h1

Nagsimula Na!

Hunyo 16, 2009

Nagsimula na ang klase namin sa UDM.

Kahit na DUMADAMI na ang naaapektuhan ng A (H1N1) eh tuluy-tuloy naman ang lahat. Kahit pa wala ang CHEM 011 (General Chemistry) at DRAW 1 (Drawing Fundamentals) Professors namin.

Okay na okay na sana ang Eng 011 (English Grammar) Professor namin na si Mr. DB kaso parang mapapalitan pa ata dahil daw sa Change of Sched., sana naman kasing-COOL niya ang papalit (kung papalitan nga siya). Hindi ko talaga gusto ang alinmang subject na MATH pero dahil SUPER COOL naman ang professor namin sa MTH 011 (College Algebra) na si Mr. RSM eh malamang na ma-ENJOY ko na ang MATH.

Pag-uwi ko, NAKATULOG kaagad ako sa pagod. Bigla ba namang magyayang UMINOM sina Mar kaya ayun lasing na lasing ako, i-celebrate ba naman ang 1st Day of school.

–=== KINABUKASAN ===–

Late na akong nagising. Isinuot ko ang anumang pwedeng suotin saka lumarga ng walang kain-kain. Na-stranded pako sa Avenida, umulan ba naman ng pagkalakas-lakas – buti na lang at pagdating ko eh HINAHANAP pa lang ng mga kaklase ko ang ET 011 (Basic Electronics & Signal Communication) Lab namin. Naging Class SECRETARY pako. Buti kamo hindi President.

Umuwi ako sa bahay para magpahinga dahil mahaba-haba ang vacant namin… Umulan na naman nung papasok na ako kaya MUNTIK ko nang hindi pasukan ang IT 011 (Values & Work Ethics) buti kamo ayoko talagang mag-cut ng klase. Late na akong nakarating na Pawis na Pawis. Ibinigay ng prof ang Seating Arrangement namin, buti kamo pumasok ako.

h1

Ano Ba Naman Kaya?

Hunyo 12, 2009

Napapraning na naman ako.

Mapaligiran ka ba naman ng mga KUPAL na tao. Mga kaibigang hindi mo malaman kung bakit NAGTITIRAHAN ng PATALIKOD. Nakakasawa na kasi. Nakaka-UMAY na ang ganung sistema.

Mananatili na lamang ba akong NAKIKINIG sa TALIKURANG SAKSAKAN nila. Talikurang agawan ng eksena… Hmmmp! Hindi ko na nga kinakaya ang mga pinag-gagagawa nila. Ayokong KUMAMPI sa kahit sino sa alinmang PARTIDO. Kaya NAKUKULILI na ang tenga ko sa Talikurang SIRAAN, AHASAN, AGAWAN at GAGUHAN! Nakakabadtrip na talaga kung minsan na AKO MISMO ang nakakarinig, nakakakita at nakakasagap ng mga LAGLAGAN nila.

Haiz. DE MONTRES!

h1

Ako Si Dilan.

Hunyo 9, 2009

Calm your heart. Be still.

I am DILAN. friends call me that.

I am an exceptional man who has the ability to simplify the complexities of life.

ako si Dilan.
ako si Dilan.

Being me doesn’t always mean that I AM going to be GOOD at you. I choose people whom I talk to.. and my apologies. if im a bit snob..

TALK TO ME AND I SWEAR TO YOU ITS ALL WORTH IT.. BUT, WATCH OUT! I FEEBLE SO GET OVER ME..

I AM OUTSPOKEN, DETERMINED AND VERY OPINIONATED.. I WANT WHAT I WANT AND THERE’S NOTHING WRONG WITH IT..

TYPICAL HAPPY GO LUCKY WITH MASS PERSONALITIES..

IF I FIND YOU LAME, I’LL GIVE YOU A FAKE SMILE..

IF I DONT LIKE YOU, ILL MAKE SURE YOU WILL KNOW IT..

OPTIMISTIC AND PESSIMISTIC AT THE SAME TIME..

CLOSEGUARD ON MY FEELINGS..

A man of few words.

Unpretentious.

Has solemn face, One can get an impression of mystery.

A good son, I am considered as one of the best catches around, at least to my friends.

Unchanging prudent.

cautious when love insinuates.

A sticky soul who will never desert you especially in rough times.

A very attractive entity.

Soft and well mannered.

Expect unexpectedly outrageous things about me, is basically the key to understand me.

Simple looking yet complicated by nature.

Timid.

Silent Operator.

Master Procrastinator.

Reserved.

Tranquil person seldom affected by the trivialities of this world, I have the knick of simplifying otherwise intricate unsettled questions.

Blessed with a soft melodious voice.

Determined and never afraid of hard work.

