
Tropapitz
Mayo 11, 2009Ilang araw na rin ang naklilipas nang magpalitan kami ng text message ni YJ (author ng manilabitch.blospot.com) Nagcomment kasi siya sa isa sa mga Posts ko dito sa blog ko at hiningi niya ang mobile number ko. Sa wakas bnakita ko na rin ang mga kontrobersiyal na tunay na mukha nila ng kanyang Labidabs na si NJ. Sa totoo lang PAREHO silang GWAPINGS!
Kahit gabi na at nakikipag-inuman na siya eh textan pa rin kami nang texan. Ang problema ko lang eh Smart ang gamit ko at Globe naman ang gamit niya kaya Limited ang mga text ko sa kanya… kung minsan nakikitext pa ako sa kung sinu-sino mareplyan ko lang siya.
Salamat nga pala YJ sa paanyaya mo ng Coffee + Dinner sa Robplace. Kahit treat moko NAHIHIYA talaga ako. Hayaan mo, kapag me work na ulit ako sisiguraduhin kong magkikita tayo.
———————–
Matagal ko na ring Kaibigan si Jonell (author ng paurong.com) mula pa noong nagwowork pako. Isang beses na rin kaming nag-meet nang ibinigay ko sa kanya yung mga CD na binurn ko. Sa FEU kasi siya nag-aaral kung saan malapit lang samin.
Akala ko noon mananatili lang ang sarili ko sa pagbabasa at sa pagsusulat ng blog. Akalain ko ba namang may mga magiging KAiBIgAn din pala ako.




Wow naman. sobrang na-touch ako… oo nga. halos two years na rin kitang kilala. salamat sa pagiging friend at sa pagyayaya sa inom… na hindi naman ako nakakapunta. haha!
ingat ka lagi. dito lang ako. mwaah
- oo nga eh. ilang beses na kitang niyaya. hahaha! samantalang si YJ ngayon eh nagyaya hindi naman ako makapunta kasi walang popoy hehehe! ingat ka din pare… pagbutihin mo yang mga pinagkakaabalahan mo at alam kong malayung-malayo ang mararating mo. hehehe!
PAREHO SILANG GWAPINGS…..?
ahahahaha bolero!!!! may mas guguapings pa ba sayo?
salamat din sa pagbubukas mo ng pinto para sa akin…. tara na, inuman na hahahahaha.
- totoo naman. PAREHAS naman talaga kayong gwapings ah! kaw talaga nagpapa-humble ka pa. hehehe! salamat din sa buong magdamag na kasiyahan! nyahahaha!
ayy naku nameet ko rin yang si YJ
sabay ganun! ahaha joke lang yj
basta gimik kahit bumabagyo lalabas ng bahay yan…
- oo naman. hahaha!