pero malabong magkaalalahanan pa kami ng mga pangalan. Siyempre me NAMEPLATE pero wala pa rin akong matandaan sa mga pangalan nila.

Dumating na rin sina Tita Tessie at buong pamilya niya na sina Kuya Bogic, Ate Lee, Pamela, Michael, Ate Tess, Tanya at Ate Marie – hindi nila kasama si Tito Eseng. Sa Side ng Muli eh kami lang ang dumating. Natatawa pa nga ako na kahit matagal na kaming hindi nagkikita ni kuya Onie eh nung nakaharap ko na siya nakainuman bigla ba namang sinabing “Naku talo tayo dito… malakas uminom tong si Roldan!” Pucha buuhin ba naman ang real name ko. Napakaraming nagsidatingan. Hindi rin ako masyadong nakakain kasi puro bawal naman sakin yung mga handa. Ang nakain ko lang eh lumpia at gulay. Bawal ang pork, tahong, hipon, etc. Ang kukulit din naman namin ng mga pinsan ko. Naginuman muna kami pero nang biglang sinabing magpapakilala na at magpoprogram na eh umiskiyerda muna kami nina Noel at si Kuya Gie. Pumunta kami sa Manila Memorial Park sa di-kalayuan dahil me pinuntahang pamiya doon si Kuya Gie. Kulitan pa rin sa van. Sayang kasi nakakatitigan ko na yung mga kaedaran kong pinsan at pamangkin ko sa Mendoza pero nagkakahiyaan naman kami.

Pagbalik namin eh muntik pa kaming pakantahin sa gitna. Nag-inuman na lang kami ulit. Bitin kasi hindi naman mga tomador yung mga pinsan ko, puro San Mig Lights pa yung inumin kaya walang katama-tama. Kinailangan pa naming bumili ng Red Horse namin. Kakanta na sana kami ng bonggang-bongga bigla namang nag-awarding at meeting de avance kaya naudlot hanggang sa nagpasiya na lang kaming umuwi. Nakatulog nako ng tuluyan sa van at nang magising ako eh nasa bahay na ulit kami ni Tita Naty. Hinatid muna namin sina Tita Naty, Rain at yung dalawang bulinggit saka kami lumarga para kami naman ang ibaba samin. Sinalubong kami ng tatlong kapatid ko kasi sabi ko magbuhat sila ng dala namin. Dahil bitin na nga ako sa kain at sa tulog. Kumain muna ako sa bahay ng napakarami saka ako natulog. Sa susunod na Reunion sa Lucena naman daw – at sa tingin ko sa panahon na yun handa na akong umeksena.

h1

Private VS Public

September 29, 2008

September 22, 2008

Matapos kumain ng lunch, dumating si Ate Rose (Mama ni Wheng) kasama ang pinsan ni Wheng na si Bunso. Masakit na masakit na ang balakang ni Wheng na kababata/kaibigan ko. Wala ang mister niyang si Arbie kaya kami na magdadala sa kanya sa lying-in na itinuturo ng ate ko. Ayaw na raw kasi siyang tanggapin sa LANUZA LYING-IN (matataray at maeepal daw ang mga extra dun) porke ba pag-aari ng gobyerno ang lying-in na yun, matapos siyang magpacheck-up doon mula pa noong umpisa ng pagbubutis niya, bigla na lang daw siyang sinabihang “Misis, huling punta mo na yan dito… hindi ka namin tatanggapin dito, maghanap ka na lang ng ibang panganganakan niyang anak mo, masyadong malaki yang tiyan mo, hindi ka na namin tatanggapin dito kaya wag ka nang babalik dito!” ng isang epal doon na nag-aasikaso sa mga nanganganak doon. UNFAIR diba? Bat ngayon lang sinabi kung kelan malapit na malapit na siyang manganak diba?

