Imbakan para sa Hunyo, 2009

h1

Bumabalik Pa Eh!

Hunyo 26, 2009

” nandito si J. papunta na diyan! “ ang txt sakin ni Jomel, pinsang buo ni J ang aking SPECIAL FRIEND.

” eh ano naman. “ ang reply ko, sa pag-aakalang nagbibiro lang siya.

” wala lang. papunta na siya diyan! “ ang reply sakin ni Jomel.

matama lamang akong nakaupo sa dulong hagdan namin. wala akong inaasahan o hinihintay, nandoon lamang ako para magtetetext. nang biglang…

” uy! naks naman patext-text na lang! “ ang bati sakin ni J na kapapasok lamang sa pintuan namin na halos kaharap lamang ng hagdanang kinauupuan ko.

hindi ako sumagot. tiningnan ko lamang siya saka bumalik sa pagtetext ko.

” suplado na ah! ganyan ka na ba talaga? “ ang wika niya.

” bakit nandito ka? “ ang tanong ko.

” masama bang dumalaw sa KAIBIGAN ko? “ ang sagot niya.

” sinong KAIBIGAN mo ang dinalaw mo? “ ang tanong ko.

” sino pa eh di IKAW! to naman, parang GALIT ka pa ah! “ ang sagot niya.

habang nagaganap ng aming usapan eh hindi kio siya tinitingnan kaya hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya. patuloy lamang ako sa pagtetext.

” wala bang gimik? inuman? “ ang tanong niya.

” may pasok ako bukas… maaga ako magigising, hindi muna ako pwedeng uminom… “ ang sagot ko.

” naks naman estudyante na! soguro marami ka nang KAIBIGAN don ano??? kaya nakalimutan mo na yung mga DATI mong KAIBIGAN. “ ang wika niya.

” wala pa. nag-aaral ba ako para makipagkaibigan? “ ang sagot ko.

” sungit mo naman. dami bang chiks? “ ang wika naman niya.

tiningnan ko lang siya. hindi na ako nagtetext, kasalukuyan ko nang nilalaro ang isang boring na game sa cellphone ko.

” oi sige na. alis nako. sasama ako kina Mavis sa Malate, mag-iinuman ata sila, niyayaya ako eh. mukhang wala ka namang balak sumama kaya hindi na kita yayayain. “ ang wika niya.

” okay. sige ingat na lang. “ ang sagot ko na nakatingin na sa kanya at nakangiti pa.

” hindi mo man lang ba ako ihahatid? “ ang wika niya.

” saan? hindi mo ba alam ang daan palabas? “ ang wika ko sabay tampal sa braso niya.

” sige na nga. sige alis na nga ako. salamat nga pala ha! “ ang wika niyang nakangiti.

” sa alin? “ ang nagtatakang wika ko.

” sa ngiti… “ ang nakangiti niyang wika.

” tarantado! sige na, layas na! “ ang natatawa kong sagot.

tumalikod siya at nang makalayo ng kaunti eh nilingon niya ako. kumaway, kumindat at nagflying kiss.

h1

Laitero

Hunyo 24, 2009

Nagtataka ako.

Kung bakit ba kasi may mga tao pang ipinanganak na mga LAITERO!

Di bale sana kung perpekto siyang tao. Eh HINDI naman! Isipin na lang din sana niya na NAPAKINABANGAN niya rin naman ang taong nilalait niya ngayon. Isipin niya na lang na nakasama niya rin naman ang taong nilalait niya ngayon. Porke ba meron na siyang panibagong MAKAKASAMA ngayon eh tatarantaduhin na lang niya ang KAIBIGAN niya NOON?

Nagsawa na ba siya sa PAKIKISAMA sa taong iyon?

Dati namang naging PARTE ng pang-araw araw na BUHAY niya ang taong iyon pero bakit kaya BINABALEWALA na niya ito ngayon. Dati-rating NAKATAMBAY siya sa bahay nito noon… pero sa ibang bahay na siya tumatambay ngayon.

