Imbak para sa Kategoriyang ‘Uncategorized’

h1

Pa-Close?

Oktubre 11, 2009

” tangnamo ano??? “ ang sigaw ni Michael sabay tadyak sa nakaupong si Jordan. Kasalukuyan silang naglalaro ng chess nang mapikon si Michael, ang siga-siga naming kaibigan.

Napangiti ako sa nakita. Ewan ko nga ba. Galit talaga ako sa kanya.

Si Jordan eh ginagawang ala-alalay ni Michael. Kaya siguro iba ang kulit niya. Pero nang araw na iyon. Lumayo na siya kay Michael. Ni hindi na niya ito nilalapitan. Iniiwasan na niya ito. Ako naman ang sinusundan-sundan niya.

Hindi ako siga samin. Pero iba ang laban ko. Kung ano si Michael sa lugar namin. MAS ako.

Isa kaming grupo. Si Arnold, Ruel, Raymond, Ako at si Michael. Iba-ibang pagkatao pero nasa iisang matatag na grupo.

” teka, teka anong ginagawa mo dito??? “ ang tanong ko kay Jordan nang makita kong kasunod siyang pumanik sa tambayan namin sa taas ng bahay namin. Masungit ang tatay ko. Puro mga kababata ko lang ang nakakapanik sa bahay namin. Hindi kasama doon ang mga ka-grupo kong sina Michael at Ruel.

” pasalihin na natin siya dito. para ka namang tanga! “ ang wika sakin ng girlfriend kong si Jasmine. Hindi nako nakapalag. Kuwentuhan habang nagmemeryenda. Nagkuwento rin si Jordan. Kwela at walang habas.

Madalas na naming nakakasama si Jordan. Napansin ko na lang na CLOSE na pala kami. Minsan nga kaming dalawa na lang ang nagkekwentuhan. Nakakatuwa.

Third Year Highschool ako nang ma-drop kami ng bestfriend kong si Arnold. Inuwi siya sa Bulacan. Ako naman eh sumama sa bahay ng Ate ko sa Marinduque. Ang tanging mami-miss ko eh ang mga magulang ko, kapatid, si Jasmine, si Arnold at ang ibang kaibigan ko. Ni wala sa isip ko si Jordan.

Imbes na doon na ako mag-aaral eh umuwi ulit ako makalipas ang ilang buwan. Parang ang hirap ng lugar na iyon. Probinsiyang-probinsiya.

Gabi ako nakarating sa Manila. Kinabukasan bumaba agad ako ng bahay para hintayin ang pagdaan ni Jasmine. Nakatutok ang tingin ko sa may Duluhan ng eskinita namin. May umakbay sakin. ” Kamusta ang bakasyon Dilan? “ ang wika ng isang tinig. Hindi ko kilala. Binatang-binata ang tunog.

Humarap ako at medyo nabigla sa nasilayan.

- MERON PA ULIT KASUNOD! -

h1

Simula

Oktubre 6, 2009

” 5 – 10 Block 123! “ ang sigaw ko habang hawak ko ang manggas ng t-shirt niya. Pinilit pa rin niyang kumawala, at siya ay nagtagumpay.

” Tangnamo! Ang DUGA mo ah! “ ang sigaw ko sa kanyang habang siya ay papalayo.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Walang lingun-lingon.

” O gago! HULI ka. 5-10 block 123! subukan mong kumawala babasagin ko na yang muka mo! “ ang wika ko sa kanya na nanggigigil pa rin dahil sa wakas ay nahuli ko na naman siya. Hindi na siya nagpumiglas.

Bata pa lamang kami noon. Elementary pa lang. Banas ako sa kanya dahil bukod sa malakas siyang mang-asar eh napaka-dugas niya pa sa mga laro namin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya kaya ayokong kakampi siya, dahil siya ang TRIP kong pag-initan sa mga laro.

Matalik na kaibigan ko noon si Arnold, mortal na kaaway ko si Jordan. Para sakin kaaway ko siya – kahit para sa kanya eh hindi naman.

Barilan.

Muli. Magkakampi na naman kami ni Arnold, at isa sa mga kalaban namin eh si Jordan. Limahan ang laban. ” Wag natin tantanan si Jordan ha. Tadtarin natin. “ ang bulong ko kay Arnold. Ngumiti si Arnold pero tumingin siya kay Jordan. Saktong nakatingin si Jordan kaya napansin niyang siya ang aming pinag-uusapan.

