Archive for January, 2011

h1

Bagong Buhay. Stressed???

January 21, 2011

Tataas na ang pamasahe sa LRT. BADTRIP! Nag-decide na lang ako na mag-jeep na lang gabi-gabi.

Dati naman maganda na ang daan pag 10pm. Kaya dahil sa kapraningan ko. Nag-extend ako ng time sa E153 hanggang 10pm. Sayang din yun. Eh sanay naman akong umuwi ng 10pm dati. Kaya lang naman ako umuuwi ng 9pm eh para abutan ang byahe ng LRT mula Anonas papuntang Recto Station.

Nasasanay nako.

Once a week na lang ako lumalaklak. Hindi na ako inaabot ng magdamag sa labas ng bahay. Pag-uwing pag-uwi ko eh nagsha-shower nako at natutulog. In fairness maganda naman ang gising ko everyday mula noong Monday.

Dagdag pahirap. Pero okay lang naman dahil dagdag din sa income yung 1 hour everyday na yun :-)

PS. himala. hindi na ata ako naiinlab ah! i wonder why. hmmmmnnnn.

h1

Sanayan Lang

January 6, 2011

nasasanay nako sa kaadikan ko sa trabaho.

ilang araw na mula nang magsimula ako sa pasok kong 7am – 4pm sa AETC at 5pm – 9pm naman sa E153. nagigising ako ng 5am at natutulog ng 12am everyday. haysss. kaya ko naman. kailangang masanay ako.

main reason kung bakit ko ginawa ito? para pumayat.
pucha. lalo pa ata akong tumaba. ewan ko ba kung bakit.

nasimulan ko na rin lang. kailangan karirin ko na. pero kailangan sanayin ko rin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko nakasanayan noon.

1. hindi na ako pwedeng makipag-inuman ng gabi mula linggo ng gabi hanggang huwebes ng gabi dahil nga malamang na ngarag ako sa pagpasok ko sa umaga kung makakapasok pako.

2. hindi na pwede kahit tumambay o manood ng tv gabi-gabi. pag napapasarap kasi sa pagtambay dedma na sa oras, ganundin kapag maganda ang palabas sa tv.

palagi na nga akong nag gi green tea. ayaw ata ako tablan. ayoko namng mag biguerlai baka magkalat ako kung saan saan.

bawas kain na lang siguro. bawas inom ng beer, more on hard ang dapat inumin. bawas sa softdrinks. nestea fit na lang okay pa.

hayyyys. kamusta naman yun.

PS. tumawag si Ghelo. birthday na niya sa January 9. gusto niyang magka-inuman. well. let’s see.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.