h1

Ang Pagbabalik (nga ba?)

July 18, 2011

July 15, 2011 (Friday 6:00pm / Novi’s Bar: Recto)

akala ko lilima lang kami nina Ajie, Ejhay, Jhoza at Danilo na mag-iinuman. nagsidatingan ng bonggahan ang lahat nang sumapit na ang 8pm. in fairness, napuno ko ang Novi’s.

dumating ang mga classmates ko sa UDM, dumating ang mga tropang GK, dumating ang mga tropang TYG at Baklusshiii, dumating ang ex, dumating ang bestfriend, dumating ang tropang TST, dumating ang mga kaibigan ko. BONGGA!

nakakatawa. hindi ako mapakali kung saan mamumugad na lamesa. lahat kinakailangan kong ikutan, hindi kasi lahat magkakakilala, iba-ibang tropa ang aking pinagsama-sama. binonggahan ang RH at ang Andok’s pati na ang kanta at iba pa. in fairness, for the first time ever, andami dami dami kong nainom at hindi ako namulutan ng bongga at hindi rin kumanta ng madalas pero teh, hindi ako nabangenge. BANGENGEAN mode ang Bash. yun bang Drink all you can ang drama. Neng, isa-isa silang nagsisuko. hindi nila kinaya ang powers ko.

nang medyo nagaalisan na ang mga tao, saka ako namugad sa lamesa nina Jordan. mismong asawa niya ang nagpapunta sa kanya. alam kong darating siya. alam kong kating-kati na siyang makita ako (taray!) pano ba naman lampas nang isantaon na nang huli kaming magkita. kung kailan iniwas-iwasan ko siya, dinedma-dedma ko siya kapag pumupunta siya sa bahay namin. pero in fairness, gumuwapo ang loko. pano ba naman nag-aaral na ulit si gago. pumoporma gaya ng dati.

“hindi ako magpapaka-ipokrito, alam mo at alam ng mga tao na mahal pa rin kita, pero nasanay lang siguro ako na wala ka nang talaga.” yung mga ganung drama!

“yung satin, iba yun sa lahat, walang makakapantay dun, walang makakabura sa isip natin at sa isip ng mga taong nakapaligid satin!” bongga dava!

umuwi rin siya ng madaling-araw. saka ako natulog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.