
In-Lab???
November 12, 2009Ibang-iba na siya. Tumangkad, Pumogi, Nagbinata…
Ngumiti siya at lumitaw ang dalawang malalalim na biloy sa kanyang magkabilang pisngi.
Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at tila lumilipad ako sa himpapawid. Me kuryente… eto na nga ba ang “Chuva-chuchu” na sinasabi ni Jolina? Natagpuan ko na nga ba ang aking tunay na mamahalin?
Mula nang araw na iyon. Nagbago na ang lahat. Bumaligtad na ang aking mundo. Naging kaibigan ko siya, isang natatanging kaibigan na nagpapaligaya sakin sa araw-araw na nakikita ko siya at nakakasama.
1 month later. nag-break kami ng girlfriend ko. Hindi naman siguro si Jordan ang dahilan. Ako siguro mismo.
Tumagal pa ang aming samahan bilang espesyal na magkaibigan.
Hanggang sa nakabuntis na nga siya at nagkaanak.
nasasaktan ka pa rin ba?
- anong ibig mong sabihin pare? medyo hindi ko na-gets. hehehe. kung dahil sa wala na siya eh hindi na. trip ko lang ikwento hehehe. bato?