h1

Isnaban.

September 23, 2009

Sa daan pa lang wala nang tigil ang kwentuhan namin ng mga classmates ko. Hindi nagpapatalo ang isa’t-isa na may kanya-kanyang kwento. Sumakay kami ng jeep papuntang M. Dela Fuente. Medyo puno n pero bandang harapan lang. Sa pasukan eh maluwag pa. Yun ang paborito kong upuan.

Kwento ako ng kwento. kanya-kanyang bangka sa usapan.

Bigla akong natahimik nang sa bandang dulo ng jeep, isang pamilyar na tao ang nakita ko. Si Jordan.

Nakatingin siya sakin at nguniti nang mapansin niyang nakatingin ako.

Hindi ako gumanti ng ngiti.

Tahimik ako hanggang sa pagbaba namin jeep.

Bago ako bumaba, tumingin ulit ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sakin at tila nagtatanong ang mga mata.

Tumango ako, pero hindi ngumiti.

Bumaba ako at muling nakipagkulitan sa mga kaklase ko.

7 comments

  1. naku, pag nakasabay pala kita sa jeep eh di titingnan at tatanguan mo lang din ako.. hahahaha, as if kilala mo ko.. toinks..

    padaan…

    - oo nga eh. dahil hindi kita kilala baka makotongan pa kita. hahaha! joke!


  2. tarushness…. ang ganda mo naman pala eh ahahahaha!

    - yun nga eh.


  3. huh? ano yun?

    sino siya?

    wooh. ang dami kong tanong. makulit ba ako?

    - isa siyang dating kaibigan… isang dating… hmmmmnnn!


  4. hehe. base pala ako. wooh!

    - anong base?


  5. BASE! WAAAH..DI KO NA GETS BAKIT INISNAB MO SIYA..PAKI-EXPLAIN

    - wala lang. basta lang. ewan ko rin kung bakit.


  6. naku mukhang huli nako.. di nako updated sayo..

    sana maging ok na kayo kung ano man ang dahilan ng pag-isnab mo sakanya..

    - haiz. okay naman kami. parang hindi nga lang magkakilala sa personal haha!


    • may ganun!? hehehe…

      - oo naman. pagandahan eh. hahaha!



Leave a Comment