Takbuhan.

Pansin agad ni Jordan na siya ang aming pinag-iinitan. Kanya-kanyang habol na ang lahat. Pero dalawa kami ni Arnold na humahabol sa iisang kalaban.

Lumiko.

” Pucha! san nagsuot? parang daga ah! “ ang wika ni Arnold.

” Sabi ko naman sa’yo wag aalis ang mata mo eh! Baka pumasok sa pasillo ng palengke! “ ang wika ko. Inisa-isa namin ang bawat pasillo, pero tila me sa pusa ang tarantado.

Uubusin ko pa naman sana lahat ng bala ng pellet gun ko sa kanya. Tsk tsk!

Ayawan na.

- MAY KARUGTONG -

h1

Kitiki-TEXT!

Oktubre 3, 2009

” pare musta? “ isang text ang natanggap ko mula sa isang numerong hindi naka-save sa phonebook ko.

” hu u? “ ang tanging nai-reply ko.

” jordan to. :-) ang reply niya.

” o? “ ang sagot ko.

” punta ka dito… inuman tayo. birthday ng anak ko. yung inaanak mo. “ ang sagot niya.

” san? “ ang tanong ko.

” dito sa bahay! “ ang sagot niya.

” layo… “ ang reply ko.

” kung san-san ka nga nakakarating kasama tropa mo tapos dito malayo? “ ang sagot niya.

” layo nga… sinong tropa ko? “ ang tanong ko.

” kaklase mo tsaka mga tropa mo! “ ang reply niya.

” ndi no. malalapit lang yun. “ ang sagot ko.

” pag gusto maraming PARAAN, pag ayaw maraming DAHILAN! “ ang txt niya.

” next time na. maulan pa. ayoko ng maputik! “ ang reply ko.

” minsan lang naman to ah! sunduin kita sa LRT! “ ang txt niya.

” ayaw. maulan nga. PILITAN??? “ ang sagot ko.

” wala kang pakisama. “ ang txt niya.

” sino bang meron? ikaw? “ ang tanong ko.

” oo naman. ako pa. “ ang sagot niya.

” lasing ka lang. sa totoo lang tinatamad ako. “ ang sagot ko.

” pag ako ganyan ka, pag sa iba naman okay ka! “ ang tampong sagot niya.

” eh ano. “ ang txt ko.

” sama mo. “ ang sagot niya.

” gago. “ ang huling txt ko.

hindi pa rin niya ako tinantanan ng text. pero pagod nako, at hindi ko na siya nireplayan.

maulan pa rin at wala akong magawa. walang matinong pumapasok sa isip ko kaya pati text pinost ko na.

h1

Isnaban.

Setyembre 23, 2009

Sa daan pa lang wala nang tigil ang kwentuhan namin ng mga classmates ko. Hindi nagpapatalo ang isa’t-isa na may kanya-kanyang kwento. Sumakay kami ng jeep papuntang M. Dela Fuente. Medyo puno n pero bandang harapan lang. Sa pasukan eh maluwag pa. Yun ang paborito kong upuan.

Kwento ako ng kwento. kanya-kanyang bangka sa usapan.

Bigla akong natahimik nang sa bandang dulo ng jeep, isang pamilyar na tao ang nakita ko. Si Jordan.

Nakatingin siya sakin at nguniti nang mapansin niyang nakatingin ako.

Hindi ako gumanti ng ngiti.

Tahimik ako hanggang sa pagbaba namin jeep.

Bago ako bumaba, tumingin ulit ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sakin at tila nagtatanong ang mga mata.

Tumango ako, pero hindi ngumiti.

Bumaba ako at muling nakipagkulitan sa mga kaklase ko.

h1

Ala-ala :-)

Setyembre 21, 2009

” Ate, Holdap to! “ ang wika ni Jordan. Ilang dipa pa ang layo namin sa nauunang ale. Naglalakad kami sa Lerma at nagkekwentuhan pauwi samin. Kagagaling lamang namin sa inuman.

Halatang kinabahan ang ale na nauuna. Madilim sa Lerma, maghahating-gabi na ata noon. ” Ate wag kang maniwala dito… lasing lang to, sensya na po te! “ ang wika ko naman para mawala ang pangamba ng nauunang ale.

