
Trip to Silang …
February 21, 2011Umaga pa lang kinukulit nako ni Ghelo. Tawag nang tawag. Maya’t maya eh nagriring ang phone ko. Excited sa inuman namin nina Ejhay.
Siya pa mismo ang sumundo kay Randell. Dinaanan din ako sa bahay namin.
4PM Sumakay na kami ng bus papuntang SM Fairview. Tabi kami.
4:45 Nasa jeep na kami papuntang Silang. Tabi ulit kami. Maya’t maya ko pa siya sinisita dahil text nang text at tawag nang tawag gamit ang phone niya. Eh delikado pa naman yung lugar na yun.
7PM nakarating na kami sa bahay ni Ejhay. Nangungulit si Ghelo na uuwi siya kahit gabihin pa siya. Same old line. Dumating sina Bryan at Arvin. Nagsimula na kaming mag-inuman.
Ako, Ghelo, Arvin, Ejhay, Randell at Bryan.
Kwentuhang umaatikabo. Picturan. Asaran. Tawanan. Halakhakan.
Hindi na umuwi si Ghelo. As usual dinedma niya na naman ang Mama at ang Girlfriend niyang tawag nang tawag sa kaniya.
Nag-ikot pa kami sa Silang gamit ang tricycle nina Ejhay nang maubusan kami ng inumin. Mas masaya. Roadtrip. Kulitan sa Tricycle. Harutang umaatikabo.
Tumirik kami sa daan. Wala nang gasolina. Tulak. Tulak. Tulak pa hanggang sa marating ang pinakamalapit na gasolinahan na ilang kilometro ata ang layo (pinakamalapit yun ha!)
Nakatulog na sina Ghelo, Arvin, Randell at Bryan. One on one kami ni Ejhay sa ilang boteng redhorse. Nag-umaga. Nagising sila isa-isa. Laklakan pa rin.
8AM na ata kami natulog ni Ejhay. Me balak pa kaming mag swimming sa Bakas.
Nagising ako. Tulog pa si Ejhay pero gising na silang lahat.
Picturan. Kwentuhan at Harutan. Nagyayaya nang umuwi si Arvin. Gaya ng dati ayaw na namang umuwi ni Ghelo. Pero hindi na kami natuloy sa Bakas. Kumain muna kami sa Lugawan. Gaya nung madaling-araw.
Sumakay na kami ng jeep papuntang SM Fairview. Pagkarating sa SM eh sumakay kami ng bus pauwi.
Hindi ko na katabi si Ghelo. Hindi na rin kami nagpapansinan. Ilang beses niya ako tinawag. Bumaba akong walang lingon-lingon. Umuwi akong walang kaimik-imik.
Gaya ng dati. Pumunta kaming magkasama, Umuwi kaming hiwalay.

Pumunta kaming magkasama, Umuwi kaming hiwalay ...
ahahaha … gs2 ko ung roadtrip puta ang saya… sa tuwing may matarik na kalsada lagi akong bumababa .. amp .. nkkpgod kaya humabol sa putang inang tricycle … na pagka ingay ingay ngunit npaka bagal nmn dahil nga nakasakay ako … hahaha … sana maulit ito!
DELL: oo naman … bakit naman hindi. ahahaha! pero sana pag naulit. mas madami tayo. mas kumpleto.
haha oO always welcome nman sa bahay ehH .. mag sabe lang kayo .. mas masaya pag madame ..
— weh sige lang ha … ahahahahah!!!