h1

Tatlong Araw sa Binangonan…

Marso 22, 2009

Inimbita ang buong pamilya namin ng pamilya ni Tita Tessie sa Binangonan. Sama-samang birthday daw kasi nila doon kaya talagang paghahandaan.

FRIDAY: March 20, 2009

— Maaga pa lang eh nagsigising na kami para makapaghanda. 10:00 AM eh nagkita-kita na kami nina Mommy Naty at Rain-Rain sa tapat ng Isetann Recto. Sumakay kami ng Pasig kasama ko sina Mama, Ivan, Bryan, Mae at si Jong-Jong. Bumaba kami sa Crossing kung saan eh sumakay naman kami ng FX papunta na sa Binangonan. mahaba rin ang byahe. Bumaba kami sa Mercury Drug saka hinintay si Kuya Bojic. Sinundo kami ni Kuya Bojik ng van papunta na mismo sa bahay nila. Inabutan namin sa bahay sina Tita Tess, Tito Eseng at Ate Marie. Dumating na rin sina Michael at Pam na mga anak naman ni Kuya Bojik. Mga 4:00 PM naman eh sinundo na namin sina Ate Aida at mga anak niyang sina Cristine, Noel at Trisha – nanggaling pa sila sa Cavite. Sinundo na lang namin ng van sa Munisipyo ng Binangonan.

Nagkayayaan kaagad kaming mag-inuman nina Noel, Cristine, Ivan at Kuya Bojik. Pangalawang bote pa lang eh nagkayayaan naman kami mag-strolling. Nag-hiking pa kami sa parang bundok na matarik na daanan. Ang ganda ng sunset sa taas. Sementeryo yun at walang binatbat ang “alinmang” sementeryong overcrowded sa Manila.

Pag-uwi namin sa bahay nila eh itinuloy namin nina Noel at Cristine ang inuman. Uubusin lang sana namin yung natira kaninang Colt 45 kanina pero “ginanahan” ata kami kaya in the end ang “bonding session” namin na yun eh nakaubos kami ng isang case ng Colt 45.

SATURDAY: March 21, 2009

Maaga kaming nagising lahat. Pumunta kami sa isang Private Resort na nirentahan nina Tita Tess. Kasama na namin sina Ate Lei, Ate Maritess at Tanya. Dumating din doon sina Tita Ludy pati ang asawa at anak niyang babae (na pare-parehong hindi ko kilala). Nagluto si Kuya Rick… Andaming nilutong pagkain. Dabest yung Kare-Kare at Papaitan.

wala pa yung videoke kaya naman naisipan muna naming magswimming ng todo-todo… wala sana akong balak pero hinatak naman ako nina Noel at KuyaBojik. nang dumating yung videoke eh nag-inuman na kami munang dalawa ni Cristine dahil nga nagsi-swimming pa ang iba. hanep din naman pala sa inuman si Cristine.

dumating pa ang ibang kainuman namin na sina Kuya Bojik, Ate Maritess, Ate Marie, Ate Aida, Tanya, Kuya Rick, Noel, Ivan at yung anak na babae ni Tita Ludy (hindi ko talaga matandaan ang pangalan niya). 5:00PM eh nagsipag-uwian na kami. diretso tulog lalo na yung mga bangenge. napakasakit pa ng ulo ko dahil matapos ang Colt 45 eh Redhorse naman ang tinira namin.

SUNDAY: March 22, 2009

maaga na naman kaming nagsigising. akala namin mga 8:00 AM eh uwian na. pero HINDI. nagkayayaan na naman sila sa kung saan-saang lugar. masama na ang pakiramdam ko na parang mage-LBM na ako kaya nagpaiwan na lang ako sa bahay.. naiwan din pala sina Mae, Cristine, Rain, Michael, Jongjong, Tito Eseng at Ate Marie.

nagkuwentuhan na lang kami nina Rain, Cristine at Mae sa kuawrto ni Ate Marie (palipas-oras). pagdating ng mga nagsipag-alis eh hindi pa rin kami umuwi. nag-ihaw pa sila ng isda. kumain muna kami ng lunch at sa huli eh umuwi na nga kami. nakakalungkot kasi ang saya-saya talagamalamang matagalan pa bago maulit ang pangyayaring iyon.

5 mga puna

  1. ang saya…. sana sa susunod tayo naman magkasama sa inuman hehehehe….

    - oo ba. hehehe!


  2. rizal un right?

    - yup. binangonan rizal. y?


  3. Dilan, parang kilala mo si karakrus at akosimakoy noh? dati pa kasi ako nagbabasa ng mga blogs mo eh! hehehehe. o baka ……. hehehehehe….

    - oo kilala ko sila.


  4. wow, sarap diyan sa binangonan, madalas kami diyan dati, tapos punta kami sa talim island. mukhang 3 araw na bonding yan, kakamiss nga hehehe.

    - oo nga tatlong araw na bonding at inuman hehehe!


  5. sus.. nakahigh light nananam ang INUMAN AT COLT 45! HAHAHAHAH!

    - hehehe! :-)



Mag-iwan ng Puna