h1

Booking…

June 5, 2009

Huling beses ko siyang nakita noong birthday ko last year. Malapit na naman ang birthday ko at ngayon pa lamang kami uli kami magkikita. Madalas kaming nagpapalitan ng text messages. Nagkukulitan, nagkakamustahan… nagbobolahan.

si JJ...

si JJ...

“punta ko diyan senyo bukas… shot tayo!” ang text niya sakin.

“oo ba. bakit tayo shot?” ang sagot ko.

“wala lang. bonding?” ang maikling sagot niya.

“okay.” ang paniniguro ko.

Sakto namang nagyaya ang kaibigan kong manager namin sa inuman. Last week pa kami huling nag-inuman kaya nagyaya siyang mag-inuman kami ng hapon na yun. Tinext ko kaagad si JJ para yayain. Para hindi na rin kami gumastos sa inuman kinabukasan. Gusto rin naman siyang makita ni Enzo, isa pa sa mga kaibigan namin.

Nasa OJT pa siya sa EDSA pero sinigurado niyang makakarating siya ng mga 6pm.

5pm pa lamang eh dumating na si Mar, ang manager namin sa inuman. Saktong 6pm nang dumating naman si JJ. Iba ang inaasahan kong itsura niya sa nakikita ko kaharap siya. Mas matangkad na siya sakin, kasinlaki ko lamang siya dati. Mas moreno siya samantalang napakaputi niya noon. Pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Mukha pa ring bata, inosenteng-inosente pa rin ang dating gaya noong unang beses ko siya nakita.

Ako, si Enzo, si JJ at si Mar – nilaklak namin ang ilang bote ng Red Horse para saming tatlo at SMB naman para kay Mar. Kuwentuhan, Kamustahan, Harutan at Kulitan. Dumating pa ang 2 pinsan niya na tagasamin lamang. Nakipaglaklakan pero hindi naman makasali sa usapan. Masarap kasing pag-usapan ang nakaraan.

May mga tama na kami pero napagdesisyunan pa rin namin na lumipat sa pinakamalapit na Videoke Bar. Itinuloy ang kuwentuhan, harutan at nadagdagan pa ng kantahan.

“Brad! salamat sa lahat-lahat ha! Napasaya mo na naman ako. Kala ko hindi na mauulit yung ganitong pangyayari. Hindi ko akalain na ikaw pa ang makapagbibigay ng kaligayahan sa buhay ko dito sa Manila!” ang seryoso niyang wika na halata namang lasing na siya.

Ngumiti lamang ako.

Hinatid namin silang dalawa ni Mar sa parking lot.

“Ikaw na bahala sa kanya pare ha!” ang wika ko kay Mar na kasabay niyang paalis.

“Lalabas pa ba kami?” ang tanong ni Mar sakin.

“Oo. Diba sabi na nitong kumag nato kanina!” ang panigurado ko.

“Salamat talaga Dilan ha!” ang huling nasambit ni JJ sakin saka siya pumasok sa van ni Mar.

“Sa uulitin!” ang wika ni Mar sakin, sabay halik sa pisngi ni JJ. Nagulat pa si JJ sa nangyari. Natawa lamang si Mar sa reaksiyon niya.

Pina-andar na ang sasakyan.

Isang napakatipid na ngiti ang ibinigay niya sakin – pero inosenteng-inosente pa rin ang dating niya.

Kumaway ako. May isa na namang kumagat sa alikabok.

5 comments

  1. nagbabalik na karakter?

    katuwa naman….

    - hehehe? oo nagbalik na karakter. hahaha!


  2. maraming salamat sa pag-daan!

    - hehehe! alang anuman.


  3. hehe napadaan lan po, nice post, parang may lihim na pagmamahal, sabihin mo na kasi, sa sabog yan…

    - uy walang ganun ha! hehehe! grabe naman yun? intrigahin daw ba. hahaha!


  4. padaan lang po.. at pabasa na din..

    - sige lang. hahaha!


  5. ay. parang gusto kong malaman ang buong pangyayari. naki-chorva daw! :)

    - alam mo na kung ano pa ang mga nangyari. hehehe!



Leave a Comment