Anong klaseng TAO ba siya at napakadali niyang MAKALIMOT sa mga MASASAYA nilang nagdaan ng taong iyon?

h1

Wala Lang

Hunyo 23, 2009

Kinakabahan na ako sa long quiz namin sa College Algebra. Nagbabalak tuloy akong maghapong mag-review/mag-aral bukas… tutal wala namang pasok dahil bukod sa Bakante ang araw na iyon para samin eh Manila Day pa.

Ngayon ko lang nalaman. Ayos pala ang handwriting ko sa Whiteboard. Nakakangawit magsulat in front of the whole class pero okay naman pala maging Class Secretary.

Pumunta kami ng UDM Main Campus kanina para bumili ng General Chemistry Book na kakailanganin namin sa Thursday dahil me assignment nga kami dun pero out of stock pa rin at malamang daw na wala pa rin the whole week at hindi pa nila alam kung kelan magkakaron.

Masakit ang ulo ko. Anlamig pa dito!

h1

Bobo.

Hunyo 20, 2009

kaya ko nang idescribe ang sarili ko ngayon in one word!

BOBO!

hindi ko akalaing mahihirapan ako sa College Algebra at sa GeneralĀ  Chemistry. dating paborito ko namang subject ang Chemistry ng high school at paborito rin naman ako ng teacher ko noon sa Chemistry. unang meeting pa lang namin sa General Chemistry eh kinakabog na agad ang dibdib ko.

posible pala talagang makalimutan ang mga pinag-aralan noon pa. naiintindihan ko na ngayon ang contestants ng Kakasa Ka Ba Sa Grade Five.

meron pang napakatinding kinaaayawan ko ang darating sa College Life ko. bukas na mangyayari yun. sana kayanin ko…

R.O.T.C.

kala ko ba wala na yang R.O.T.C. na yan sa College???? bakit meron na naman ngayon kung kelan nag-decide na akong mag-aral.

*** kasalukuyan akong nagre-research ng tungkol sa Properties of Equality, Properties of Real Numbers, Simplifying Expressions at Addition & Subtraction of Polynomials… at hilong-hilo na ako!

h1

Nagsimula Na!

Hunyo 16, 2009

Nagsimula na ang klase namin sa UDM.

Kahit na DUMADAMI na ang naaapektuhan ng A (H1N1) eh tuluy-tuloy naman ang lahat. Kahit pa wala ang CHEM 011 (General Chemistry) at DRAW 1 (Drawing Fundamentals) Professors namin.

Okay na okay na sana ang Eng 011 (English Grammar) Professor namin na si Mr. DB kaso parang mapapalitan pa ata dahil daw sa Change of Sched., sana naman kasing-COOL niya ang papalit (kung papalitan nga siya). Hindi ko talaga gusto ang alinmang subject na MATH pero dahil SUPER COOL naman ang professor namin sa MTH 011 (College Algebra) na si Mr. RSM eh malamang na ma-ENJOY ko na ang MATH.

Pag-uwi ko, NAKATULOG kaagad ako sa pagod. Bigla ba namang magyayang UMINOM sina Mar kaya ayun lasing na lasing ako, i-celebrate ba naman ang 1st Day of school.

–=== KINABUKASAN ===–

Late na akong nagising. Isinuot ko ang anumang pwedeng suotin saka lumarga ng walang kain-kain. Na-stranded pako sa Avenida, umulan ba naman ng pagkalakas-lakas – buti na lang at pagdating ko eh HINAHANAP pa lang ng mga kaklase ko ang ET 011 (Basic Electronics & Signal Communication) Lab namin. Naging Class SECRETARY pako. Buti kamo hindi President.

Umuwi ako sa bahay para magpahinga dahil mahaba-haba ang vacant namin… Umulan na naman nung papasok na ako kaya MUNTIK ko nang hindi pasukan ang IT 011 (Values & Work Ethics) buti kamo ayoko talagang mag-cut ng klase. Late na akong nakarating na Pawis na Pawis. Ibinigay ng prof ang Seating Arrangement namin, buti kamo pumasok ako.

h1

Ano Ba Naman Kaya?

Hunyo 12, 2009

Napapraning na naman ako.

