
Dugo at Luha.
November 13, 2009” sundan mo siya. “ ang wika ko.
” pano ka? anlakas ng tulo ng dugo… “ ang sabi niya.
” sundan mo siya. lalaki pa rin ako, malayo to sa bituka… “ ang pilit ko.
” sigurado kang okay ka lang? “ ang tanong niya.
” oo nga sabi. okay lang ako. sige na sundan mo na at baka kung mapano pa siya, at ang dinadala niya! “ ang wika ko.
hinubad niya ang suot niyang puting t-shirt. ipinaikot sa kanang paa ko. saka siya lumabas at hinabol si Maritoni, ang girlfriend niya na nagdadala nang unang anak niya. disi-sais siya noon. kasabay ng kirot sa sugat ko ay ang pagkurot sa puso ko. kasabay ng patuloy na pag-agos ng dugo ay ang nag-uunahang pagpatak ng luha ko.
mahal ko siya at alam kong doon siya mas liligaya. hindi ako gago para ipilit ang isang pagmamahal na hindi naman makatotohanan.
dalawang oras bago ang mga pangyayaring iyon…
” buntis talaga si Maritoni. “ ang wika niya sakin habang nakaupo kami sa mahabang upuan sa labas ng bahay nila na halos katapat lang din ng bahay namin.
” ano to joke na naman? di ba sabi mo hindi naman totoo, na inaasar niya lang ako? “ ang wika ko sa kanya na tipid na ang ngiti.
” natatakot kasi akong masaktan ka… at magalit! “ ang wika niya habang nakayuko.
tumingin ako sa ibang direksiyon at nagwika, ” okay lang yun, masyado lang kasing maaga para sayo. fourth year highschool ka pa lang, disi-sais pero magiging ama na… akala ko marunong ka. pero ok lang yun sakin. wala naman akong magagawa diba? “ ang tuluy-tuloy kong wika. pigil ang hininga, pinipilit na maging masaya at iwaksi sa isipang MALI ang mga nangyayari.
maya-maya eh dumating si Maritoni. hindi kami nagkibuan.
me tama na ako sa isang litro ng Red Horse na ininom ko, ako lang mismo. nakapag-desisyon na ako. tutal matagal nasiyang inilalayo ni Maritoni sa akin. tinawag ko siya. hinatak sa pasillo malapit sa kanila.
” ayoko na. tama natong katarantaduhan nating to. wala namang magkakatotoo, pareho lang tayong nagpapakagago. tapusin na natin to! “ ang wika ko habang nakayuko.
” AYOKO! porke ba nakabuntis ako ayaw mo na? bukas natin pag-usapan to! ” ang wika niya sabay yakap sakin.
PAK! PAK! PAK!
biglang lumabas si Maritoni na nagtatago lang pala sa tabi ng pintuan at agad siyang pinagsasampal.
” sabi mo sakin siya ang ayaw kang pakawalan! bakit ikaw pala ang ayaw! ha! ha! sinasabi ko na nga ba at hindi mo talaga siya kayang iwanan eh! “ ang wika ni Maritoning pasigaw kay Jordan.
napakarami pang sampal. sinalo lahat ni Jordan. tumakbong pabalik si Maritoni sa kuwarto para kunin ang mga gamit niya. hinabol namin siya. ni-lock ko ang pinto.
” mag-usap kayo. “ ang wika ko. nakaharang sa pinto.
” mag-usap? malinaw na sakin ang lahat! ako lang naman ang sumingit sa inyo diba??? magsama kayo! ipalalaglag ko to! “ ang wika ni Maritoni na galit na galit na.
tinulak niya ako ng tatlong beses. hindi ako natinag sa pagharang sa pintuan. inundayan niya ako ng sampal pero nakailag ako. sa pangalawang pagkakataon, medyo natamaan ako. mabilis ang kamay ko. kanina pa ako naaasar sa kanya. sapol siya sa pisngi, malakas ang sampal ko sa kanya.
