maaga akong nagising dahil may balak akong gawin. ilang linggo ko nang pinagbabalakang gawin yung bagay na yun. pero hindi ko magawa-gawa. akala ko nga hindi ko na naman magagawa dahil nga 5:00 na ako nagising. eh nag-alarm pa naman ako ng 4:30am, tinamad lang akong bumangon kaya inadjust ko yung alarm ng phone ko.
naligo. nag-breakfast. nagbihis. lumarga.
NILAKAD KO MULA SA BAHAY (Recto Manila) HANGGANG SA OFFICE (Biak na Bato Quezon City)!
kamustahin mo naman yun teh! ang masama pa tumitirik ang araw. di gaya nitong mga nakaraang araw na makulimlim. bonggang ehersisyo. kabugan. gusto ko nga sanang mag-jogging na lang kaso baka naman basambasa na ko sa pawis pagdating ko sa opisina. Brisk Walking ang drama. nagtataka ako kung bakit madaming tumitingin sakin. iniisip ko tuloy super-haggard nako kaya pinagtitinginan nako.
nakarating ako sa opisina ng 6:55am – almost 1 hour ang paglalakad. sosyal. isang oras na walang humpay na exercise.
susubukan ko uling gawin bukas. at sa isang linggo. from monday to friday. at jogging naman every sunday morning. BONGGA! sana magawa ko. sana magtagumpay ako sa pagpapapayat na iniisip ko.
)