AND PLEASE, STOP ASKING ME ABOUT HAVING “WHATEVER” WITH YOU.. I HAVE MY OWN MANAGERIE TO ATTEND TO. DON’T ADD ME TO YOURS..

h1

Booking…

Hunyo 5, 2009

Huling beses ko siyang nakita noong birthday ko last year. Malapit na naman ang birthday ko at ngayon pa lamang kami uli kami magkikita. Madalas kaming nagpapalitan ng text messages. Nagkukulitan, nagkakamustahan… nagbobolahan.

si JJ...

si JJ...

“punta ko diyan senyo bukas… shot tayo!” ang text niya sakin.

“oo ba. bakit tayo shot?” ang sagot ko.

“wala lang. bonding?” ang maikling sagot niya.

“okay.” ang paniniguro ko.

Sakto namang nagyaya ang kaibigan kong manager namin sa inuman. Last week pa kami huling nag-inuman kaya nagyaya siyang mag-inuman kami ng hapon na yun. Tinext ko kaagad si JJ para yayain. Para hindi na rin kami gumastos sa inuman kinabukasan. Gusto rin naman siyang makita ni Enzo, isa pa sa mga kaibigan namin.

Nasa OJT pa siya sa EDSA pero sinigurado niyang makakarating siya ng mga 6pm.

5pm pa lamang eh dumating na si Mar, ang manager namin sa inuman. Saktong 6pm nang dumating naman si JJ. Iba ang inaasahan kong itsura niya sa nakikita ko kaharap siya. Mas matangkad na siya sakin, kasinlaki ko lamang siya dati. Mas moreno siya samantalang napakaputi niya noon. Pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Mukha pa ring bata, inosenteng-inosente pa rin ang dating gaya noong unang beses ko siya nakita.

Ako, si Enzo, si JJ at si Mar – nilaklak namin ang ilang bote ng Red Horse para saming tatlo at SMB naman para kay Mar. Kuwentuhan, Kamustahan, Harutan at Kulitan. Dumating pa ang 2 pinsan niya na tagasamin lamang. Nakipaglaklakan pero hindi naman makasali sa usapan. Masarap kasing pag-usapan ang nakaraan.

May mga tama na kami pero napagdesisyunan pa rin namin na lumipat sa pinakamalapit na Videoke Bar. Itinuloy ang kuwentuhan, harutan at nadagdagan pa ng kantahan.

“Brad! salamat sa lahat-lahat ha! Napasaya mo na naman ako. Kala ko hindi na mauulit yung ganitong pangyayari. Hindi ko akalain na ikaw pa ang makapagbibigay ng kaligayahan sa buhay ko dito sa Manila!” ang seryoso niyang wika na halata namang lasing na siya.

Ngumiti lamang ako.

Hinatid namin silang dalawa ni Mar sa parking lot.

“Ikaw na bahala sa kanya pare ha!” ang wika ko kay Mar na kasabay niyang paalis.

“Lalabas pa ba kami?” ang tanong ni Mar sakin.

“Oo. Diba sabi na nitong kumag nato kanina!” ang panigurado ko.

“Salamat talaga Dilan ha!” ang huling nasambit ni JJ sakin saka siya pumasok sa van ni Mar.

“Sa uulitin!” ang wika ni Mar sakin, sabay halik sa pisngi ni JJ. Nagulat pa si JJ sa nangyari. Natawa lamang si Mar sa reaksiyon niya.

Pina-andar na ang sasakyan.

Isang napakatipid na ngiti ang ibinigay niya sakin – pero inosenteng-inosente pa rin ang dating niya.

Kumaway ako. May isa na namang kumagat sa alikabok.

h1

Sa Piling Nila…

Hunyo 1, 2009

napakatagal na panahon nang hindi kami nagkikita. mga taong kasama ko sa pang araw-araw na buhay ko noon. sa loob ng opisina – walang hinto ang kasiyahan namin. pero nang magkahiwa-hiwalay kami noon, hindi naman kami kaagad naglayu-layo. nag-CHRISTMAS PARTY pa nga kami sa house nina Jericho at Joy noon. ilang beses ko ring nakainuman yung kapatid, mga pinsan at ilang kaibigan nina Jericho.

berde kung berde no?

berde kung berde no?

inimbitahan nila akong makipag-MOMENT sa kanila sa BAGO nilang OPISINA.
ilang beses na nila akong niyayaya pero hindi naman ako nakakapunta.
na-miss ko tuloy ang ilang birthdays… pati na ang KASAL nina Joy at Jericho.

sinundo ako nina Eve at Andrea sa baba ng UNIT nila. sinamahan ko muna silang bumili ng ice cream, bread, bagoong at softdrink sa malapit na 7-Eleven, bakery at Mercury Drug. pagpanik namin sa unit nila eh nag-merienda kaagad kami ng mga pinamili nila at umorder naman si Joy ng Inihaw na Bangus for DINNER.

nagkwentuhan kami habang kumakain. napakaaga naming nag-DINNER. pagkarating na pagkarating ng inorder na bangus eh nilapastangan kaagad namin. picture taking and more kwentuhan.