Mapaligiran ka ba naman ng mga KUPAL na tao. Mga kaibigang hindi mo malaman kung bakit NAGTITIRAHAN ng PATALIKOD. Nakakasawa na kasi. Nakaka-UMAY na ang ganung sistema.

Mananatili na lamang ba akong NAKIKINIG sa TALIKURANG SAKSAKAN nila. Talikurang agawan ng eksena… Hmmmp! Hindi ko na nga kinakaya ang mga pinag-gagagawa nila. Ayokong KUMAMPI sa kahit sino sa alinmang PARTIDO. Kaya NAKUKULILI na ang tenga ko sa Talikurang SIRAAN, AHASAN, AGAWAN at GAGUHAN! Nakakabadtrip na talaga kung minsan na AKO MISMO ang nakakarinig, nakakakita at nakakasagap ng mga LAGLAGAN nila.

Haiz. DE MONTRES!

h1

Ako Si Dilan.

Hunyo 9, 2009

Calm your heart. Be still.

I am DILAN. friends call me that.

I am an exceptional man who has the ability to simplify the complexities of life.

ako si Dilan.
ako si Dilan.

Being me doesn’t always mean that I AM going to be GOOD at you. I choose people whom I talk to.. and my apologies. if im a bit snob..

TALK TO ME AND I SWEAR TO YOU ITS ALL WORTH IT.. BUT, WATCH OUT! I FEEBLE SO GET OVER ME..

I AM OUTSPOKEN, DETERMINED AND VERY OPINIONATED.. I WANT WHAT I WANT AND THERE’S NOTHING WRONG WITH IT..

TYPICAL HAPPY GO LUCKY WITH MASS PERSONALITIES..

IF I FIND YOU LAME, I’LL GIVE YOU A FAKE SMILE..

IF I DONT LIKE YOU, ILL MAKE SURE YOU WILL KNOW IT..

OPTIMISTIC AND PESSIMISTIC AT THE SAME TIME..

CLOSEGUARD ON MY FEELINGS..

A man of few words.

Unpretentious.

Has solemn face, One can get an impression of mystery.

A good son, I am considered as one of the best catches around, at least to my friends.

Unchanging prudent.

cautious when love insinuates.

A sticky soul who will never desert you especially in rough times.

A very attractive entity.

Soft and well mannered.

Expect unexpectedly outrageous things about me, is basically the key to understand me.

Simple looking yet complicated by nature.

Timid.

Silent Operator.

Master Procrastinator.

Reserved.

Tranquil person seldom affected by the trivialities of this world, I have the knick of simplifying otherwise intricate unsettled questions.

Blessed with a soft melodious voice.

Determined and never afraid of hard work.

AND PLEASE, STOP ASKING ME ABOUT HAVING “WHATEVER” WITH YOU.. I HAVE MY OWN MANAGERIE TO ATTEND TO. DON’T ADD ME TO YOURS..

h1

Booking…

Hunyo 5, 2009

Huling beses ko siyang nakita noong birthday ko last year. Malapit na naman ang birthday ko at ngayon pa lamang kami uli kami magkikita. Madalas kaming nagpapalitan ng text messages. Nagkukulitan, nagkakamustahan… nagbobolahan.

si JJ...

si JJ...

“punta ko diyan senyo bukas… shot tayo!” ang text niya sakin.

“oo ba. bakit tayo shot?” ang sagot ko.

“wala lang. bonding?” ang maikling sagot niya.

“okay.” ang paniniguro ko.

Sakto namang nagyaya ang kaibigan kong manager namin sa inuman. Last week pa kami huling nag-inuman kaya nagyaya siyang mag-inuman kami ng hapon na yun. Tinext ko kaagad si JJ para yayain. Para hindi na rin kami gumastos sa inuman kinabukasan. Gusto rin naman siyang makita ni Enzo, isa pa sa mga kaibigan namin.

Nasa OJT pa siya sa EDSA pero sinigurado niyang makakarating siya ng mga 6pm.

