
Laklakang Pang-Kolehiyo!
July 12, 2009umuwi na ako pagkatapos ng ET 011. me usapan na kami ng mga kaklase ko na ngayon ko lang talaga makaka-bonding na mag-inuman sa bahay namin. umarkila na ng videoke at bumili na ng lalaklaking Gran Matador at chazer na Iced Tea.

sinundo ko ang mga kaklase ko na nag alay-lakad mula carriedo hanggang recto. nabigla pa ako sa dami nila. hindi ko akalaing dumugan ang labanan. ang ingay, ang gulo, ang kukulit. saka bumuhos ang malakas na ulan… binasa kaming lahat.
in fairness. nagkasya sa sala namin ang halos trenta katao.

ang saya. tinumba namin ang labing-isang bote ng long neck na gran matador. puro lalaki, maliban sa isa naming kaklaseng babae… na nadagdagan pa ng isa.

nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko na dumating at nagbigay kulay at kasiyahan sa gabing iyon. salamat din sa pagtanggap sa inyong nalaman. salamat sa lahat-lahat.

sana ito na ang simula ng isang napakagandang samahan.
CHEERS! ET 11!
uhmmm ang lakas nyong uminom… nauhaw ako… hehe!
- hehe. tara inuman tayo!
hahaha. masaya ang mga moments with friends.
- hehehehe! oo nga. hinding-hindi matatawaran!
maganda ang pag ka katha ng mga ito.; Bakit nagtago kayo diyanb. ipublish natin sa magazine ng uncle ko. kala nila wala nang sumusulat sa tagalog, sabi ko mayroon pa.
- ah hehehe. sige sige gusto ko yan. e-mail me na lang dilanmuli@yahoo.com