sumama muna ako sa house nila with Jericho. nag-videoke with ALLAN and Jericho. saka kami bumalik sa office nina Joy na malapit lang din naman – isang tricycle lang. more picture picture. tapos na rin ang office hours nila dahil nga 11PM na kaya nagsipag-uwian na rin kaming lahat.

one of the BEST days of my LIFE!

h1

Birthday ng Tropa

Mayo 22, 2009

May 20, 2009 – Birthday ng isang tropa ko. Si Denz Tarca. Pinagtripan pa namin ang mga iba pa naming tropa na sa Malate kami magpaparty. Bihis na bihis ang lahat, sabi ko kasi bawal ang naka-slippers at bawal ang naka-shorts.

Hindi sila agad naka-move on nang pumasok kami sa paborito naming inuman, ilang hakbang lamang ang layo mula sa lugar namin. Nagkatawanan. Dumating sina PJ, Mar, Arnold, ang mga kapatid kong sina Dondon at Ivan, G-Son, Jade at si Mon.

Napakasaya naming lahat. Lalo na si Denz. Maya-maya dumating naman ang blogger na si YJ na isa na sa tropa namin, at ang isa pa naming kaibigang si Angel. Si Mar na jowa ni Denz ang TAYA. Pero sa isang banda me hiwagang nagaganap. Nagkakaroon na pala ng komprontasyon sina Denz at Mon, na dating lovers. Muntik ko pang masapak si Mon dahil umeepal na siya, malamang lasing na.

si son at si mon

si son at si mon

Usapan nina Denz at Mon sa banyo…

MON: wag mong sabihing niloko kita dahil kahit kailan hindi ko magagawa ang bagay na yan!

DENZ: ginawa mo na. ipinagpalit moko sa iba. harap-harapan pa.

MON: kalimutan na natin ang nakaraan… hindi mo naman kasi ako ipinaglaban. Balikan moko. mamahalin kita gaya ng dati.

Natatawa kaming nagsialisan sa pakikinig. Umalis si Mon na umiiyak. Nakakatawa, lalaking-lalaki umiiyak. Lumabas ang tunay niyang PAGKATAO.

Umalis ako kasama si YJ. Pumunta kami sa bahay nila sa Sta. Mesa. Lasing na ako, ewan ko sa kanya. Umaga na ako umuwi. Kung saan sinalubong ako ni Denz sa tapat ng bahay namin…

At alam kong masayang-masaya siya.

h1

Ang Humble na si YJ

Mayo 22, 2009

Nakakatawang isipin na matapos naming magkita ni YJ eh close na close na kami. Madalas na rin siyang kasama sa mga inuman namin. Gaya na lamang ng magkayayaan kami nina Denz Tarca na uminom kasama sina G-Son at Jade sa Novi’s, kagagaling lang niya ng Tarlac pero sumunod pa rin siya.

Parang isang tunay na barkadang matagal nang magkakakilala.

Natulog din siya sa tambayan naming magkakaibigan katabi si Denz. Kahit walang kama kundi manipis na higaan lang at maliit na espasyo… nakuntento na siya. Nahihiya tuloy ako ng makita ko ang tinutulugan niya. Kaya pala masyadong maaga siyang nagising.

h1

A Night With A Blogger.

Mayo 14, 2009

Nang ginawa ko yung last post kong Tropapitz – maya-maya eh tinawagan na ako ni YJ aka Manila Bitch. Gimik daw kami at siya ang taya. Ayoko sana kasi hiyang-hiya talaga ako pero sa huli eh napilit niya rin ako.

Sinundo niya ako sa Isetann Recto. Pumunta kami sa Manila Pavilion kung saan eh nandun pa ang kasama niyang iba na sina Aldren (ex ni YJ na asawa ng bestfriend niyang si Ana), Ana (bestfriend ni YJ), Tita Nimfa (mommy ni Ana), Ang Japanese na si Koike Masahiro, Kuya Daniel (kapatid ni Tita Nimfa) at si Kathleen. Matapos manggaling sa Casino at magpahinga sandali sa Hotel eh kumain kami sa Pancit Malabon sa tapat ng MP.

Hinanap namin ang sinasabing Miss Universe na Club pero hindi nakita kaya sa Asian Entertainment kami napunta. 500 per head ang Entrance, gusto ko sanang magpipipicture pero hindi naman pwedeng ipasok ang anumang camera. Ang gaganda at ang seseksi ng mga babae sa AE. Pwera na lamang sa iba, gaya na lamang sa sinabi ni YJ na batch daw ng mga malnourished. Palaban talaga ang mga babae. Me batch pa na hubo’t-hubad na nagshoshowdown sa pagsayaw sa stage. Puke dito Pekpek doon ang makikita mo. Maraming foreigner. Ang mamahal ng drinks lalo na ang isang kopitang lady’s drink na nagkakahalaga ng 800 Plus. Mukha namang Sanmig Light lang yung laman non, baka nga hindi pa. Mga ilang oras din kami doon saka nagkayayaang umuwi. Nauna nang umuwi sina Aldren kasama si Kuya Daniel at Koike.

