
Bumabalik Pa Eh!
Hunyo 26, 2009” nandito si J. papunta na diyan! “ ang txt sakin ni Jomel, pinsang buo ni J ang aking SPECIAL FRIEND.
” eh ano naman. “ ang reply ko, sa pag-aakalang nagbibiro lang siya.
” wala lang. papunta na siya diyan! “ ang reply sakin ni Jomel.
matama lamang akong nakaupo sa dulong hagdan namin. wala akong inaasahan o hinihintay, nandoon lamang ako para magtetetext. nang biglang…
” uy! naks naman patext-text na lang! “ ang bati sakin ni J na kapapasok lamang sa pintuan namin na halos kaharap lamang ng hagdanang kinauupuan ko.
hindi ako sumagot. tiningnan ko lamang siya saka bumalik sa pagtetext ko.
” suplado na ah! ganyan ka na ba talaga? “ ang wika niya.
” bakit nandito ka? “ ang tanong ko.
” masama bang dumalaw sa KAIBIGAN ko? “ ang sagot niya.
” sinong KAIBIGAN mo ang dinalaw mo? “ ang tanong ko.
” sino pa eh di IKAW! to naman, parang GALIT ka pa ah! “ ang sagot niya.
habang nagaganap ng aming usapan eh hindi kio siya tinitingnan kaya hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya. patuloy lamang ako sa pagtetext.
” wala bang gimik? inuman? “ ang tanong niya.
” may pasok ako bukas… maaga ako magigising, hindi muna ako pwedeng uminom… “ ang sagot ko.
” naks naman estudyante na! soguro marami ka nang KAIBIGAN don ano??? kaya nakalimutan mo na yung mga DATI mong KAIBIGAN. “ ang wika niya.
” wala pa. nag-aaral ba ako para makipagkaibigan? “ ang sagot ko.
” sungit mo naman. dami bang chiks? “ ang wika naman niya.
tiningnan ko lang siya. hindi na ako nagtetext, kasalukuyan ko nang nilalaro ang isang boring na game sa cellphone ko.
” oi sige na. alis nako. sasama ako kina Mavis sa Malate, mag-iinuman ata sila, niyayaya ako eh. mukhang wala ka namang balak sumama kaya hindi na kita yayayain. “ ang wika niya.
” okay. sige ingat na lang. “ ang sagot ko na nakatingin na sa kanya at nakangiti pa.
” hindi mo man lang ba ako ihahatid? “ ang wika niya.
” saan? hindi mo ba alam ang daan palabas? “ ang wika ko sabay tampal sa braso niya.
” sige na nga. sige alis na nga ako. salamat nga pala ha! “ ang wika niyang nakangiti.
” sa alin? “ ang nagtatakang wika ko.
” sa ngiti… “ ang nakangiti niyang wika.
” tarantado! sige na, layas na! “ ang natatawa kong sagot.
tumalikod siya at nang makalayo ng kaunti eh nilingon niya ako. kumaway, kumindat at nagflying kiss.
hindi ko alam yung buong kwento niyo pero mukhang nagtatampo ka.
- hindi naman. ayoko lang talaga na… hahaha!
LETSE!!! eksenadora kang palaka….
kinakabog mo si herson at si… sino nga yun? yung eksena nila sa cr hahahahaha!
- ui. walang ganunan. hahaha! wala akong kinakabog.
hehe sensya na… di na rin kasi ako masyado nakakapagbasa ng mga blogs eh… tamad tamad ko na hehe!
- okay lang yun. at least nakakoment ka which means buhay ka pa ngang talaga. hahaha!
letch talaga ang mga boys. ang lalandi. ahihi!
- oo nga. pa-swit. nyahahaha!
kinilig ka ba sa kindat nya?
- uy hindi ah. bakit naman ako kikiligin. hahaha! kaw talaga o.
salamat sa pagdaan mo sa mumunting blogbahay ko ha!!
hehehe
salamat!!!
- walang anuman at salamat din sa pagdaan ha…
Mag ka-theme tayo ng blog
hi, otep po pala napadaan lang,
nice to meet you
shake hands*
- nice to meet you too!
aww!
- hehehe! get get awwww!
nyahahahahaha..
natawa ako dito ah!!!
oops.. kung indi dapat edi indi..
pero ang kulet ah!!
one time naging ganyan ako eh
sungit-sungitan.. hehehe.
- hehehe. naman. charing ko lang yun. pinagsamang pagod, antok at bitin sa alak kaya ganun hahahaha!
nyahahaha kaya pala!!
halo-halo!! nyahaha..
- hehehehe!