Archive for February, 2011

h1

Tarima

February 28, 2011

hindi ako maka-get over sa kilig na naramdaman ko habang pinanonood ang Tarima ni Fanny Serrano. hindi ko akalaing ganun kagaling umarte ang isang kagaya niya na hindi naman talaga artista. Bravo!

after watching the film, nag-aagawan na kami sa pangalan niya. Ako si Fanny.

gaya ng kung sinumang myembro ng 3rd sex, taas-noo kami kay Fanny sa pelikulang ito. Bongga! pagka haba-haba ng buhok niya. anong sinabi ni Anne Curtis sa tunay na Dyosa.

sabihin na nating pelikula lang yun. still, naiinggit ako sa eksena niya.

kailan ko kaya mararanasan ang ganung klase ng pagmamahal? o mararanasan ko pa nga ba?

nakainuman namin si Rob. bongga. borta na epek pa. san ka pa? kaso pa-choosy. wow ha. 31 na sya pero batambata ang eksena niya. at epek talaga. andaming eksena yung bet kong bagets ayun binondi nina Haris at Mamarich. ka-sad. easy to get pala siya. eeeewwwwness.

okay lang din anamn sakin. indi kasi ako tinatantanan ng tawag ni ghelo. sinusulit ata ang unli call ni loko. nangungulit na naman nagyayaya… hindi ko pa nga alam kung magigising ako kinabukasan ng 5am dahil alas tres pasado na ng madaling-araw. goodluck sa trabaho diba? konting bolahan, murahan, kulitan, hagikgikan at pa-flirt. syempre hindi niya ako napa-oo na umabsent at sumama sa kaniya kinabukasan. pwede ba yun? career muna bago karir. ahahahaha!

indi na siya nagsawa sa pagtawag. at hindi naman ako nagsawa sa pagsagot. parang kasama ko na rin siyang tumatagay ng gabing yun. ang ganda pa naman ng venue ng inuman namin. sa rooftop ng isang lumang apartment building kung saan eh may mga natutulog sa gilid-gilid. napaka-romantic. ibang klase ang pakiramdam habang lumalaklak ng redhorse, nagyoyosi at kausap sa phone ang taong nagbibigay ng kulay sa araw ko.

sa tingin ko. siya na nga ang nais kong makasama at makayakap sa tarima ko.

pero hindi pwede dahil kagaya ng unang ka-kosa ko. eh nakabuntis siya at malapit nang magkaanak. nagmamahalan sila ng girlfriend niya at isang malanding kaibigan lang ako sa paningin niya.

tama na yung ganun. hanggat nararamdaman kong pinahahalagahan niya ako. hanggat tinetext at tinatawagan niya ako ng walang sawa. hanggat napapakilig niya ako. mananatiling siya ang kosa ko. hindi na ako nasasaktan, nagseselos at naghahangad ng anupaman. basta makasama ko lang siya kahit minsan sa isang buwan, sa birthday niya at sa birthday ko at sa birthday ng iba pa naming mga ka-tropa.

bastat kasama siya sa lakaran. siguradong kasama din ako. :-) )

dilan - ghelo ...

h1

Trip to Silang …

February 21, 2011

Umaga pa lang kinukulit nako ni Ghelo. Tawag nang tawag. Maya’t maya eh nagriring ang phone ko. Excited sa inuman namin nina Ejhay.

Siya pa mismo ang sumundo kay Randell. Dinaanan din ako sa bahay namin.

4PM Sumakay na kami ng bus papuntang SM Fairview. Tabi kami.

4:45 Nasa jeep na kami papuntang Silang. Tabi ulit kami. Maya’t maya ko pa siya sinisita dahil text nang text at tawag nang tawag gamit ang phone niya. Eh delikado pa naman yung lugar na yun.

7PM nakarating na kami sa bahay ni Ejhay. Nangungulit si Ghelo na uuwi siya kahit gabihin pa siya. Same old line. Dumating sina Bryan at Arvin. Nagsimula na kaming mag-inuman.

Ako, Ghelo, Arvin, Ejhay, Randell at Bryan.

Kwentuhang umaatikabo. Picturan. Asaran. Tawanan. Halakhakan.

Hindi na umuwi si Ghelo. As usual dinedma niya na naman ang Mama at ang Girlfriend niyang tawag nang tawag sa kaniya.

Nag-ikot pa kami sa Silang gamit ang tricycle nina Ejhay nang maubusan kami ng inumin. Mas masaya. Roadtrip. Kulitan sa Tricycle. Harutang umaatikabo.

Tumirik kami sa daan. Wala nang gasolina. Tulak. Tulak. Tulak pa hanggang sa marating ang pinakamalapit na gasolinahan na ilang kilometro ata ang layo (pinakamalapit yun ha!)

Nakatulog na sina Ghelo, Arvin, Randell at Bryan. One on one kami ni Ejhay sa ilang boteng redhorse. Nag-umaga. Nagising sila isa-isa. Laklakan pa rin.

8AM na ata kami natulog ni Ejhay. Me balak pa kaming mag swimming sa Bakas.

Nagising ako. Tulog pa si Ejhay pero gising na silang lahat.

Picturan. Kwentuhan at Harutan. Nagyayaya nang umuwi si Arvin. Gaya ng dati ayaw na namang umuwi ni Ghelo. Pero hindi na kami natuloy sa Bakas. Kumain muna kami sa Lugawan. Gaya nung madaling-araw.

Sumakay na kami ng jeep papuntang SM Fairview. Pagkarating sa SM eh sumakay kami ng bus pauwi.

Hindi ko na katabi si Ghelo. Hindi na rin kami nagpapansinan. Ilang beses niya ako tinawag. Bumaba akong walang lingon-lingon. Umuwi akong walang kaimik-imik.

Gaya ng dati. Pumunta kaming magkasama, Umuwi kaming hiwalay.

Pumunta kaming magkasama, Umuwi kaming hiwalay ...

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.