
Ala-ala :-)
September 21, 2009” Ate, Holdap to! “ ang wika ni Jordan. Ilang dipa pa ang layo namin sa nauunang ale. Naglalakad kami sa Lerma at nagkekwentuhan pauwi samin. Kagagaling lamang namin sa inuman.
Halatang kinabahan ang ale na nauuna. Madilim sa Lerma, maghahating-gabi na ata noon. ” Ate wag kang maniwala dito… lasing lang to, sensya na po te! “ ang wika ko naman para mawala ang pangamba ng nauunang ale.
Tila nawala na nga ang pangamba ng ale at ngumiti ito. ” Itulog mo na lang yan totoy! “ ang wika nito kay Jordan.
Natawa kaming pareho ni Jordan sa ale. Lumiko na ito papunta sa isang eskinita at kami naman ay dumiretso pauwi na samin. Kinaltukan ko ang ulo niya. ” Tarantado kang talaga no? Eh pano kung nag-panic yun anlapit-lapit natin sa presinto GAGO ka talaga! “ ang wika ko sa kanya.
Natawa lamang siya sakin.
” Isang beses mo pang gawin yan leche ka. Naku Ha! Nakakabadtrip ka talaga! “ ang wika ko sabay binilisan ko ang lakad pauwi. Iniwanan ko siya. Hindi kami pwedeng magsabay sa paglalakad papasok sa eskinita namin dahil malamang na makita kami ng asawa niyang maldita.
” Wala bang kiss? Himala ah! “ ang sigaw niya.
” Next time na. Babawian kita! “ ang sigaw ko din sa kabilang kalsada.
” O eto na! “ ang sigaw niya sabay flying kiss.
” Tang ina mo! “ ang sigaw ko.
ay naku teh… kumabit ka na sa lasing, wag lang sa me asawang aswang…
- hahaha! ako din no. kumabit sa me asawang aswang. hahaha!
hahahaha…kakatuwa na kakaniyerbyos ang trip ng jordan…..
- kaka-nerbyos na nakakabanas kamo. pucha un.
hahaha…
loko..
pero natawa ako dun ah..
lalo na sa:
” Wala bang kiss? Himala ah! “ ang sigaw niya.
” Next time na. Babawian kita! “ ang sigaw ko din sa kabilang kalsada.
” O eto na! “ ang sigaw niya sabay flying kiss.
” Tang ina mo! “ ang sigaw ko.
- haha. hayup ung kumag na yun eh!
may naglalandi may naglalandi hahahahaha
- hehehe. ui nakaraan na yun. bigla ko lang namang naalala. hahaha!
Namimiz mo na ba siya? halos lahat ng blog mo nabasa ko kaya kilalang kilala ko na si jordan… hehehehe…
- hahaha! kilala ba kita? hindi ko naman namimiss. bigla ko lang naalala habang nagnenet ako. siya tuloy naisip kong gawing post. hahaha!