Wala kaming masakyang TAXI dahil ayaw naman kaming pasakayin ng mga TARANTADONG TAXI DRIVERS! Natatakot sigurong madumihan ang mga upuan ng TAXI nilang puro BULOK naman! Wala kaming nagawa kundi maglakad pa ng malayu-layo para sumakay na lamang ng Jeep. Halatang hirap na hirap na si Wheng kaya kinakabahan na rin ako. Pagbaba ng Dimasalang Bridge hinanap pa namin yung Tiyago St. Buti na lang at nakita naming kaagad. Nasa bungad lang ang BLESSED MOTHER LYING-IN. Kinabahan pa ako nang sinabing hindi sila tumatanggap ng manganganak na hindi naman nagpapacheck-up doon. Dahil nga malaki ang tiyan ni Wheng, iniisip nilang baka ma-Caesarian – ang tanging problema, ang pinakamalapit na hospital sa kanila in case na ma-CS nga eh sa ST. JUDE, eh dahil private yun lampas Php 30,000.00 ang babayaran. Sabe naman ni Wheng eh kakayanin niya ng NORMAL DELIVERY kaya chineck-up muna siya ng mga midwife doon. Mababait naman yung mga midwife… Inasikaso siya ng todo. Hanggang sa nakapanganak na nga siya. Php 7,000.00 plus ang bill – pero okay naman dahil MABABAIT ang mga midwife, aircon ang kuwarto, wala nang bayad kahit magtagal ka, libre pagkain etc, libre kwento pa mula dun sa baklang nandun. Hindi gaya sa LANUZA na itinuring na para sa MAHIRAP eh MAEEPAL at MASUSUNGIT naman yung mga nag-aasikaso… at madumi pa ang surroundings.

h1

Trip 2 Bulacan!

September 18, 2008

Niyaya ako ng tropa kong si Herson na pumunta sa bahay nila sa may Sta. Maria, Bulacan. Balak sana naming goyoin si Mar na kunwari mag-iinuman lang kami sa Recto pero yun pala eh sasakay na kami ng bus papuntang Bulacan. Hindi kami nagtagumpay dahil ayaw talaga ni Mar sumama, dahil napakarami pa niyang aasikasuhin. We decided na lang na uminom sa In or Out sa Avenida. Ayos naman kahit hindi mapakali si Mar dahil wala ngang signal sa loob ng Bar.

Umorder kagad ng ilang bote ng Redhorse para samin ni Herson at ilang bote naman ng San Miguel kay Mar. Umorder din si Mar ng Pritong Mani, Kaldereta at Kinilaw na Kambing. Ayos na sana kaso masyado atang nagtitipid ang Bar dahil kapiranggot lang yung tagiisang order ng pulutan na inorder namin. Maaga pa… 3:00PM para uminom kaya kakaunti lamang ang tao sa Bar. Habang tumatagal eh nagdadatingan na rin naman ang mga kostumer. Hindi kami nagtipid sa pagkanta kahit 10.00 per song eh tutal si Mar naman ang magbabayad tsaka kami daw bahala sa gusto namin.

Napagkasunduan pa rin namin ni Herson na pumunta ng Bulacan kahit kaming dalawa na lang. Sumakay kami ng Santrans biyaheng MUZON sa Avenida. Nakatulog ako sa bus at paggising ko eh nasa Muzon na kami. Sumakay pa kami ng Jeep papuntang San Vicente Subdivision kung saan sila nakatira. Madilim na kaya naglakad na lang kami papunta sa bahay nila pagbaba namin sa Gate ng San Vicente. Naabutan namin doon ang kuya ni Herson na si Morris at ang asawa nitong si Flor. Nandun din ang aso nilang si Sazu. Bangenge pa rin kami. Namasyal muna kami sa court at sa plaza. Pag-uwi namin eh nagyaya nang uminom si Morris. Kahit lasing pako sa Redhorse eh pinaunlakan ko sila nang magbukas ng long neck na Generoso. Nabigla ata ako kaya hindi matapus-tapos ang sinok ko. Hindi ako namula sa Redhorse pero sa Generoso namula ako ng todo-todo. Parang naninikip na nga ang dibdib ko (pero hindi yung naninikip na mamamatay) Tumigil na kami sa pag-inom at naligo na lang. Sus nawala rin ang pamumula ko pero yung sinok hindi talaga nawala.

Maraming bawang sa bawat sulok ng bahay nila, kahit sa banyo, kusina, wind chime, palaspas, basta kahit saan – kasi buntis nga naman si Flor. Kinabukasan, maaga kaming nagising at naglibut-libot na naman. Lumabas pa kami ng Subdivision para mag-picturan. Ampangit ng suot namin tsaka di pa kami naliligo kaya naisip naming umuwi para maligo muna at magbihis, pagkatapos ko pa ngang maligo eh pinagtatahulan at kamuntik pakong makagat ng aso nilang si Sazu dahil nag-iba ang itsura at amoy ko, saka kami lumabas ulit at nag-picturan. Mahilig kasi sa picturan yung tropa ko. Umuwi kami saka nagkayayaan ulit mag-inumanng Generoso habang nanunuod ng TV. In fairness banas na banas kami sa sama ng ugali ni MARLON sa Survivor Philippines. Yung mataba doon na gustong maghari. Pagkatapos mag-inuman nagyaya na naman si Herson na pumunta sa court – inabot kami ng 2:00 ng madaling-araw doon. Pag-uwi namin bagsak kami.

