
Sa Piling Nila…
Hunyo 1, 2009napakatagal na panahon nang hindi kami nagkikita. mga taong kasama ko sa pang araw-araw na buhay ko noon. sa loob ng opisina – walang hinto ang kasiyahan namin. pero nang magkahiwa-hiwalay kami noon, hindi naman kami kaagad naglayu-layo. nag-CHRISTMAS PARTY pa nga kami sa house nina Jericho at Joy noon. ilang beses ko ring nakainuman yung kapatid, mga pinsan at ilang kaibigan nina Jericho.

berde kung berde no?
inimbitahan nila akong makipag-MOMENT sa kanila sa BAGO nilang OPISINA.
ilang beses na nila akong niyayaya pero hindi naman ako nakakapunta.
na-miss ko tuloy ang ilang birthdays… pati na ang KASAL nina Joy at Jericho.
sinundo ako nina Eve at Andrea sa baba ng UNIT nila. sinamahan ko muna silang bumili ng ice cream, bread, bagoong at softdrink sa malapit na 7-Eleven, bakery at Mercury Drug. pagpanik namin sa unit nila eh nag-merienda kaagad kami ng mga pinamili nila at umorder naman si Joy ng Inihaw na Bangus for DINNER.
nagkwentuhan kami habang kumakain. napakaaga naming nag-DINNER. pagkarating na pagkarating ng inorder na bangus eh nilapastangan kaagad namin. picture taking and more kwentuhan.
sumama muna ako sa house nila with Jericho. nag-videoke with ALLAN and Jericho. saka kami bumalik sa office nina Joy na malapit lang din naman – isang tricycle lang. more picture picture. tapos na rin ang office hours nila dahil nga 11PM na kaya nagsipag-uwian na rin kaming lahat.
one of the BEST days of my LIFE!
napakasaya naman.astig ka!
- oo naman. hehhe. masarap pa ring makasama lalo na yung mga taong naging close say diba?
kabog!
isang bonggang bonggang KONGRATYUMALEYSHUNS!
- tenchu poh!
dilan! tsong, salamat sa pagbisita.
nakow ako pag inaya ng mga kaibigan punta agad ako, kaladkarin ako e saka basta libre hehe
ingat!
- same same. hahaha!
saya….”)
- hehehe. oo nga.