Tila nawala na nga ang pangamba ng ale at ngumiti ito. ” Itulog mo na lang yan totoy! “ ang wika nito kay Jordan.

Natawa kaming pareho ni Jordan sa ale. Lumiko na ito papunta sa isang eskinita at kami naman ay dumiretso pauwi na samin. Kinaltukan ko ang ulo niya. ” Tarantado kang talaga no? Eh pano kung nag-panic yun anlapit-lapit natin sa presinto GAGO ka talaga! “ ang wika ko sa kanya.

Natawa lamang siya sakin.

” Isang beses mo pang gawin yan leche ka. Naku Ha! Nakakabadtrip ka talaga! “ ang wika ko sabay binilisan ko ang lakad pauwi. Iniwanan ko siya. Hindi kami pwedeng magsabay sa paglalakad papasok sa eskinita namin dahil malamang na makita kami ng asawa niyang maldita.

” Wala bang kiss? Himala ah! “ ang sigaw niya.

” Next time na. Babawian kita! “ ang sigaw ko din sa kabilang kalsada.

” O eto na! “ ang sigaw niya sabay flying kiss.

” Tang ina mo! “ ang sigaw ko.

h1

Tama Na Nga

Setyembre 16, 2009

Okay na kami ng KAAWAY ko. Hindi yung Okay na kay na ibig sabihin eh balik na sa dati. Sa WAKAS, nakipag-usap siya ng MAAYOS. Yung TAO sa TAO. Walang laitan. Walang Gaguhan.

Salamat sayo RSM. Iba ka talaga. Biruin mong pag-usapin mo kami ni DB.

Napag-usapan lang namin na DAPAT nang itigil ito. TAMA siya. Hindi naman ako nakikipag-away eh. Siya lang naman. Kung noon pa siya nakipag-usap sakin eh di sana hindi na kami MAS nagkasamaan pa ng LOOB. Sige Kol ako sa gusto mo. Wala na lang Pansinan. Wala na lang Pakialaman. Mas Maganda yun. Kung anu-ano na kasi ang mga naririnig ko eh.

Binabawi ko na ang text kong UTAK ISKWATER ka at HINDI ka KAGALANG-GALANG. Lahat naman kasi ng GUSOT eh naaayos pag pinag-uusapan.

h1

Yan Ang Akala Mo!

Setyembre 6, 2009

” pano naman yung samahan natin? hindi mo man lang ba ako itinuring na kaibigan? “ ang tanong ko sa kanya.

” NEVER! “ ang huling sagot niya sa text.

ilang minuto rin kaming nagpalitan ng text messages noong araw na iyon. pero na-badtrip na nga ata ako sa sobrang tigas ng PANANAMPALATAYA niya sa PINANINIWALAAN niyang KAHANGALAN.

akala ko pa naman MATALINO siyang tao. akala ko pa naman malalim siyang NILALANG. HINDI PALA!

pinagbintangan mo pa akong mas kinakampihan ko si siya? pinagbintangan mo pa akong sinungaling. hahaha! iba akong klaseng kaibigan. pero iba rin akong klaseng kaaway. mas itinuring pa kitang KAIBIGAN sa kanya o sa kahit sino pa dahil BILIB ako sayo. nagkamali ako. isa kang HANGAL!

wala akong pakialam sa mga kaya mong gawin. matakot ka sa mga mas kaya kong gawin. nasa akin pa rin ang huling halakhak. hindi ka kawalan sa buhay ko, siguro panandaliang kaibigan ka lang talaga na matapos mo akong PAKINABANGAN eh ITATAPON mo na lamang ako ng basta-basta.

pinilit kong ayusin ang alam mong pagkakamali ko na hindi naman talaga totoo! BOBO kang talaga! wala akong ginawang masama sayo. ilang beses mo akong hinamak sa harap ng ibang tao pero nanatiling tikom ang bibig ko. tanging ngiti ang sukli sa  mga bagay na nakapagpapasaya sayo. na akala mong nakapagpapasaya rin sa ibang tao.

akala mo lang yun. handa na ako. handa na KAMI. wag na wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na sinisigurado kong ikasisira mo.

GUDLUCK.

h1

Sadness.