Pagkagising namin kinabukasan – nag-almusal lang saka kami umalis ni Morris. Hinatid niya lang ako hanggang sa Muzon ng motor niya dahil doon na ako sumakay ulit ng bus pauwing Manila.

h1

Kung Nag-Aral Lang Ako…

September 11, 2008

Pumunta ako ng Makati para puntahan ang Initial Interview ko sa inaplayan kong company doon. Pagdating ko doon, agency pala ang pinuntahan ko. Ayos naman ang lahat. Mababait ang staff. malinis, maayos at malamig ang opisina. Nagulat pa ang interviewer kong si Ms. Nea dahil magaganda ang mga nakaraang trabaho ko at matataas din ang sweldo – kumpara sa inaaplayan kong minimum lang ang matatanggap ko at mahirap talaga ang trabaho. Hindi naman ako nagsinungaling o gumawa ng mga kuwento-kuwento, sinabi ko ang lahat ng totoo. Maayos na maayos ang lahat, asikasong-asikaso ang mga aplikanteng gaya ko. Matapos ang exam at interview, binigyan na ako ng Endorsement.

Maaga akong nagising kinabukasan. Puyat ako pero ayos lang naman. Wala nang kain-kani, dumiretso na ako sa lakad ko. Nang nasa jeep na ako, saka ko nalamang napakalayo pala ng pupuntahan ko. Isang sakay lang pero napakalayo pa rin. Bumaba ako ng Pasig Rotonda saka sumakay naman ng tricycle doon. Malayu-layo pa rin ang binyahe ng tricycle. Pagdating ko sa HR, nakaupo na ang lahat ng mga nakasabay ko kahapon sa agency. Doon medyo nagkakabiruan at nagkakausap-usap na rin kami. Hindi na kami nagpakilala sa isa’t-isa. Noong una, natatarayan ako sa ladyguard. Mula 9:00am eh naghintay kaming apat doon, dumaan ang ilang oras dumami ang mga aplikanteng sasabak sa Final Interview. Iba-ibang posisyon naman ang inaaplayan namin. Dalawa lamang kami ng katabi kong, ewan kung bakit nakikipag-usap naman siya sa iba samantalang ako na kasabay niya pang nag-exam at na-interview kahapon eh ni hindi niya matapunan nang tingin, katabi ko na siya non ha.

Ilang beses kong narinig na nag-ring ang bell. Ilang beses ko ring nakitang lumabas at pumasok ang ilang empleyado doon. Kanina pa lang sa tricycle – parang ayoko na talagang ituloy – pano ba naman, Php 28.oo na sa jeep tapos Php 30.oo pa sa tricycle – lumalabas na Php 116.oo ang balikan. Hindi kakayanin lalo pa at minimum wage na Php 382.oo lang ang kikitain ko sa isang araw. Magkano na lamang ang matitira sakin. Nagpasya na akong umuwi. Nang kunin ko ang NBI Clearance ko sa ladyguard. Mukha na siyang mabait at sinabing maaari naman daw akong bumalik kinabukasan dahil nga busy lang daw talaga ang mag-iinterview samin. Nginitian ko na lamang siya.

Mas mainit at mas traffic ang byahe ko pauwi. Mag-aalas-dose na kasi. Marami akong nakasakay na mga estudyante. Bumaba ako sa bandang San Sebastian, kung saan, mas lalong dumami ang nakasabayan kong estudyante sa paglalakad. Nadaanan ko rin ang UE, AMA at STI at ilan pang paaralan – nasa University Belt na kasi ako. Nalungkot ako. Kung pinagbuti ko lang sana ang pag-aaral noon at nagsumikap pa para magkolehiyo – hindi sana ako nahihirapan, hindi sana ako magkakaganito. Nainggit ako sa mga estudyante, kung sinipagan ko pa sana at nagkolehiyo sana ako e di dapat sana nasa opisina ako nagtatrabaho – o di kaya ay nasa ibang bansa na ako. Talagang nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko na maibabalik pa ang mga panahong sinayang ko. Kung maibabalik ko pa sana ang panahon.

h1

Authograph.

September 2, 2008

Katatapos ko lang sagutan yung AUTOGRAPH ni Julia. Natatawa ako kasi nasagutan ko na yun – ako pa nga ang nauna, naisip ko lang na sagutan ko yun ng seryoso dahil parang hindi ko masyadong pinag-isipan yung mga pinagsasasagot ko dun last time. Nakakatawa pero may mga tanong pa rin doon na talaga namang nahirapan akong sagutan. Gusto ko kasi isagot ko yung TOTOO na talaga.