Sumakay naman kami ni YJ ng taxi pauwing Recto. Nakipag-away pa si YJ sa taxi driver sa sobrang mahal maningil at sinasabing Asian Taxi daw siya. Pumasok kami Sa Novi’s na paborito kong inuman. Nakailang bote kami at sa wakas narinig kong kumanta si YJ. Sabi niya pangit daw boses niya… hindi naman eh. Videoke King nga ang dating. Ewan ko pa kung ano ang pumasok sa utak ni YJ at nag-table pa ng isang babae sa Videoke Bar, pina lady’s drink at pinakain. Naging Lalaki na ata siya sa mga nakita niyang Pekpek sa AE kani-kanina.

Marami kaming napagkuwentuhan. Nawala na rin ang hiya ko sa kanya sa sobrang saya niya kausap. Lumabas na rin ang tamang daldal at tamang kulit ko. Naikuwento niya sakin ang mga love story sa buhay niya lalo na ang kontrobersiyal na pinakahuling lalaki sa buhay niya na si NJ na nakalabuan niya. Sayang naman. Gusto ko rin sanang makita ang sweetness na nakita ng iba pang mga bloggers na sina ARIS at LUIS BATCHOY.

Alas Tres na kami ng madaling-araw natapos. Hinatid ko siya sa tapat ng Isetann Recto para sumakay ng taxi pauwi sa bahay niya.

Marami kaming natutunan sa buhay ng bawat isa saming dalawa. Maraming mga lihim na nabunyag. At alam ko na simula na ito ng isang mahaba at masayang pagkakaibigan.

h1

Tropapitz

Mayo 11, 2009

Ilang araw na rin ang naklilipas nang magpalitan kami ng text message ni YJ (author ng manilabitch.blospot.com) Nagcomment kasi siya sa isa sa mga Posts ko dito sa blog ko at hiningi niya ang mobile number ko. Sa wakas bnakita ko na rin ang mga kontrobersiyal na tunay na mukha nila ng kanyang Labidabs na si NJ. Sa totoo lang PAREHO silang GWAPINGS!

ang header ng blog ni YJ

ang header ng blog ni YJ

YJ aka Manila Bitch

YJ aka Manila Bitch

Kahit gabi na at nakikipag-inuman na siya eh textan pa rin kami nang texan. Ang problema ko lang eh Smart ang gamit ko at Globe naman ang gamit niya kaya Limited ang mga text ko sa kanya… kung minsan nakikitext pa ako sa kung sinu-sino mareplyan ko lang siya.

Salamat nga pala YJ sa paanyaya mo ng Coffee + Dinner sa Robplace. Kahit treat moko NAHIHIYA talaga ako. Hayaan mo, kapag me work na ulit ako sisiguraduhin kong magkikita tayo.

———————–

Matagal ko na ring Kaibigan si Jonell (author ng paurong.com) mula pa noong nagwowork pako. Isang beses na rin kaming nag-meet nang ibinigay ko sa kanya yung mga CD na binurn ko. Sa FEU kasi siya nag-aaral kung saan malapit lang samin.

header ng paurong.com

header ng paurong.com

Jonell aka Paurong

Jonell aka Paurong

Akala ko noon mananatili lang ang sarili ko sa pagbabasa at sa pagsusulat ng blog. Akalain ko ba namang may mga magiging KAiBIgAn din pala ako.

h1

The Next Me? … a STUDENT!

Abril 29, 2009

Matapos ang napakatagal na panahon na paghinto sa pag-aaral. Matapos ang napakahabang mga pila. Matapos ang walang katapusang pabalik-balik sa dalawang branches ng Universidad de Manila. Matapos tumagaktak ang banye-banyerang pawis.

Eto na. Officially… Estudyante na ako.

udm1

Pasukan na lang ang kulang. Hindi na ako makapaghintay. Malapit na malapit na. June 8, 2009

h1

Finally!

Abril 19, 2009

Sa WAKAS…

Nakapasa na ako sa admission exam sa UDM. In fairness kinabahan ako dun ah! pero THANK GOD nakapasa na nga ako.

“Punta ka na sa UDM, nakita ko na pangalan mo!” ang sabi sakin ng kaibigan kong si Manny – na isang city hall employee.

Kinabukasan, isinama ko si Tintin kasi sabay din naman kami nagpalista at nag-exam kaya sabay na rin naming titingnan ang resulta ng exam. Hindi nga ako jino-joke ni Manny, pareho kaming nakapasa ni Tintin. Pumasok kaagad kami sa lobby ng UDM.