Agosto 29, 2009

bakit kailangan pang lumisan...

bakit kailangan pang lumisan...

makalipas ang matinding kasiyahan.

darating ang matinding kalungkutan

h1

Inuman. Manyakan

Agosto 9, 2009

na-cut ang klase namin ng CHEM011 by 12:00pm. me activity raw na gagawin. hinintay namin ang adviser namin na si Mr. Sta. Maria. dahil cut na nga ang klase eh nag-decide na lang kaming pumunta sa burol ni President Cory sa Manila Cathedral.

darwin, ghelo & ej sa annex

darwin, ghelo & ej sa annex

alay-lakad.

matapos mainitan at pagpawisan ng bongga sa Manila Cathedral eh pinapunta na lang kami sa tapat ng Manila Hotel dahil doon pala sasalubungin ang mga labi ni Cory.

pahinga muna sa quirino

pahinga muna sa quirino

alay-lakad.

Sir Ronnie, Sir Dave & the Students

Sir Ronnie, Sir Dave & the Students

marami nang nagrereklamo pero GO pa rin kami.

naghihintay ng sakayan pauwi

naghihintay ng sakayan pauwi

pagod na pagod kami pag-uwi sa tambayan namin. naisip na naman kasi naming mag-inuman na lang muna. para maiba naman eh nag-GIN kami. ayaw man ni Darwin kunwari The Bar yun.

dumating din si Ms. Dianne at MJ. nadagdagan pa tuloy ng sang case ng Red Horse. lasingan na talaga. umaatikabong harutan.

naunang umalis si Ms. Dianne. kami-kami ulit ang naiwan.

entra ang mga girls. (bugawan???) nagkaron ng partner sina Ghelo at Darwin na lumabas ang angking kamanyakan.

naubos ang isang case kaya dinagdagan pa ulit namin ng kalahating case. lasingan na talaga. lahat me tama na. 11:30 PM na at alam naming me mga mayayari pag-uwi. nagpaalala na si Ghelo na pag di na siya pumasok eh hindi na siya pinag-aral pa.

lasing na pare-pareho. lalo na ako.

h1

Hatakan. Iniwan.

Agosto 9, 2009

text text lang.

nagkayayaang mag-inuman. late na ako pumasok kaya hindi ko na napasukan yung major ko. hinintay ko na lang na lumabas yung mga tropa. dumiretso pa kami ng Main Campus dahil kukumpletuhin namin yung mga kulang namin sa ENG011.

iniwan namin sina Ghelo, EJ, Darwin at Randell sa Main Campus para bumalik sa Annex dahil trip naming pumasok ng IT011. kamalas-malasan naman, walang prof. tambay sa labas ng school for about an hour.

naiwan kaming tatlo nina Darwin at Ghelo. niyaya kami ng inuman ni Ms. Dianne at Ms. Veronica… umoo naman ang mga kumag. hatakan dahil parang ayaw ata uminom ng dalawang bagets. akala ko kakampi ko si darwin na hinahatak si Ghelo. maya-maya siya pa ang nawala. hinayaan ko na lang na umuwi na rin si Ghelo.

badtrip pako ke MJ dahil nagpapa-choosy pa. kasama kai yung isa sa mga girlfriends niya. ano siya naka-drugs??? pwede ba naman yun. sinundo ko siya sa kung saan sila nandun. wala siyang nagawa kundi sumama.

enjoy.

napakagaling kumanta ng mga pambabae ni Ms. Dianne. pero ayoko ng kabugan. bagets din pala kumanta si Ms. Veronica. ang sweet ng mga lovebirds na nakawala sa kulungan.nagsusubuan pa ng pulutan.

landian. inuman. lasingan.

simula ng isang bonggang samahan!

h1

Walk-Out.