5pm pa lamang eh dumating na si Mar, ang manager namin sa inuman. Saktong 6pm nang dumating naman si JJ. Iba ang inaasahan kong itsura niya sa nakikita ko kaharap siya. Mas matangkad na siya sakin, kasinlaki ko lamang siya dati. Mas moreno siya samantalang napakaputi niya noon. Pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Mukha pa ring bata, inosenteng-inosente pa rin ang dating gaya noong unang beses ko siya nakita.

Ako, si Enzo, si JJ at si Mar – nilaklak namin ang ilang bote ng Red Horse para saming tatlo at SMB naman para kay Mar. Kuwentuhan, Kamustahan, Harutan at Kulitan. Dumating pa ang 2 pinsan niya na tagasamin lamang. Nakipaglaklakan pero hindi naman makasali sa usapan. Masarap kasing pag-usapan ang nakaraan.

May mga tama na kami pero napagdesisyunan pa rin namin na lumipat sa pinakamalapit na Videoke Bar. Itinuloy ang kuwentuhan, harutan at nadagdagan pa ng kantahan.

“Brad! salamat sa lahat-lahat ha! Napasaya mo na naman ako. Kala ko hindi na mauulit yung ganitong pangyayari. Hindi ko akalain na ikaw pa ang makapagbibigay ng kaligayahan sa buhay ko dito sa Manila!” ang seryoso niyang wika na halata namang lasing na siya.

Ngumiti lamang ako.

Hinatid namin silang dalawa ni Mar sa parking lot.

“Ikaw na bahala sa kanya pare ha!” ang wika ko kay Mar na kasabay niyang paalis.

“Lalabas pa ba kami?” ang tanong ni Mar sakin.

“Oo. Diba sabi na nitong kumag nato kanina!” ang panigurado ko.

“Salamat talaga Dilan ha!” ang huling nasambit ni JJ sakin saka siya pumasok sa van ni Mar.

“Sa uulitin!” ang wika ni Mar sakin, sabay halik sa pisngi ni JJ. Nagulat pa si JJ sa nangyari. Natawa lamang si Mar sa reaksiyon niya.

Pina-andar na ang sasakyan.

Isang napakatipid na ngiti ang ibinigay niya sakin – pero inosenteng-inosente pa rin ang dating niya.

Kumaway ako. May isa na namang kumagat sa alikabok.

h1

Sa Piling Nila…

Hunyo 1, 2009

napakatagal na panahon nang hindi kami nagkikita. mga taong kasama ko sa pang araw-araw na buhay ko noon. sa loob ng opisina – walang hinto ang kasiyahan namin. pero nang magkahiwa-hiwalay kami noon, hindi naman kami kaagad naglayu-layo. nag-CHRISTMAS PARTY pa nga kami sa house nina Jericho at Joy noon. ilang beses ko ring nakainuman yung kapatid, mga pinsan at ilang kaibigan nina Jericho.

berde kung berde no?

berde kung berde no?

inimbitahan nila akong makipag-MOMENT sa kanila sa BAGO nilang OPISINA.
ilang beses na nila akong niyayaya pero hindi naman ako nakakapunta.
na-miss ko tuloy ang ilang birthdays… pati na ang KASAL nina Joy at Jericho.

sinundo ako nina Eve at Andrea sa baba ng UNIT nila. sinamahan ko muna silang bumili ng ice cream, bread, bagoong at softdrink sa malapit na 7-Eleven, bakery at Mercury Drug. pagpanik namin sa unit nila eh nag-merienda kaagad kami ng mga pinamili nila at umorder naman si Joy ng Inihaw na Bangus for DINNER.

nagkwentuhan kami habang kumakain. napakaaga naming nag-DINNER. pagkarating na pagkarating ng inorder na bangus eh nilapastangan kaagad namin. picture taking and more kwentuhan.

sumama muna ako sa house nila with Jericho. nag-videoke with ALLAN and Jericho. saka kami bumalik sa office nina Joy na malapit lang din naman – isang tricycle lang. more picture picture. tapos na rin ang office hours nila dahil nga 11PM na kaya nagsipag-uwian na rin kaming lahat.

one of the BEST days of my LIFE!