Namili kami ng course na kukunin, ang top 3 courses na napili ko eh:

*Bachelor of Science in Computer Engineering
*Bachelor of Science in Business Administration
*Bachelor of Science in Industrial Technology

Pagkatapos namin sa UDM eh dumiretso kami sa SM Manila. naglakad-lakad, tumingin-tingin sa mga cellphones, saka kami dumiretso sa Quantum sa 3rd Floor. Nainggit kami sa mga kumakanta sa stage – nagpraktis muna kami sa Videoke cubicle saka kami kumanta sa Center Stage. Tinext din namin si Mar, sakto me lakad ata siya malapit sa SM Manila, maya-maya dumating siya, nagkayayaan kaming uminom sa malapit na Videoke Bar. Nauna na nga lang umuwi si Mar at iniwan kami ni Tintin.

Pagkatapos namin eh umuwi na kami. kung saan ako nangulit.

h1

Tatlong Araw sa Binangonan…

Marso 22, 2009

Inimbita ang buong pamilya namin ng pamilya ni Tita Tessie sa Binangonan. Sama-samang birthday daw kasi nila doon kaya talagang paghahandaan.

FRIDAY: March 20, 2009

— Maaga pa lang eh nagsigising na kami para makapaghanda. 10:00 AM eh nagkita-kita na kami nina Mommy Naty at Rain-Rain sa tapat ng Isetann Recto. Sumakay kami ng Pasig kasama ko sina Mama, Ivan, Bryan, Mae at si Jong-Jong. Bumaba kami sa Crossing kung saan eh sumakay naman kami ng FX papunta na sa Binangonan. mahaba rin ang byahe. Bumaba kami sa Mercury Drug saka hinintay si Kuya Bojic. Sinundo kami ni Kuya Bojik ng van papunta na mismo sa bahay nila. Inabutan namin sa bahay sina Tita Tess, Tito Eseng at Ate Marie. Dumating na rin sina Michael at Pam na mga anak naman ni Kuya Bojik. Mga 4:00 PM naman eh sinundo na namin sina Ate Aida at mga anak niyang sina Cristine, Noel at Trisha – nanggaling pa sila sa Cavite. Sinundo na lang namin ng van sa Munisipyo ng Binangonan.

Nagkayayaan kaagad kaming mag-inuman nina Noel, Cristine, Ivan at Kuya Bojik. Pangalawang bote pa lang eh nagkayayaan naman kami mag-strolling. Nag-hiking pa kami sa parang bundok na matarik na daanan. Ang ganda ng sunset sa taas. Sementeryo yun at walang binatbat ang “alinmang” sementeryong overcrowded sa Manila.

Pag-uwi namin sa bahay nila eh itinuloy namin nina Noel at Cristine ang inuman. Uubusin lang sana namin yung natira kaninang Colt 45 kanina pero “ginanahan” ata kami kaya in the end ang “bonding session” namin na yun eh nakaubos kami ng isang case ng Colt 45.

SATURDAY: March 21, 2009

Maaga kaming nagising lahat. Pumunta kami sa isang Private Resort na nirentahan nina Tita Tess. Kasama na namin sina Ate Lei, Ate Maritess at Tanya. Dumating din doon sina Tita Ludy pati ang asawa at anak niyang babae (na pare-parehong hindi ko kilala). Nagluto si Kuya Rick… Andaming nilutong pagkain. Dabest yung Kare-Kare at Papaitan.

wala pa yung videoke kaya naman naisipan muna naming magswimming ng todo-todo… wala sana akong balak pero hinatak naman ako nina Noel at KuyaBojik. nang dumating yung videoke eh nag-inuman na kami munang dalawa ni Cristine dahil nga nagsi-swimming pa ang iba. hanep din naman pala sa inuman si Cristine.

dumating pa ang ibang kainuman namin na sina Kuya Bojik, Ate Maritess, Ate Marie, Ate Aida, Tanya, Kuya Rick, Noel, Ivan at yung anak na babae ni Tita Ludy (hindi ko talaga matandaan ang pangalan niya). 5:00PM eh nagsipag-uwian na kami. diretso tulog lalo na yung mga bangenge. napakasakit pa ng ulo ko dahil matapos ang Colt 45 eh Redhorse naman ang tinira namin.