Agosto 2, 2009

plano na naming mag-inuman nina Jelo nung martes pa lang. hindi na sana kami tutuloy. pero ewan ko ba kung bakit nangyari pa rin. as ussual, Gran Matador ang nilaklak namin at sa bahay na naman ang venue.

raf at darwin nantitrip sa upper deck...

raf at darwin nantitrip sa upper deck...

apat na matador kagad binili namin at siyempre napagkamalan na naman kaming empleyado sa isetann recto dahil sa uniform namin. okay naman na ang takbo ng inuman. kanya-kanyang bangka sa usapan.

nico, darwin and dilan.

nico, darwin and dilan.

nang magtext ang gf ni jelo. nagpapasundo sa isetann. mga 45 minutes pa ata kaming naghintay sa isetann bago dumating yung gf ni jelo kasama yung bestfriend nitong bakla.

ejhay at jelo.

ejhay at jelo.

pagdating namin. pauwi na sina JV at Randel. me nangyari pang hindi maganda. nagyaya nang umuwi ang gf ni jelo at ang kasama nitong bakla… ni hindi pa man nag-iinit ang inuupuan nila. badtrip lahat. walk-out queen pala ang gf ni jelo.

JV at Ejhay.

JV at Ejhay.

in the end. hinatid ko silang lahat. saka ako umuwi para ubusin ang isa pang long neck ng GM. sayang eh. nabuksan na kasi.

h1

Nomu Na Lang.

Hulyo 28, 2009

matapos kaming manood sa cuneta astrodome (hindi na namin tinapos dahil alam naming matatalo… JOKE!) eh nagdecide kaming mag-inuman sa bahay nina Nico sa Malate.

nagkahiwalay pa yung dalawang grupo dahil hindi kami kakasya sa jeep. ang init grabe. bumaba kami sa quirino, malapit sa manila zoo. naglakad ng pagkahaba-haba dahil walang sasakyan. mainit talaga. ang tindi ng sikat ng araw.

sumakay ng isa pang jeep papunta na mismo kina Nico. gutom na kaming lahat dahil walang breakfast at lunch, at 2:00PM na.

gelo. ej. nico. dilan. randel. ronel. jv. rafael

gelo. ej. nico. dilan. randel. ronel. jv. rafael

ambagan.

kainan ng pancit canton.

inuman.

masayang inuman na todo ang emote at picture-taking, nagpakitang gilas si JV (ang nag-iisang babae) inistraight ang sambaso ng matador… matagal bago isinunod ang iced tea.

darwin. gelo. ej. nico. randel. ronel. jv. rafael

darwin. gelo. ej. nico. randel. ronel. jv. rafael

unang-unang tinamaan si Rafael (Big Boy). siya pa mandina ng pinaka-dambuhala. nagkakainitan sina Darwin at Randell. natapos ang inuman at nagbalak pa kami ng isa pang round.

pramis. totoong ngenge si bigboy.

pramis. totoong ngenge si bigboy.

sa bahay ni Ejhay. walking distance daw. hindi naman.

malayu-layo rin ang nilakad namin. sa rooftop kami nag-stay, hinintay namin sina Ronel at Nico. hindi sila dumating. nag-enjoy sa DOTA.

dilan and gelo. nagdidilim na ang paligid.

dilan and gelo. nagdidilim na ang paligid.

tamang tambay.

tamang trip. nagtatalo?

tamang trip. nagtatalo?

tamang kwentuhan.

tamang pa-cute.

gelo at ang signature pa-cute pose.

gelo at ang signature pa-cute pose.

madilim na nang nagsi-uwian. malayo. dalawang sakay ang kinakailangan.

humiwalay na ako sa FAURA. sumakay ng DAPITAN.

bagsak sa higaan!

h1

Lakbay-Klase.

Hulyo 27, 2009

July 24, 2009 – Opening ceremony ng PISCUAA kung saan eh host school and Universidad de Manila.. siyempre kasama kami sa kaguluhan.

kulitan sa bus na papuntang cuneta

kulitan sa bus na papuntang cuneta

nagpapalit pa mandin kami ng barya para dugasan at magbayad na lang ng sais sa jeep. nauwi rin kami sa pagsakay sa bus dahil sa init na nagkakahalaga ng bente pesos.

pila pa lang sa labas eh magulo na!

pila pa lang sa labas eh magulo na!

nagdala ba naman ng digicam si bryan. ano pang aasahan mo? eh di umaatikabong kulitan saan man magpunta.

sa loob ng cuneta.. maling pwesto.

sa loob ng cuneta.. maling pwesto.

sa sobrang dami ng students ng UDM eh sinakop na ata lahat ng upuan. pinapaalis pa kami nung mga epal na tagabantay… dahil pwesto raw ng AIMS yung inuupuan namin.

mga kapal-muks.

mga kapal-muks.

h1

Inuman Na Naman

Hulyo 15, 2009

Hindi pa man nagsisimula ang IT011 namin eh niyayaya na akong uminom nina Gelo at Jayvee. Sa bahay namin ulit dahil malalayo na yung ibang bahay.

