
Yan Ang Akala Mo!
September 6, 2009” pano naman yung samahan natin? hindi mo man lang ba ako itinuring na kaibigan? “ ang tanong ko sa kanya.
” NEVER! “ ang huling sagot niya sa text.
ilang minuto rin kaming nagpalitan ng text messages noong araw na iyon. pero na-badtrip na nga ata ako sa sobrang tigas ng PANANAMPALATAYA niya sa PINANINIWALAAN niyang KAHANGALAN.
akala ko pa naman MATALINO siyang tao. akala ko pa naman malalim siyang NILALANG. HINDI PALA!
pinagbintangan mo pa akong mas kinakampihan ko si siya? pinagbintangan mo pa akong sinungaling. hahaha! iba akong klaseng kaibigan. pero iba rin akong klaseng kaaway. mas itinuring pa kitang KAIBIGAN sa kanya o sa kahit sino pa dahil BILIB ako sayo. nagkamali ako. isa kang HANGAL!
wala akong pakialam sa mga kaya mong gawin. matakot ka sa mga mas kaya kong gawin. nasa akin pa rin ang huling halakhak. hindi ka kawalan sa buhay ko, siguro panandaliang kaibigan ka lang talaga na matapos mo akong PAKINABANGAN eh ITATAPON mo na lamang ako ng basta-basta.
pinilit kong ayusin ang alam mong pagkakamali ko na hindi naman talaga totoo! BOBO kang talaga! wala akong ginawang masama sayo. ilang beses mo akong hinamak sa harap ng ibang tao pero nanatiling tikom ang bibig ko. tanging ngiti ang sukli sa mga bagay na nakapagpapasaya sayo. na akala mong nakapagpapasaya rin sa ibang tao.
akala mo lang yun. handa na ako. handa na KAMI. wag na wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na sinisigurado kong ikasisira mo.
GUDLUCK.
warlatik? hoy kumalma ka hahahahaha… i-shot nalang natin yan…..
- hehehe. hindi naman no. badtrip talaga ako dun sa gagong yun. tangna nya. hahaha!
warpath…heheheheh..cool lang igan…salamat pala sa pagdaan
- hehehe! okay na yun. me pinag-usapan na kami.
tsk tsk.. take it easy. sana makuha sa mas maayos na usapan..
- sa wakas nakipag-usap na siya ng tama.
maraming beses ko ng naranasan ang mga ganitong sitwasyon..
kaya lagi akong nawawalan ng kaibigan, kasi, gusto lang nila ako kapag napapakinabangan na..
kakalungkot isipin, kasi balewala na ako sa kanila kapag, wala na silang makukuha sa akin..
lalo na kapag nakahanap na sila ng ibang grupo ng mga kaibigan..
- hindi maituturing na kaibigan ang mga kagaya nila. pero nang kinausap naman niya ako… sa pamamagitan ng isa pa naming kaibigan. nabuksan naman ang mga mata ko. maaaring kaibigan ko nga siya. o baka naman hindi nga. ah ewan. sa ngayon tama na yung tigilan na namin ang isa’t isa.
pero kapag naman, wala na ulit sila, sa akin pa rin naman pupunta.. sa ganung sitwasyon. dapat ba akong matuwa?
sa tingin ko, uu kasi sa akin pa rin sila lalapit.. but still nakakalungkot..
kasi, naalala ka lang kapag wala na silang mapupuntahang iba..
salamat nga po pala sa pagbisita sa bahay ko..
- okay lang po yun. pero tama ka mahirap nga naman yung ganun. pero at least iniisip nila na natatakbuhan ka nila which means kaibigan pa rin ang turing nila sayo.
anyway, i’ll add you on my list..
- ah. sige sige at nang mai-add ka rin sakin. hehehe!
oh!
kumalma ka muna
sos na yan!
- hehhe. sige sige. kalma kung kalma.
woooh. sino yan?
hehe. nice blog dude. daan ka rin sa blog ko.
- oo ba. anjan nako.
na-daan lang. teka may away pala dito. balik na lang ako bukas. heheh
http://www.monzavenue.com
- hainaku. wala na tapos na. pwede ka nang bumalik. hehehe!