SUNDAY: March 22, 2009

maaga na naman kaming nagsigising. akala namin mga 8:00 AM eh uwian na. pero HINDI. nagkayayaan na naman sila sa kung saan-saang lugar. masama na ang pakiramdam ko na parang mage-LBM na ako kaya nagpaiwan na lang ako sa bahay.. naiwan din pala sina Mae, Cristine, Rain, Michael, Jongjong, Tito Eseng at Ate Marie.

nagkuwentuhan na lang kami nina Rain, Cristine at Mae sa kuawrto ni Ate Marie (palipas-oras). pagdating ng mga nagsipag-alis eh hindi pa rin kami umuwi. nag-ihaw pa sila ng isda. kumain muna kami ng lunch at sa huli eh umuwi na nga kami. nakakalungkot kasi ang saya-saya talagamalamang matagalan pa bago maulit ang pangyayaring iyon.

h1

Ninong Kong Lespu

Marso 5, 2009

isang taon na rin ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita at nakasama. bestfriend siya ng tatay ko, inaanak niya ako sa binyag at inaanak naman ng tatay ko ang anak niya. PULIS siya at kagaya ng ibang pulis (hindi ko nilalahat) eh sobrang babaero siya, sa pagkakaalam ko. tatlo ang asawa niya, tanging yung original niyang asawa ang hindi ko pa nakikita maliban sa dalawa na ang isa nga eh ninang ang tawag ko.

hindi siya nakapunta noong mamatay ang tatay ko. pano ba naman na-stroke siya at hindi na makalakad. dinalaw-dalaw namin siya ng mga kapatid at ng mama ko sa bahay nila sa Alabang. sabi niya pa noon na mula daw noong dumalaw-dalaw kaming pamilya eh sobrang saya na daw niya. naaalala ko pa tuloy noong bata pa ako. lahat ng okasyon sa bahay nandun siya, kainuman ng tatay ko at ng iba pa nilang mga kumpare. madalas niya akong tinatawag at ikinakandong, madalas ko namang paglaruan ang BARIL niya. nagtataka pa ako noon kung bakit hindi ko mapindot ang gatilyo, nila-lock pala niya.

halos linggo-linggo kung pumunta kami sa kanila sa Alabang noong nagkasakit na siya, kasi noong buhay pa ang tatay ko eh siya ang kasama namin, noong mamatay naman siya eh mama ko na ang kasama namin. lagi-lagi kaming nag-iinuman. parang naaalala niya nga raw tuloy kapag ang tatay ko ang dumadalaw, inuman nang inuman mga manialac kasi sila mga maniac sa alak. nahinto lamang ang pagdalaw-dalaw namin noong dumating na ang pangatlo niyang asawa, nagagalit kasi ang original wife ni ninong kapag dumadalaw doon ang pangatlo – nakuha lamang kasi ng ninong ko sa beerhouse ang pangatlo. nagkataon naman na kakilala namin ito.

makalipas ang isang taon… magkikita na naman kami, sa kanyang HULING LAMAY. ngayon ang huling lamay niya, natuluyan na siya… andaming nasayang. akala ko nga noon okay na siya kasi medyo nakakatayo-tayo na siya at paminsang naglalakad nang me tungkod, akala ko tuluy-tuloy na ang pag-galing niya, sinabi niya pa nga noon na kapag okay na ang paglakad niya eh pupunta siya samin, bumili pa nga siya ng owner-type jeep. parang siya na kasi ang pangalawa naming ama. nawala pa.

ngayon ang huling lamay niya, ngayon din ang BIRTHDAY niya.

h1

Aning-Aning

Marso 4, 2009

Maaga sana akong makakatulog. Pagkatapos kong manood ng TV eh bumaba muna ako sandali, doon ko nakita si Jayson, na sa kaunting panahon pa lang ng pagsasama namin eh nakapalagayang-loob ko na. Naaalala ko pa tuloy nang una ko siyang nakita… tinaasan ko na kaagad siya ng kilay. Masama tuloy ang ugali ang first impression niya sakin.

No wonder masayang-masaya si Herson sa pagsama-sama sa kanya. Kagabi nga daw eh pumunta pa sila ng Luneta dahil walang magawa. Well in fairness kung nandun ako hindi ako sasama malamang. Luneta???

Lalo pa akong naaliw nang lumipat ang mesa ng nag-iinumang mga tropa sa tapat namin. Naaliw ako ng sobra ke Paolo na bangenge na sa kalasingan. Natatawa ako sa way ng pagsasalita niya… para siyang abnormal na ewan. Inaasar ko pa naman siya muna, pero me dala pala siyang “KUTSILYO”… uuwi na daw kasi siya bukas ng Lucena, pinauuwi na siya ng tatay niya dahil ke bata-bata raw eh nagtatrabaho na (15 lang siya), balak daw niyang “GRIPUHAN” yung lalaking palaging nantitrip sa kanya sa kanto, bago man lamang daw siya umuwi.