“Inom tayo senyo, La namang pasok tomorrow eh!” ang wika ni Jayvee, na nag-iisang BABAE sa klase namin.

“Marami kasing tao ngayon dun eh!” ang tanggi ko dahil katatapos lang ng vacant namin at galing na ako sa bahay.

“Kaunti lang naman tayo ngayon eh. Sige na! Sa Munoz kasi yung isa pang option!” ang pilit naman ni Gelo sakin.

Pinapasok na kami ng IT011 Professor namin. Nag-report ang mga Classmates kong sina Arch at Anthony, nagbigay ng quiz ang prof namin saka nag-lecture. Matapos kaming i-dismiss ng prof namin eh nauna na ako sa labas ng school. Nagyayayaan pa rin sila… kasama pala sina Bigboy, Darwin, Ron, Nico, Ejhay at Randell.

Nagkakapilitan na dahil hindi nga naman READY ang iba at wala na silang pera dahil UWIAN na nga that time. Umalis na sina Ron at Bigboy… pero nag-decide ang lahat na ITULOY.

Nilakad lang namin mula Carriedo hanggang sa Recto. Bumili ng Maiinom at Mapupulutan sa Isetann Recto… in fairness inabot kami ng siyam-siyam sa pagdedecide pa lang ng kung ano ang iinumin namin. In the end GRAN MATADOR na naman.

Sa Gendai kami uminom. Nag-gitara, nagkantahan, nagkuwentuhan, naglabasan ng mga LIHIM at mga ka-EMOHAN! Si Gelo halatang Bangenge na kaagad, siya pa mandin ang tanggero, nauna tuloy na nangulit.

Tamang gitara sina Ejhay at Nico samantalang kantahan/kwentuhan naman kami nina JV, Randell at Gelo. Napag-usapan ang Virginity, Course, Personal Things about each other, Lifestyle, Mga balak sa buhay…

Dinagdagan pa namin ng tatlong Muchong Red Horse dahil ubos na ang dalawang long neck ng Gran Matador.

Naunang umuwi si JV, me date pa raw siya. Hinatid ko na lang siya sa sakayan ng Balic-Balic sa Morayta. Pagbalik ko, nagsuka na pala si Gelo, pinagpahinga na lang namin – nakatulog sa ibabaw ng deck. Tuloy ang laklakan. Maya-maya eh si Nico naman eh nahiga na sa sahig. Tuloy pa rin ang kuwentuhan at inuman namin nina Randell at Ejhay hanggang sa tumawag na ang tatay ni Gelo. Ginising na lamang namin ang mga kasama namin para magsipag-uwian na.

Sa kalasingan ni Gelo, hindi na niya maisuot ang medyas niya… ako na ang nagsuot ng medyas at nagsintas ng sapatos niya. patawa-tawa pa si KUMAG! hindi ko makita yung isa pang pares ng medyas niya. Paglabas namin at naglalakad na kami eh na-shoot naman ang isang paa ni Gelo sa kanal.

Kanya-kanyang hatid sa mga lasing. Sinamahan ni Randell si Nico. Sinabayan ko naman sina Ejhay at Gelo dahil medyo matagal din kaming naupo sa bangko sa ilalim ng underpass dahil nasusuka si Gelo kaya iniwan kami nina Nico at Randell. Dumiretso kami sa sakayan ng Blumentritt sa Avenida. Nakasakay kaagad sila.

Nasalubong ko si Randell sa Isetann, dala-dala niya pa pala ang backpack ni Gelo. Hinatid ko na lang siya sa sakayan ng Balic-Balic sa Morayta.

Pag-uwi ko ay nilinis ko ang kalat. at nakita ko ang isa pang nawawalang pares ng medyas ni Gelo.

Masayang Inuman pero tila ata medyo NASOBRAHAN!

h1

Laklakang Pang-Kolehiyo!

