
Wala Lang
Hunyo 23, 2009Kinakabahan na ako sa long quiz namin sa College Algebra. Nagbabalak tuloy akong maghapong mag-review/mag-aral bukas… tutal wala namang pasok dahil bukod sa Bakante ang araw na iyon para samin eh Manila Day pa.
Ngayon ko lang nalaman. Ayos pala ang handwriting ko sa Whiteboard. Nakakangawit magsulat in front of the whole class pero okay naman pala maging Class Secretary.
Pumunta kami ng UDM Main Campus kanina para bumili ng General Chemistry Book na kakailanganin namin sa Thursday dahil me assignment nga kami dun pero out of stock pa rin at malamang daw na wala pa rin the whole week at hindi pa nila alam kung kelan magkakaron.
Masakit ang ulo ko. Anlamig pa dito!
- bakit naman ganyan???
Ah eh. :/
- ah eh… ano??? hahaha! speechless???