Hindi na daw siya babalik. Sasaksakin niya lang daw bago siya magpakalayu-layo. PUCHA! ano ba naman ang tumatakbo sa isip niya. Hindi pala akala na aning-aning siya. ANING pala talaga siya. Buti kamo hindi tumakbo yung TRIP kong pikunin siya hanggang magkabanatan kami. Hindi na nila maubos ang GRAN MATADOR na iniinom nila… “Redhorse nato!” ang wika niya kay Jayson sabay pasimpleng tawa-ngiti nang paulit-ulit. Magpapa-chupa daw siya kay Jayson para sa Redhorse. Nagkakatawanan lang kami ni Jayson sa sinasabi niya. Pano ba naman kasi, kelan lang eh na-chupa siya ni Jayson para sa isang long neck na Gran Matador.

h1

Daisy (Korean Drama)

Pebrero 24, 2009

Matagal na akong baliw sa mga korean movies, kung ilang piniratang dvd na ng korean movies ang nabili ko at napanood. May isang movie na hindi ko kailanman pinangahasang panoorin kasi muka namang boring sa title pa lang.

daisy001

One night, wala na akong mapanood na iba kaya naisipan kong pagtyagaan ang movie na iyon titled “DAISY”….

Pusang-gala, naiyak ako sa ganda ng movie. Korean Movie na kinunan sa Amsterdam. Love story, Love triangle ang istorya – Hired Killer love Painter love Cop.

daisy0021

h1

Entrance Exam

Pebrero 22, 2009

udm-001

naubusan na ata talaga ako ng gagawin sa buhay kaya napagtripan kong tapusin ang aking mga balak na ni hindi ko man lamang nasimulan.

a year ago… i decided to go back to school pero hindi ko natupad yun – siguro kasi nung mga panahong yun eh kumikita ako ng sarili kong pera. at kung saan-saan ako naglalalakwatsa. ngayong wala na akong kinikita, which means wala na rin akong ginagawa at wala na ring panggastos sa lakwatsa eh bumalik ang thought na kailangan ko na talagang bumalik sa pag-aaral.

december pa lang inaasikaso ko na yung mga requirements para makapag-entrance exam man lang ako sa kahit saang school. siyempre sa LIBRE nako – eh ala ngang pera eh, kailangan pa bang i-memorize yan? nagpatulong na ako sa kaibigan ko sa City Hall para me backer man lang. in the end kailangan ko pa ring kumpletuhin yung requirements at kailangan ko pa ring maipasa yung exam para makapag-college. ayaw pa tanggapin yung FORM 137 ko ng school kasi what they need daw eh yung FORM 138/4th Year Card ko. who knows daw kasi baka nag-college na ako at naibigay ko na yun sa school at kaya hindi ko nakuha eh dahil me UTANG ako sa school na yun… Tamang Hinala – eh hindi nga eh. wala naman talaga kasi akong nahawakang Card… diretso FORM 137 na with matching diploma. malay ko ba namang kakailanganin ko yun.

wala akong nagawa kundi bumalik sa GCST to get my card and good moral certification. nang kinukuha ko naman eh sinabi ng Registrar na nakuha ko na daw yung sakin… NGEK! close ba kami at pano nya ko nakilala eh ngayon ko lang ata siya nakaharap. sungit pa. bat ko daw nakuha ang FORM 137 ko at diploma kung hindi ko pa nakukuha yung card ko. EH HINDI NGA EH! bat ang kukulet niyo??? muntik ko na tuloy basagin yung mukha nung kupal na masungit na yun sa asar ko. pinuntahan ko nga yung teacher ko dati, wala na kasi yung adviser namin nag-resign na kaya siya na lang ang nilapitan ko. matagal na usapan, hanggang sa nag-decide siya na gawan na lang ako ng panibagong card… baka daw kasi na misplace yun ng dati kong adviser dahil hindi ko man lang daw kasi kinuha.

udm-002

after 2 days eh bumalik ako sa GCST to pick it up…. ayos na ayos… nakuha ko na ang card ko kaso 19 years old ako nakalagay dun eh 17 lang naman ako. so pinatungan ko na lang. hindi naman sa pagmamayabang eh 76.33333333 ang Final Grade ko… hahaha! hindi ako bobo no… nagloko na kasi ako ng todo-todo mula nung 3rd to 4th grading ko… and when i say nagloko eh 5 times lang ata ako pumasok noon bawat grading… PUMASA??? bakit hindi? ang passing grade that time eh 65 (Year 2004) dahil nagpalit ata ng kurikulum, kakahiya tuloy ngayong bumalik na sa 75 ang passing grade. kahit naman absenero ako noon eh bumabawi naman ako sa mga report, exam, project etc.

udm-003

hindi pa tinanggap yung pinasa kong id picture dahil wala daw nametag – akala ko tuloy nasa DFA nako dahil me ganun pa. wala akong nagawa kundi i-edit na lang yung pic at lagyan ng nametag dahil mas mapapamahal kung magpapa-picture pako ulit eh dadalawa lang naman ang kailangan ko – pero baka nga hindi ulit tanggapin kasi makulay ang damit ko at walang collar (DFA???) so ang inedit ko na lang eh yung Passport Pic ko.

udm-004

at the end of the day i got the Gate Pass na talagang dinugo ang spinal column ko sa hirap… sana kasi noon ko pa ginawa… masyado na atang HULI ang lahat.

h1

Alak Pa!

