
Laitero
June 24, 2009Nagtataka ako.
Kung bakit ba kasi may mga tao pang ipinanganak na mga LAITERO!
Di bale sana kung perpekto siyang tao. Eh HINDI naman! Isipin na lang din sana niya na NAPAKINABANGAN niya rin naman ang taong nilalait niya ngayon. Isipin niya na lang na nakasama niya rin naman ang taong nilalait niya ngayon. Porke ba meron na siyang panibagong MAKAKASAMA ngayon eh tatarantaduhin na lang niya ang KAIBIGAN niya NOON?
Nagsawa na ba siya sa PAKIKISAMA sa taong iyon?
Dati namang naging PARTE ng pang-araw araw na BUHAY niya ang taong iyon pero bakit kaya BINABALEWALA na niya ito ngayon. Dati-rating NAKATAMBAY siya sa bahay nito noon… pero sa ibang bahay na siya tumatambay ngayon.
Anong klaseng TAO ba siya at napakadali niyang MAKALIMOT sa mga MASASAYA nilang nagdaan ng taong iyon?
ang puso mo…
- hehehe. okay na ko pare.
ewan ko ba bkit may mga taong laitero.. kala mo mga perpekto.. eh wala naman taong ganun.. anyways.. thank sa comment sa blog ko.. pwede ba xlnks tayo??
- oo ba. yun nga ang hinihintay ko eh hehehe!
at sinong nilalait?
full force na at mega boogie wonderland na yan bwahahahahahaha!
- kilala mo sila YJ… kilalang-kilala. hahaha!
marine ba ang course mo? diyata’t? nakakalokah itwung balita
magsabi ka ng totoo sa aken
- bakit naman nakakaloka??? hahaha! hindi marine ang course ko. joke joke joke lang yan… sinukat ko lang yang uniform na yan…
ateng sowi di nakakapuna ang baklang maton… di ko kc alam cno nilalait mo… ateh ang alta presyon…
kumembot ka nlng para masaya okies?
- ui. kung maka-ateng ka naman hahaha! wala naman akong nilalait… sila ang mga nanlalait.
Kalma tol
- hehehe. kalmado na po.