” dilan, babae yan… wag mo nang patulan! “ ang wika ni Jordan habang hinahatak si Maritoni. lalong nagwala si Maritoni. siniksik siya ni Jordan sa pader. kinagat siya ni Maritoni sa leeg. dumugo.
nagwawala si Maritoni, dinig na ng mga kapitbahay. sigaw ng sigaw. kumakawala. ibinato ko ang bote ng Red Horse na iniinom ko. sa pagitan namin. tumalsik sa paa ko ang malaking piraso at naramdaman ko na lamang ang walang tigil na pag-agos ng dugo.
napaupo ako. natigilan si Jordan. tumakbo si Maritoni palabas.
” sundan mo siya. “ ang wika ko.
pasensiya sa mga nagbabasa. itong mga kwento lang kasi ng buhay kong ito ang pumapasok na madalas sa isip ko… wala akong mai-post kundi ito.
ka-sad naman. nagkikita pa ba kayo?
- ka-SAD nga. pero okay na ako ngayon. gusto ko lang ikuwento ang isang nakaraang hindi maalis sa isip ko. at hindi na ata maaalis kahit kailan. hindi na kami nagkikita… matagal na matagal na.
ahahaha gAndA ng pAge mO ah bHest ahahaha
ang cOrny ;p
pAkopya pA ako sA ibAng tEst ah kUng mAgkAklAze pA tyo ikw kc d mU gNAlingAn eh kitA mo akO pIro unO grAde ko ahahaha gUE til irr ^^
- potah hindi man lang binasa. sige sige. para namang me nakokopya ka sakin. uno ka jan. ilan ba bagsak mo ha??? ungas. sige salamat na rin sa comment wahahaha! muah!
+_+ wow….. ang ganda nmn ng story…..nkaka sad ung ngyari…
- ahehehe. tenchu.
hehehe… e2 na. maganda hah.?! minsan din napapaisip ako ng ganyan.! kaso short nga lang kung minsan nakakalimutan koh din.! hehehe… speachless akoh hahaha…. ghe na.! bye.!
- salamat naman gershon hehehehe! sana makagawa ka rin. nabasa ko kasi minsan yung sulatin mo. bongga.
Thank you…haha
-Mr. Dumilag
- thank you din po sir. and you’re always welcome po. hehehe!
masarap ang pakiramdam ng nagmamahal. pero mas masarap kapag mahal ka din ng taong minahal mo…
nice story
- tenchu ser. talagang pinaunlakan moko. hehehe!
ang wild.
katakot yung babaeng nangagat haha
neweys
kung ano man yang nasa puso mo, let go na.
- oo naman. matagal nakong naka let-go. minsan lang ang sarap alalahanin ng nakaraan.
taray… pang teleserye hehehehe
shot na.
- kelan tau shot pare. hehehe! just text me and i’ll be there. wag lang na me pasok. wahehehe!
Dilan:
How touching.
I think this is a beautiful love affair that should never end.
Jordan is a wonderful guy, basing upon your description in your story. You should treat him nicely. He loves you and you love him. That’s all that matters.
The wife is so selfish by not giving Jordan the leeway to find himself. She should give him all the understanding while he is trying to figure out who his true love is. She’s treating him as if he were a piece of furniture that she owns.
Don’t give up your love for Jordan. If you can’t stand him for now, at least be friendly with him. Love can still exist even if there’s no physical contact between the two of you.
As a Filipino author once said:
“love is not a material thing. It is something spiritual – Capable of reaching the stars, touching the infinite, embracing God.”
Indeed, love is the most beautiful thing man is capable of feeling and sharing.
So, my friend, be kind to Jordan. Don’t even try hating him because you can’t hate someone you really love.
Be happy.
I will be visiting your blog regularly to read the next chapter of your story.