Pebrero 22, 2009

tatlong gabing sunud-sunod ang inom ko. noong una gusto ko pero kinabukasan pinagsisisihan ko dahil ansakit-sakit ng ulo ko at masama na ang pakiramdam ko. nawawala na ang sama ng pakiramdam ko sa gabi, saka ako yayayain ulit na uminom ng mga kabigan ko… dahil siguro sa videoke kaya pumapayag ako… libre pa.

kinabukasan, pagsisisihan ko na naman ang pag-inom dahil masama na naman ang pakiramdam ko. bihira kasi akong magsuka kaya masama ang pakiramdam ko. kinagabihan, ayoko na talaga pero dahil lasing ang kuya ko pinilit niya na naman akong uminom kahit ayoko na talaga – in the end ako pa ang napipilitang umubos ng Red Horse dahil lahat sila eh nagsitakas na at ayaw na magsi-inom. sayang naman dahil kakaunti pa lang ang nababawas sa isampitsel ng Red Horse na naisalin na sa pitsel at nalagyan na ng yelo. oo tama ka… gago nga talaga ako.

mamaya ayoko na talaga. sa isang araw na lang siguro.

h1

Almost Perfect!

Pebrero 22, 2009

May kasama, close kami pero noon ko lamang siya nakita at ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Pareho pa kami ng unit ng celphone. Nagtataka ako kung bakit napakapangit ng unit ng phone ko that night. Naglalakad kami sa lugar na siguro eh Ortigas o Makati. Napahinto kaming pareho nang may makabanggaan siya, galit ang kasama ko pero napawi ang galit niya nang masilayang “almost perfect” ang nakabanggan niya.

Nag-sorry si almost perfect, tumambad ang kumukuti-kutitap niyang ngiti at ang nagniningning na mga mata. “Inlove ako!” nasabi ko sa isip ko.

Close agad kami saka nagdatingan ang iba pang call centerista na kasama ni almost perfect at nakihalubilo kami sa kanila. Dahil walang bluetooth ang phone na dala ko eh sa kasama ko nakipag-bluetooth ng pics niya si almost perfect at siya na rin ang kumuha ng number ni almost perfect. Pagpasok namin sa isang lugar, saka ko nalamang dala-dala ko pala ang phone kong me bluetooth, puno na ata ang memory card ko kaya hindi maipasa ang pics ni almost perfect, puno na rin ata ang phonebook ko kaya hindi ko mai-save pati ang number niya. Pucha! Ewan kung bakit hinayaan ko na lang…

h1

Planado…

Enero 27, 2009

dilansite

adami akong plano last year for this year pero mukhang walang matutupad. How sad naman…

Siguro iibahin ko na lang yung mga plano ko… yung tipong “slowly but surely!” (tama ba yun?) Masyado kasing matataas ang expectations ko sa sarili ko pero hindi ko naman mapanindigan.

Magpapakabait nako!!! Pucha ilang beses ko namang sinabi yan sa sarili ko hindi ko magawa-gawa – siguro talagang nasa nature ko na ang pagiging kontrabida. Hindi ako nakasama sa Pangasinan – malamang sa Mahal na araw nako pupunta dun, pano ba naman iilan lang kaming sasama – eh siyempre malamang hindi kasing-saya yun ng huling punta namin dun kung saan eh madami at kalog lahat kami. Ewan ko ba sadya ata talagang “talkshit” ang ibang tao diyan. Puro pangakong sasama daw pero pag aalis na may kung anu-ano nang reasons. Hmmmmp!

Wala pa rin akong trabaho… what’s new? Nanghihinayang tuloy ako sa offer ng father ng friend kong si Andrew na work, hindi naman kasi ako ganun kagaling sa Photoshop kaya pinanghihinaan talaga ako ng loob, hindi naman kasi pwedeng just just lang yung gagawin ko… kailangan “almost perfect”, anyway tapos na yun natanggihan ko na. May mas maganda pa naman sigurong opurtunidad na darating para sakin. Sino ba naman kasi ang tatanggap sa isang hayskul grad na abnoy.

Naaasar ako kasi wala nakong phone, tanging yung hiniram kong N1100 na lang sa pamangkin ko ang nagagamit ko, eh ibabalik ko na yun sa katapusan. Naghihirap na talaga ako. hmmmm (buntong-hininga).

Siguro itutuloy ko na lang yung balak kong pag-aaral ng college – para naman may kahinatnan ang buhay kong wala na talagang FUTURE!

h1

Panibagong Taon, Panibagong Pag-asa!

Enero 7, 2009

20091

marami ring mga nakakapraning na mga pangyayari ang nangyari sa buhay ko sa 2008. may mga magaganda at meron din namang hindi… pero sa lahat ng mga pagsubok na nangyari sa buhay ko – kinaya ko at alam kong kakayanin ko ang mga susunod pa… hindi na uso new year’s resolution para sakin basta gagawin ko na lang.