Hulyo 12, 2009

umuwi na ako pagkatapos ng ET 011. me usapan na kami ng mga kaklase ko na ngayon ko lang talaga makaka-bonding na mag-inuman sa bahay namin. umarkila na ng videoke at bumili na ng lalaklaking Gran Matador at chazer na Iced Tea.

07102009 (6)

sinundo ko ang mga kaklase ko na nag alay-lakad mula carriedo hanggang recto. nabigla pa ako sa dami nila. hindi ko akalaing dumugan ang labanan. ang ingay, ang gulo, ang kukulit. saka bumuhos ang malakas na ulan… binasa kaming lahat.

in fairness. nagkasya sa sala namin ang halos trenta katao.

07102009 (2)

ang saya. tinumba namin ang labing-isang bote ng long neck na gran matador. puro lalaki, maliban sa isa naming kaklaseng babae… na nadagdagan pa ng isa.

07102009 (5)
nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko na dumating at nagbigay kulay at kasiyahan sa gabing iyon. salamat din sa pagtanggap sa inyong nalaman. salamat sa lahat-lahat.

07102009 (3)

sana ito na ang simula ng isang napakagandang samahan.

CHEERS! ET 11!

h1

Kainan at ang mga Bakal Boys!

Hulyo 2, 2009

“anong oras uwi mo? kita tayo sa SM nina Jade! Jollibee tayo!” ang txt sakin ni G-Son. Lumipat na kasi siya ng tirahan, kasama yung mga kapatid niya sa Caloocan. Na-miss siguro kami.

“san Isetann na lang tayo kumain. Bakit sa SM pa. nandito na kami ni MJ sa Looban, kauuwi ko lang!” ang textback ko naman sa kanya.

“sige dyan na lang sa isetann, kita-kita tayo sa Jollibee ha!” ang panigurado niya samin ni Jade.

Pinakain niya kami sa Jollibee na BIHIRA niyang nagawa kahit madalas naman siyang manlibre noon pa, hindi naman sa anumang Resto o Food Chain.

Pagkatapos naming kumain eh dumiretso kami sa 4th floor kung saan naglipana ang mga “BAKAL BOYS” na sobrang MAKUKULIT lalo na pag tiningnan mo… susundan ka talaga. Talamak na ngang talaga ang BENTAHAN ng KATAWAN ng mga KABATAAN!

Nag-videoke kami sa isang open cubicle kung saan eh dalawang bakal boys (kolboy) ang pumunta samin dahil lang sa tiningnan sila ni G-Son na umandar na naman ang angking KALANDIAN. Hindi namin pinansin. Pero sa tingin ko BABALIK si G-Son sa lugar na yun.

h1

Bumabalik Pa Eh!

Hunyo 26, 2009

” nandito si J. papunta na diyan! “ ang txt sakin ni Jomel, pinsang buo ni J ang aking SPECIAL FRIEND.

” eh ano naman. “ ang reply ko, sa pag-aakalang nagbibiro lang siya.

” wala lang. papunta na siya diyan! “ ang reply sakin ni Jomel.

matama lamang akong nakaupo sa dulong hagdan namin. wala akong inaasahan o hinihintay, nandoon lamang ako para magtetetext. nang biglang…

” uy! naks naman patext-text na lang! “ ang bati sakin ni J na kapapasok lamang sa pintuan namin na halos kaharap lamang ng hagdanang kinauupuan ko.

hindi ako sumagot. tiningnan ko lamang siya saka bumalik sa pagtetext ko.

” suplado na ah! ganyan ka na ba talaga? “ ang wika niya.

” bakit nandito ka? “ ang tanong ko.

” masama bang dumalaw sa KAIBIGAN ko? “ ang sagot niya.

” sinong KAIBIGAN mo ang dinalaw mo? “ ang tanong ko.

” sino pa eh di IKAW! to naman, parang GALIT ka pa ah! “ ang sagot niya.

habang nagaganap ng aming usapan eh hindi kio siya tinitingnan kaya hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya. patuloy lamang ako sa pagtetext.

” wala bang gimik? inuman? “ ang tanong niya.

” may pasok ako bukas… maaga ako magigising, hindi muna ako pwedeng uminom… “ ang sagot ko.

” naks naman estudyante na! soguro marami ka nang KAIBIGAN don ano??? kaya nakalimutan mo na yung mga DATI mong KAIBIGAN. “ ang wika niya.