- hehe. nosebleed naman. kabog. wahehehe! by the way. thanks for that very long and interesting comment… i love people who spend time reading my lifestory wahehehe! i’ll always be waiting for your wonderful comments. thank you and god bless you always.
waaaa … dilan anu yan …^.^ nweiz … npkganda ng mga sulating nilikha mo! hindi aq magttkang 22o lahat ng mga bagay n iyan … ^.^ minsan kz ung ibang writer gmgwa lng ng kwento para bmenta storya nila , pero ikaw … d’best ka tlga!!!! kip up d gud work!!!
-npka suspense,exciting, npka mk22hanan tlga … ^.^
-teka ung bulbol mo humhaba … ^.^…
-sana aq din m2loi q n ung blog q … ^.^
- kaya nga ituloy mo na rin yang blogging mo. hehehe! alam ko namang alam mong totoo to. mas masarap magkwento ng totoo kasi andaling gawin diba? hehehe! salamat sa bonggang comment mo ha! sa uulitin. nyhahahahaha! hope to see you soon!
ok nmn, maganda.
- aysus. hehehe. btw. thanks sa comment rhon!
na-touch ako sa entryng ito. martyr talaga ang mga bakla. panalo sa sakripisyo. itong keke mo nman, pa-sweet ang drama. pero gago siya, ang selfish naman. gusto daladalawa kayo… taong walang desisyon at paninindigan sa buhay. sayang ang puso mong ginto kaibigan.
- you remind me of someone in terms of telling me things like that! CHAR! ewan ko ba. martir talaga. pero mas martir ata kung kinaya kaya ko kahit na kaming dalawa.
korek. always remember tey, magtira sa sarili. kahit konti. para pag dumating ang araw na iniwan ka ng taong binigyan mo ng sobra-sobra, may matitira pang pagmamahal sa sarili mo.
- korek ka nga jan. hehehe. salamat naman at me mga tao pang nakakaintindi sa mga ganyang bagay. aysus.
nice one talagang kinakarir mo ha! hehehe ayus na story pwde ng pang indie! heheh kip up the gud work….
- tenx naman tropa. wahahaha!
moving… definitely moving…
- hehehe! tenks.
haha .. uu nga dilan ee .. sana makapag.inuman pa tau .. haha .. well, sana magkita kita pa tau nxt yr sa annex .. im sure busy na tau lahat nun kc mgffinals na ..
- hehehe. magkikita at magkikita pa rin talaga tayo pare. wahehehe…
Hello Dilan. Nice entry. Galing! Merry Christmas!
- salamat aris. nadalaw ka din ahehehehe! meri krismas din and a hyapi new year!
ayos to, kala ko talaga kathang isip at sa huli ang paliwanag, pero sa basa ko ng mga comments eh totoo pala.. pareho kayung duguan hehe ung isa sa leeg, ikaw sa paa. ^^ eh ung babae saan dinugo? lol biro lang po.
napadaan lang po.. =)
— dinugo ang utak niya wahahaha! keber ko sa kanya… i mean sa kanila.
Hays! Nagmistulang palaisipan sakin ang kasarian mo at talaga namang winindang mo ko. Pero ang galing galing ng mga entries mo, napakasarap basahin at super catchy kaya napa-comment ako. Anyways, okay lang yan .. marami pang lalake sa mundo at for sure may nilaan ang Dyos para sayo kasi hindi nman Sya maramot eh. Napaisip ako kung ano ka ba talaga kasi hindi ko nagets nung una not until may nagbanggit dito ng word na ‘bakla’ kaya yun ang ekplinasyon sa malaking katanungan sa utak ko. You inspire me! Pasensya na po at feeling close lang
— so ano na pala sa tingin mo ngayon? wahahaha! okay lang yan magpaka-feeling close ka paminsan-minsan para maging close nang talaga in the end. hehehe! salamat sa mahaba mong comment… nainspire ba kitang talaga? hahaha!