
Nagsimula Na!
June 16, 2009Nagsimula na ang klase namin sa UDM.
Kahit na DUMADAMI na ang naaapektuhan ng A (H1N1) eh tuluy-tuloy naman ang lahat. Kahit pa wala ang CHEM 011 (General Chemistry) at DRAW 1 (Drawing Fundamentals) Professors namin.
Okay na okay na sana ang Eng 011 (English Grammar) Professor namin na si Mr. DB kaso parang mapapalitan pa ata dahil daw sa Change of Sched., sana naman kasing-COOL niya ang papalit (kung papalitan nga siya). Hindi ko talaga gusto ang alinmang subject na MATH pero dahil SUPER COOL naman ang professor namin sa MTH 011 (College Algebra) na si Mr. RSM eh malamang na ma-ENJOY ko na ang MATH.
Pag-uwi ko, NAKATULOG kaagad ako sa pagod. Bigla ba namang magyayang UMINOM sina Mar kaya ayun lasing na lasing ako, i-celebrate ba naman ang 1st Day of school.
–=== KINABUKASAN ===–
Late na akong nagising. Isinuot ko ang anumang pwedeng suotin saka lumarga ng walang kain-kain. Na-stranded pako sa Avenida, umulan ba naman ng pagkalakas-lakas – buti na lang at pagdating ko eh HINAHANAP pa lang ng mga kaklase ko ang ET 011 (Basic Electronics & Signal Communication) Lab namin. Naging Class SECRETARY pako. Buti kamo hindi President.
Umuwi ako sa bahay para magpahinga dahil mahaba-haba ang vacant namin… Umulan na naman nung papasok na ako kaya MUNTIK ko nang hindi pasukan ang IT 011 (Values & Work Ethics) buti kamo ayoko talagang mag-cut ng klase. Late na akong nakarating na Pawis na Pawis. Ibinigay ng prof ang Seating Arrangement namin, buti kamo pumasok ako.
talaga naman.. lasing ka naman?? ok na ang blog mo e.. sbay banat ng lasing ka na naman?? hahaha!
- eh. nag-celebrate lang naman kami ng first day ng klase (biruin mo icelebreyt pa!)
nag start na din klase namin… wahahahaha… monday na monday nasa greenbelt kami ni Edz… pero BUTI KAMO pumunta kami… nakita ko si James Blanco sa personal… hahaha so jai ho….
- wala naman bang me A(H1N1) sa school niyo… hahaha! grabe andami nang meron no??? LECHE kasi yung nagdala niyan dito eh. habanas talaga. eh balita ko parang POKEMON pa yung virus… nag-e-EVOLVE! hahaha! ano naman itsura ni james b.
pansin ko lang. laging masaya ang first day ng skul.hehe
gudluck pre kaw pagasa ng bayan, hehe!
- oo nga eh. bakit nga kaya. hahaha! salamat ha!
hahaha… its really true masaya ang first day ng klase. pero nung monday, wala me sa mood pumasok sa klase eh….
nice attitude…better late than never…
hahaha…im always late kasi sa mga class ko…
- hehehe. oo naman. ayoko nga talagang ma-late grabe lang talaga ulan nun.
welcome sa iskul!
- tenchu po!
sa min ata meron na… sa june 20 pa ko papasok eh… n_n
- ganun ba??? san ka ba???
May pasok ka na. Pwede naman siguro tayong magkita pag uwian mo.
- oo ba. kaso naman. pano??? ano naman gagawin natin???