” wala pa. nag-aaral ba ako para makipagkaibigan? “ ang sagot ko.

” sungit mo naman. dami bang chiks? “ ang wika naman niya.

tiningnan ko lang siya. hindi na ako nagtetext, kasalukuyan ko nang nilalaro ang isang boring na game sa cellphone ko.

” oi sige na. alis nako. sasama ako kina Mavis sa Malate, mag-iinuman ata sila, niyayaya ako eh. mukhang wala ka namang balak sumama kaya hindi na kita yayayain. “ ang wika niya.

” okay. sige ingat na lang. “ ang sagot ko na nakatingin na sa kanya at nakangiti pa.

” hindi mo man lang ba ako ihahatid? “ ang wika niya.

” saan? hindi mo ba alam ang daan palabas? “ ang wika ko sabay tampal sa braso niya.

” sige na nga. sige alis na nga ako. salamat nga pala ha! “ ang wika niyang nakangiti.

” sa alin? “ ang nagtatakang wika ko.

” sa ngiti… “ ang nakangiti niyang wika.

” tarantado! sige na, layas na! “ ang natatawa kong sagot.

tumalikod siya at nang makalayo ng kaunti eh nilingon niya ako. kumaway, kumindat at nagflying kiss.

h1

Laitero

Hunyo 24, 2009

Nagtataka ako.

Kung bakit ba kasi may mga tao pang ipinanganak na mga LAITERO!

Di bale sana kung perpekto siyang tao. Eh HINDI naman! Isipin na lang din sana niya na NAPAKINABANGAN niya rin naman ang taong nilalait niya ngayon. Isipin niya na lang na nakasama niya rin naman ang taong nilalait niya ngayon. Porke ba meron na siyang panibagong MAKAKASAMA ngayon eh tatarantaduhin na lang niya ang KAIBIGAN niya NOON?

Nagsawa na ba siya sa PAKIKISAMA sa taong iyon?

Dati namang naging PARTE ng pang-araw araw na BUHAY niya ang taong iyon pero bakit kaya BINABALEWALA na niya ito ngayon. Dati-rating NAKATAMBAY siya sa bahay nito noon… pero sa ibang bahay na siya tumatambay ngayon.

Anong klaseng TAO ba siya at napakadali niyang MAKALIMOT sa mga MASASAYA nilang nagdaan ng taong iyon?

h1

Wala Lang

Hunyo 23, 2009

Kinakabahan na ako sa long quiz namin sa College Algebra. Nagbabalak tuloy akong maghapong mag-review/mag-aral bukas… tutal wala namang pasok dahil bukod sa Bakante ang araw na iyon para samin eh Manila Day pa.

Ngayon ko lang nalaman. Ayos pala ang handwriting ko sa Whiteboard. Nakakangawit magsulat in front of the whole class pero okay naman pala maging Class Secretary.

Pumunta kami ng UDM Main Campus kanina para bumili ng General Chemistry Book na kakailanganin namin sa Thursday dahil me assignment nga kami dun pero out of stock pa rin at malamang daw na wala pa rin the whole week at hindi pa nila alam kung kelan magkakaron.

Masakit ang ulo ko. Anlamig pa dito!

h1

Bobo.

Hunyo 20, 2009

kaya ko nang idescribe ang sarili ko ngayon in one word!

BOBO!

hindi ko akalaing mahihirapan ako sa College Algebra at sa General  Chemistry. dating paborito ko namang subject ang Chemistry ng high school at paborito rin naman ako ng teacher ko noon sa Chemistry. unang meeting pa lang namin sa General Chemistry eh kinakabog na agad ang dibdib ko.

posible pala talagang makalimutan ang mga pinag-aralan noon pa. naiintindihan ko na ngayon ang contestants ng Kakasa Ka Ba Sa Grade Five.

meron pang napakatinding kinaaayawan ko ang darating sa College Life ko. bukas na mangyayari yun. sana kayanin ko…

R.O.T.C.

kala ko ba wala na yang R.O.T.C. na yan sa College???? bakit meron na naman ngayon kung kelan nag-decide na akong mag-aral.

*** kasalukuyan akong nagre-research ng tungkol sa Properties of Equality, Properties of Real Numbers, Simplifying Expressions at Addition & Subtraction of Polynomials… at hilong-hilo na ako!