Eto yung mga tanong na nahirapan akong sagutan:

1. BEST FRIEND: JORDAN S. MOLANO
sa totoo lang hindi ko alam kung tama ba talaga ang isinagot ko. Hindi ko naman mailagay yung ibang taong naging malapit sakin kasi nga BEST na ang usapan kaya talagang yung pinaka-naramdaman kong MATALIK kong KAIBIGAN ang nilagay ko. siguro kaya lang nagdalawang-isip ako sa sagot ko eh dahil WALA na siya ngayon. marami rin naman akong naging BESTFRIENDS mula pa noon pero parang hindi sila yung PINAKA!

2. DEFINE LOVE: LOVE IS BEING HAPPY AND GETTING HURT A LOT!
una ilalagay ko sana “Love is the Center of our solar system” kaso masyadong corny kaya kung ano yung tingin kong ibig sabihin ng pagmamahal eh yun na ang nilagay ko. totoo naman diba? mas madalas na nakakasakit ang LOVE.

3. WHO IS YOUR CRUSH: SO HIGHSCHOOL DUH!
eh sa wala na talaga akong mailagay. parang sa tingin ko nga eh hindi ko na rin alam ang ibig sabihin ng salitang CRUSH. para sakin CRUSH is not really PAGHANGA. kasi sakin pag nagustuhan ko yung isang tao – LOVE yun at hindi paghanga no?

4. WHO WAS YOUR FIRST LOVE: ANGEL #24
codename lang ang nilagay ko. bakit kamo? wala lang… gusto ko maging misteryosa siya sa sinumang makakabasa nung AUTOGRAPH na yun. pero PROMISE siya yung minahal ko talaga ng todo. binase ko yun sa kung sino ang pinakamatagal na nakalimutan ko. yung as in hindi ko talaga makalimutan yung damdamin ko sa kanya.

Samantala, meron namang mga part dun na nasagutan ko kaagad. yun bang hindi na kailangan pang isipin – sagot na lang kagad. gaya ng DESCRIBE YOUR LOVED ONE, HAPPIEST MOMENT, UNFORGETTABLE PLACE & DATE, WHAT ATTRACTED YOU MOST at WHO WAS YOUR FIRST KISS.

Panandalian akong kinilig at nasiyahan. Pero in the end, medyo nalungkot ako. Hindi na pala ako bata. Tingin ko yun na rin ang HULING SAGOT ko ng AUTOGRAPH. Panghayskul lang kasi yun eh. At wala na akong balak na bumalik pa sa hayskul.

h1

Api Bertdey!

August 10, 2008

Haiz! Maxado na atang super duper mega over late na ang entry kong ito. Lam niyo na wala na akong trabaho kaya wala nang FREE internet access… Kea nga paminsan-minsan na lang ako nakakapag-surf and blog. Ang iba-blog ko ngayon is about my birthday!

Last July 12 eh natuloy na nga aking pinakahihintay na Birthday Semi-Party na parang hindi naman hehehe! Super aga kong nagising. Sinamahan ako nina Ritchie, Wheng at Denz na mamili ng mga pupulutanin (walang handaan no! inuman lang!) maya-maya lamang. Matapos ang lahat eh nagbihis na akong ng Striped Shirt, Skinny Jeans, Flip-Flops and with Matching Dogtag, Earring and Contact Lenses. Ibang-iba nga daw ang aura ko.

Ang mga nakasalamuha ko eh sina Don, Ritchie, Ivan, Wheng, Me-Ann, Bryan, Bea, Julia, Jasmine, Peejay, Biboy, Jayson, Denz, Mae, Mhon Jade, Jonjon, Rereboy, Oliver, Lester, Mama, Jong, atbp. Hindi na pumunta si Arnold dahil nga sabe niya eh baka masira lang ang party ko dahil nagsapakan nga sila ni Ritchie earlier. Maagang umuwi sina Peejay, Biboy at Jayson (magpipinsan) dahil nga ka birthday ko ang tito Junjun nila. Pinagtetetext ko yung iba ko pang inimbitahan pero hindi naman nagsidating. Medyo hindi ako natuwa dun pero super-saya naman. Umarkila ako ng Videoke Machine na talaga namang pinagsawaan hanggang kinabukasan ng hapon.

Medyo hindi lang naging maganda ang birthday ko kasi nga na-confine naman ang Favorite Tita Rachel ko sa UST. Hmmmmp! Buti na lang at naging maayos naman ang lagay niya – pero talagang tinawagan niya pa ako sa celfone just to greet me. Kaya pinuntahan ko talaga siya sa hospital.

Naging masaya naman ang lahat kahit may mga taong inaasahan kong darating ang hindi nagpakita. Pero ayos na rin yun, at least menos gastos na rin diba?