h1

Tama Na Nga

September 16, 2009

Okay na kami ng KAAWAY ko. Hindi yung Okay na kay na ibig sabihin eh balik na sa dati. Sa WAKAS, nakipag-usap siya ng MAAYOS. Yung TAO sa TAO. Walang laitan. Walang Gaguhan.

Salamat sayo RSM. Iba ka talaga. Biruin mong pag-usapin mo kami ni DB.

Napag-usapan lang namin na DAPAT nang itigil ito. TAMA siya. Hindi naman ako nakikipag-away eh. Siya lang naman. Kung noon pa siya nakipag-usap sakin eh di sana hindi na kami MAS nagkasamaan pa ng LOOB. Sige Kol ako sa gusto mo. Wala na lang Pansinan. Wala na lang Pakialaman. Mas Maganda yun. Kung anu-ano na kasi ang mga naririnig ko eh.

Binabawi ko na ang text kong UTAK ISKWATER ka at HINDI ka KAGALANG-GALANG. Lahat naman kasi ng GUSOT eh naaayos pag pinag-uusapan.

10 comments

  1. May mga bagay lang kc na, nasasabi natin dun sa tao dahil galit tayo, pero yun nga lang ang nabitiwang salita ay kailanMan di na mababawi.. Happy day!

    - naisip ko nga yun. tama ka. iba na ang me lamat. hahaha! tsaka yun nga nasabi ko na kaya hindi ko na tinggal yung post na yun… tatanggalin ko nga sana… kaso sayang naman. hahaha!


  2. hapi ako at finally bati na kayo…mahirap ang may kasamaan ng loob….

    - oo naman sus sinabi mo pa. lalo pa at malapit sayo diba??? correction. hindi pa kami BATI!


  3. it’s good na okay na kayo. ang mportante yung wala ng kagalit para may peace of mind. ^_^
    ok add kita in a while :)

    - sige salamat. add moko agad ha. okay na kasi napag-usapan na yung gulo. poero hindi pa ibig sabihin na okay na kami.


  4. yah. that’s good. mas maganda sa pakiramdam ‘tol kapag wala kang kagalit. diba? :)

    salamat pala sa pag-add. don’t worry, add din kita sa blog roll ko. :) ingat!

    - okidoki. hehehe! tama nga naman.


  5. yeah, agree ako dun sa sinabi ni ms. walong bote..
    na ang mga nabitiwang mga salita ay kailanman di na mababawi..

    kung nakakasakit ang mga salitang un, nasasaktan siya.. para sa akin, dun magsisimula ang lamat.. :)

    pero mabuti na rin po un at least aminado naman isa sa inyo ang may mali..

    - oo. iba pa rin talaga yung napag-usapan ng maayos kesa naman sa nadadala lang sa emosyon sa mga naririnig hindi po ba????


    • yeah, tama.. ;)
      kayang magawan ng paraan kapag napag usapan..
      pero ung lamat andun pa rin.. i mean may pader na ung relasyon niyong dalawa..

      pero pwede din namang maibalik sa dati eh!
      pero nakadepende pa rin un sa iyo.. :P

      - depende sakin at pati na rin sa kanya. hehehe! pero sakin ayos na yun. ako pa.


  6. oo naman,iba talaga kapag pinag uusapan ang mga gusot na yan..kasi kapag makikipag sabayan ka..wala ding mangyayari… lalaki pa lalo..

    hehe..tawa ka naman jan:http://tinyurl.com/p6zt2v

    - oo nga eh. smile :-)


  7. at bakit walang paramdam?

    - anong walang paramdam???


  8. mabuti naman at nakakalma ka na
    hahahaa
    dyuskopo

    maaayos din naman yan
    basta nagkausap ng maayos

    - oo nga po eh. hahaha!


  9. Bro, just starting my own blogsite. Ask lang sana ako ng permission from u. Ilalagay ko sana url mo as one of my favorite blogs. Thanks in advance.

    u can visit my blogsite sa http://www.acebomb.blogspot.com

    god bless pare.

    - favorite talaga? hahaaha! oo naman. it’s an honor for me. hehehe! salamat po. lagay ko din yun sayo ha!



Leave a Comment