“san kau punta?” ang wika ni Haris.
“dun kina Beng, nonomu teh. join ka tara!” ang sagot ko.
kasalukuyan akong may dalang malaking pitsel na paghahaluan ng chazer namin kasama si Johnny nang masalubong namin si Haris na nagpapa-ending.
“hindi na lang, kasi me sinabi sakin si Herson kagabi eh.” ang sagot niya.
“anong sinabi? tungkol saan? tungkol kanino?” ang nagulantang kong tanong.
ang mahaderang paminta umeeksena. naninira pa. nabwisit ako sa tinuran ni Haris.
“well. e di maniwala ka sa kanya. like i care!” sabay talikod.
banas na banas ako sa mga taong gumagawa ng kuwento. kung hindi man ginawa ang kuwento eh ipinagkalat naman ang isang bagay na ang akala ko eh kami lang ang nakakaalam. this time. wala akong sinasabing kahit ano. as in! pero kilala ko na rin si Haris. TH (tamang hinala) akala mo laging siya ang pinag-uusapan, so naisip ko. eh mas naniwala siya kay Herson eh di magsama sila. pakialam ko naman sa kanilang dalawa. hindi naman sila kawalan sakin. HELLO! ako pa ngayon ang sa tingin nilang lahat eh masama. nagsawa na ata sila na sila sila lang ang me eksena sa isa’t-isa.
dinamay na ako.
hindi ko kailangan ng PANINIWALA ng kahit na sino. eh di magpaniwalaan sila. basta marami pa rin akong kaibigang naniniwala at nagtitiwala sakin. nasaan ba sila ngayon. ayun at umiiwas na sa mga kaibigan ko na mga dati nilang kaibigan. me ATTITUDE PROBLEM kasi pareho.
ayoko na lang magsalita. basta hindi sila kawalan TAPOS! kala mo naman may mga pakinabang sila. eh sila pa nga ang nakinabang sakin eh. BITTER TEH.

