
Simula
October 6, 2009” 5 – 10 Block 123! “ ang sigaw ko habang hawak ko ang manggas ng t-shirt niya. Pinilit pa rin niyang kumawala, at siya ay nagtagumpay.
” Tangnamo! Ang DUGA mo ah! “ ang sigaw ko sa kanyang habang siya ay papalayo.
Hindi siya nagsalita, bagkus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Walang lingun-lingon.
” O gago! HULI ka. 5-10 block 123! subukan mong kumawala babasagin ko na yang muka mo! “ ang wika ko sa kanya na nanggigigil pa rin dahil sa wakas ay nahuli ko na naman siya. Hindi na siya nagpumiglas.
Bata pa lamang kami noon. Elementary pa lang. Banas ako sa kanya dahil bukod sa malakas siyang mang-asar eh napaka-dugas niya pa sa mga laro namin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya kaya ayokong kakampi siya, dahil siya ang TRIP kong pag-initan sa mga laro.
Matalik na kaibigan ko noon si Arnold, mortal na kaaway ko si Jordan. Para sakin kaaway ko siya – kahit para sa kanya eh hindi naman.
Barilan.
Muli. Magkakampi na naman kami ni Arnold, at isa sa mga kalaban namin eh si Jordan. Limahan ang laban. ” Wag natin tantanan si Jordan ha. Tadtarin natin. “ ang bulong ko kay Arnold. Ngumiti si Arnold pero tumingin siya kay Jordan. Saktong nakatingin si Jordan kaya napansin niyang siya ang aming pinag-uusapan.
Takbuhan.
Pansin agad ni Jordan na siya ang aming pinag-iinitan. Kanya-kanyang habol na ang lahat. Pero dalawa kami ni Arnold na humahabol sa iisang kalaban.
Lumiko.
” Pucha! san nagsuot? parang daga ah! “ ang wika ni Arnold.
” Sabi ko naman sa’yo wag aalis ang mata mo eh! Baka pumasok sa pasillo ng palengke! “ ang wika ko. Inisa-isa namin ang bawat pasillo, pero tila me sa pusa ang tarantado.
Uubusin ko pa naman sana lahat ng bala ng pellet gun ko sa kanya. Tsk tsk!
Ayawan na.
- MAY KARUGTONG -
abangan ang susunod na kabanata….kawawang bata…
- hahaha!