
Shegi Na
April 1, 2011kagagaling ko lang sa trabaho. pero ayos pako. gusto kong uminom. pero dahil wala akong balak na magwithdraw. nag-solo ako. mag-isa akong lumaklak at kumanta sa suking videoke bar. hindi na ako nagyaya que ber. gusto ko lang uminom ng kaunti para makatulog nang maayos, wala akong balak na malasing at gumastos dahil sa ako ang nagyaya.
nang biglang sumilip si Haris.
charot charot na malungkot muna ako.
“ano problema mo? bakit mag-isa kang umiinom???” wika niya
“wala.” ang tipid na sagot ko.
“hainaku hindi ako naniniwala. mag-isa kang umiinom, naku me iniisip ka. me problema ka, alam kong me kakaiba sayo.” ang panigurado niya.
pinaupo ko siya. dedma na. dalawa na lang kaming iinom. kahit ayaw niya pinilit ko sya. kaming dalawa lang naman.
nang biglang sumilip si Totoy. nakangiti. pinaupo na rin namin. ano yun damutan? anduna na eh. kahit me pasok pa bukas. GO NA! dedmahin na ang pasok. anak nang putakte mga tomador pa naman sila malamang na magdamagan, gudlak na lang sa pasok ko kinabukasan.
“bakit nag-iisa ka, kanina pako nandyan andito ka pala mag-isa, pumasok na din ako nang pumasok si Haris.” ang wika ni Totoy.
“wala akong problema.” ang wika ko.
pareho nila akong kinukulit. tinatanong kung ano ang problema ko. eh wala nga halllleeerrr!
nang biglang pumasok sina Johnny at Reynerio.
“anong problema? bakit nag-iisa ka??” ang sabay nilang wika. (kambal???)
“wala nga.” ang wika ko. (ate juliet ikaw ba yan???)
paulit-ulit nila akong pinipilit na sabihin kung ano ang problema ko. pucha. sige na nga me problema na ako. dapat ba may problema ang mag-isang umiinom? dapat ba may rason? sige na me iniisip nako. malungkot nako. may gumugulo sa isip ko, me kumakalabit sa damdamin ko. me kumukurot sa puso ko.
“patay na si Ghelo…” ang wika ko kasama ang biglang pag-iiba ng boses, paglungkot ng pezlak at pagyuko.
pansumandali silang nagsitahimik.
“hindi nga???”, “kelan?”, “panong namatay?” at “bakit siya pa?” ang wika nila.
— may karugtong —