h1

Kitiki-TEXT!

October 3, 2009

” pare musta? “ isang text ang natanggap ko mula sa isang numerong hindi naka-save sa phonebook ko.

” hu u? “ ang tanging nai-reply ko.

” jordan to. :-) ang reply niya.

” o? “ ang sagot ko.

” punta ka dito… inuman tayo. birthday ng anak ko. yung inaanak mo. “ ang sagot niya.

” san? “ ang tanong ko.

” dito sa bahay! “ ang sagot niya.

” layo… “ ang reply ko.

” kung san-san ka nga nakakarating kasama tropa mo tapos dito malayo? “ ang sagot niya.

” layo nga… sinong tropa ko? “ ang tanong ko.

” kaklase mo tsaka mga tropa mo! “ ang reply niya.

” ndi no. malalapit lang yun. “ ang sagot ko.

” pag gusto maraming PARAAN, pag ayaw maraming DAHILAN! “ ang txt niya.

” next time na. maulan pa. ayoko ng maputik! “ ang reply ko.

” minsan lang naman to ah! sunduin kita sa LRT! “ ang txt niya.

” ayaw. maulan nga. PILITAN??? “ ang sagot ko.

” wala kang pakisama. “ ang txt niya.

” sino bang meron? ikaw? “ ang tanong ko.

” oo naman. ako pa. “ ang sagot niya.

” lasing ka lang. sa totoo lang tinatamad ako. “ ang sagot ko.

” pag ako ganyan ka, pag sa iba naman okay ka! “ ang tampong sagot niya.

” eh ano. “ ang txt ko.

” sama mo. “ ang sagot niya.

” gago. “ ang huling txt ko.

hindi pa rin niya ako tinantanan ng text. pero pagod nako, at hindi ko na siya nireplayan.

maulan pa rin at wala akong magawa. walang matinong pumapasok sa isip ko kaya pati text pinost ko na.

6 comments

  1. teka, e paano naman inaanak mo? kawawa di ka man lang nakita. sabagay pede naman sa ibang araw. ingat!

    - hehehe. sa ibang panahon siguro. hahaha!


  2. haahaha..kakatuwa naman ang trip mo….

    - at bakit naman blu???


  3. base ba ‘tol?

    haha. pati text. weh.

    kawawa naman di mo pinagbigyan. hehe

    - hindi ko talaga maintindihan yung base na sinasabi mo… bakit naman kawawa. marami naman siyang ibang mga kaibigan.


  4. Dilan:

    Is Jordan your best friend?

    If he is, why is he so needy?
    And why are you taking him for granted?

    A detailed post about this mystery must be told to us.
    It sounds like a wonderful story.

    JM

    - Jordan is a very special person in my life. NOON. hahaha! I am not taking him for granted… it’s just that I don’t want to welcome him anymore. hahaha! Pero sige. Ikukuwento ko siya. Paano ko nga kaya sisimulan???


  5. Is Jordan your best friend?

    If he is, why is he bothering you all the time?

    And if you are his friend, why are you taking him for granted?
    :)

    I’m totally confused.

    - basta ikukuwento ko na lang po sa mga susunod pang mga posts.


    • Ayaaan! Parang kuwento ba ito ni Lola Basyang?

      Efren, huwag ka nang malikot!

      Lol!

      I’ll be looking forward to your story.
      Sana, makapagsulat ako ng script based on that.
      He-he.

      - hehehe! hainaku simula pa lang yan. pagpasensyahan mo na lang sana hindi ako magaling…



Leave a Comment