Archive for October, 2009

h1

Pa-Close?

October 11, 2009

” tangnamo ano??? “ ang sigaw ni Michael sabay tadyak sa nakaupong si Jordan. Kasalukuyan silang naglalaro ng chess nang mapikon si Michael, ang siga-siga naming kaibigan.

Napangiti ako sa nakita. Ewan ko nga ba. Galit talaga ako sa kanya.

Si Jordan eh ginagawang ala-alalay ni Michael. Kaya siguro iba ang kulit niya. Pero nang araw na iyon. Lumayo na siya kay Michael. Ni hindi na niya ito nilalapitan. Iniiwasan na niya ito. Ako naman ang sinusundan-sundan niya.

Hindi ako siga samin. Pero iba ang laban ko. Kung ano si Michael sa lugar namin. MAS ako.

Isa kaming grupo. Si Arnold, Ruel, Raymond, Ako at si Michael. Iba-ibang pagkatao pero nasa iisang matatag na grupo.

” teka, teka anong ginagawa mo dito??? “ ang tanong ko kay Jordan nang makita kong kasunod siyang pumanik sa tambayan namin sa taas ng bahay namin. Masungit ang tatay ko. Puro mga kababata ko lang ang nakakapanik sa bahay namin. Hindi kasama doon ang mga ka-grupo kong sina Michael at Ruel.

” pasalihin na natin siya dito. para ka namang tanga! “ ang wika sakin ng girlfriend kong si Jasmine. Hindi nako nakapalag. Kuwentuhan habang nagmemeryenda. Nagkuwento rin si Jordan. Kwela at walang habas.

Madalas na naming nakakasama si Jordan. Napansin ko na lang na CLOSE na pala kami. Minsan nga kaming dalawa na lang ang nagkekwentuhan. Nakakatuwa.

Third Year Highschool ako nang ma-drop kami ng bestfriend kong si Arnold. Inuwi siya sa Bulacan. Ako naman eh sumama sa bahay ng Ate ko sa Marinduque. Ang tanging mami-miss ko eh ang mga magulang ko, kapatid, si Jasmine, si Arnold at ang ibang kaibigan ko. Ni wala sa isip ko si Jordan.

Imbes na doon na ako mag-aaral eh umuwi ulit ako makalipas ang ilang buwan. Parang ang hirap ng lugar na iyon. Probinsiyang-probinsiya.

Gabi ako nakarating sa Manila. Kinabukasan bumaba agad ako ng bahay para hintayin ang pagdaan ni Jasmine. Nakatutok ang tingin ko sa may Duluhan ng eskinita namin. May umakbay sakin. ” Kamusta ang bakasyon Dilan? “ ang wika ng isang tinig. Hindi ko kilala. Binatang-binata ang tunog.

Humarap ako at medyo nabigla sa nasilayan.

- MERON PA ULIT KASUNOD! -

h1

Simula

October 6, 2009

” 5 – 10 Block 123! “ ang sigaw ko habang hawak ko ang manggas ng t-shirt niya. Pinilit pa rin niyang kumawala, at siya ay nagtagumpay.

” Tangnamo! Ang DUGA mo ah! “ ang sigaw ko sa kanyang habang siya ay papalayo.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Walang lingun-lingon.

” O gago! HULI ka. 5-10 block 123! subukan mong kumawala babasagin ko na yang muka mo! “ ang wika ko sa kanya na nanggigigil pa rin dahil sa wakas ay nahuli ko na naman siya. Hindi na siya nagpumiglas.

Bata pa lamang kami noon. Elementary pa lang. Banas ako sa kanya dahil bukod sa malakas siyang mang-asar eh napaka-dugas niya pa sa mga laro namin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya kaya ayokong kakampi siya, dahil siya ang TRIP kong pag-initan sa mga laro.

Matalik na kaibigan ko noon si Arnold, mortal na kaaway ko si Jordan. Para sakin kaaway ko siya – kahit para sa kanya eh hindi naman.

Barilan.

Muli. Magkakampi na naman kami ni Arnold, at isa sa mga kalaban namin eh si Jordan. Limahan ang laban. ” Wag natin tantanan si Jordan ha. Tadtarin natin. “ ang bulong ko kay Arnold. Ngumiti si Arnold pero tumingin siya kay Jordan. Saktong nakatingin si Jordan kaya napansin niyang siya ang aming pinag-uusapan.

Takbuhan.

Pansin agad ni Jordan na siya ang aming pinag-iinitan. Kanya-kanyang habol na ang lahat. Pero dalawa kami ni Arnold na humahabol sa iisang kalaban.

Lumiko.

” Pucha! san nagsuot? parang daga ah! “ ang wika ni Arnold.

” Sabi ko naman sa’yo wag aalis ang mata mo eh! Baka pumasok sa pasillo ng palengke! “ ang wika ko. Inisa-isa namin ang bawat pasillo, pero tila me sa pusa ang tarantado.

Uubusin ko pa naman sana lahat ng bala ng pellet gun ko sa kanya. Tsk tsk!

Ayawan na.

- MAY KARUGTONG -

h1

Kitiki-TEXT!

October 3, 2009

” pare musta? “ isang text ang natanggap ko mula sa isang numerong hindi naka-save sa phonebook ko.

” hu u? “ ang tanging nai-reply ko.

” jordan to. :-) ang reply niya.

” o? “ ang sagot ko.

” punta ka dito… inuman tayo. birthday ng anak ko. yung inaanak mo. “ ang sagot niya.

” san? “ ang tanong ko.

” dito sa bahay! “ ang sagot niya.

” layo… “ ang reply ko.

” kung san-san ka nga nakakarating kasama tropa mo tapos dito malayo? “ ang sagot niya.

” layo nga… sinong tropa ko? “ ang tanong ko.

” kaklase mo tsaka mga tropa mo! “ ang reply niya.

” ndi no. malalapit lang yun. “ ang sagot ko.

” pag gusto maraming PARAAN, pag ayaw maraming DAHILAN! “ ang txt niya.

” next time na. maulan pa. ayoko ng maputik! “ ang reply ko.

” minsan lang naman to ah! sunduin kita sa LRT! “ ang txt niya.

” ayaw. maulan nga. PILITAN??? “ ang sagot ko.

” wala kang pakisama. “ ang txt niya.

” sino bang meron? ikaw? “ ang tanong ko.

” oo naman. ako pa. “ ang sagot niya.

” lasing ka lang. sa totoo lang tinatamad ako. “ ang sagot ko.

” pag ako ganyan ka, pag sa iba naman okay ka! “ ang tampong sagot niya.

” eh ano. “ ang txt ko.

” sama mo. “ ang sagot niya.

” gago. “ ang huling txt ko.

hindi pa rin niya ako tinantanan ng text. pero pagod nako, at hindi ko na siya nireplayan.

maulan pa rin at wala akong magawa. walang matinong pumapasok sa isip ko kaya pati text pinost ko na.