
Nomu Na Lang.
July 28, 2009matapos kaming manood sa cuneta astrodome (hindi na namin tinapos dahil alam naming matatalo… JOKE!) eh nagdecide kaming mag-inuman sa bahay nina Nico sa Malate.
nagkahiwalay pa yung dalawang grupo dahil hindi kami kakasya sa jeep. ang init grabe. bumaba kami sa quirino, malapit sa manila zoo. naglakad ng pagkahaba-haba dahil walang sasakyan. mainit talaga. ang tindi ng sikat ng araw.
sumakay ng isa pang jeep papunta na mismo kina Nico. gutom na kaming lahat dahil walang breakfast at lunch, at 2:00PM na.

gelo. ej. nico. dilan. randel. ronel. jv. rafael
ambagan.
kainan ng pancit canton.
inuman.
masayang inuman na todo ang emote at picture-taking, nagpakitang gilas si JV (ang nag-iisang babae) inistraight ang sambaso ng matador… matagal bago isinunod ang iced tea.

darwin. gelo. ej. nico. randel. ronel. jv. rafael
unang-unang tinamaan si Rafael (Big Boy). siya pa mandina ng pinaka-dambuhala. nagkakainitan sina Darwin at Randell. natapos ang inuman at nagbalak pa kami ng isa pang round.

pramis. totoong ngenge si bigboy.
sa bahay ni Ejhay. walking distance daw. hindi naman.
malayu-layo rin ang nilakad namin. sa rooftop kami nag-stay, hinintay namin sina Ronel at Nico. hindi sila dumating. nag-enjoy sa DOTA.

dilan and gelo. nagdidilim na ang paligid.
tamang tambay.

tamang trip. nagtatalo?
tamang kwentuhan.
tamang pa-cute.

gelo at ang signature pa-cute pose.
madilim na nang nagsi-uwian. malayo. dalawang sakay ang kinakailangan.
humiwalay na ako sa FAURA. sumakay ng DAPITAN.
bagsak sa higaan!
nomo na naman kayo… hahaha.
- lage na lang eh no. hahahaha! enjoy naman ako… pastime ko na ata talaga ang pag-inom lalo na kung masaya ang mga kasama ko. ehhehehehe!
hinay hinay sa inom. lol.
- hehehehe. ewan ko ba. hindi na minsan eh. lage lage na… haynakupo. kanina nga muntik na naman. buti na lang at naubusan ng anda yung mga kaklase ko…
lakas tama. hehehe. nice picture, na miss ko ung mga classmates ko noon..
tnx.
- hehehe! not just nice pictures… but nice memories too. hahaha! tnx din.
..ahhhhhhm.. napadaan lang.
..hilig sa inuman ah.. hehe. :>
- oo nga eh. hehehe! hindi naman.
hindi sapat ang tapang
na nakukuha sa alak
para harapin ang buhay
madalas ako uminom
kulang kasi siguro ako sa tapang
salamat nga pala sa pagpunta sa blog
- para sakin sapat na yun. hehehe! kaso pagtapos ng hangover wala na rin ang tapang. nyahahaha!
oist mga bata tama na ang inom hehe!
- mga bata talaga??? nyahahaha!
namimiss ko mag-aral
namimiss ko ang barkada..
enjoy lang..
- haizt. mahirap yung ganyang feeling. haha!@