
Ang Humble na si YJ
Mayo 22, 2009Nakakatawang isipin na matapos naming magkita ni YJ eh close na close na kami. Madalas na rin siyang kasama sa mga inuman namin. Gaya na lamang ng magkayayaan kami nina Denz Tarca na uminom kasama sina G-Son at Jade sa Novi’s, kagagaling lang niya ng Tarlac pero sumunod pa rin siya.
Parang isang tunay na barkadang matagal nang magkakakilala.
Natulog din siya sa tambayan naming magkakaibigan katabi si Denz. Kahit walang kama kundi manipis na higaan lang at maliit na espasyo… nakuntento na siya. Nahihiya tuloy ako ng makita ko ang tinutulugan niya. Kaya pala masyadong maaga siyang nagising.