
Ninong Kong Lespu
Marso 5, 2009isang taon na rin ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita at nakasama. bestfriend siya ng tatay ko, inaanak niya ako sa binyag at inaanak naman ng tatay ko ang anak niya. PULIS siya at kagaya ng ibang pulis (hindi ko nilalahat) eh sobrang babaero siya, sa pagkakaalam ko. tatlo ang asawa niya, tanging yung original niyang asawa ang hindi ko pa nakikita maliban sa dalawa na ang isa nga eh ninang ang tawag ko.
hindi siya nakapunta noong mamatay ang tatay ko. pano ba naman na-stroke siya at hindi na makalakad. dinalaw-dalaw namin siya ng mga kapatid at ng mama ko sa bahay nila sa Alabang. sabi niya pa noon na mula daw noong dumalaw-dalaw kaming pamilya eh sobrang saya na daw niya. naaalala ko pa tuloy noong bata pa ako. lahat ng okasyon sa bahay nandun siya, kainuman ng tatay ko at ng iba pa nilang mga kumpare. madalas niya akong tinatawag at ikinakandong, madalas ko namang paglaruan ang BARIL niya. nagtataka pa ako noon kung bakit hindi ko mapindot ang gatilyo, nila-lock pala niya.
halos linggo-linggo kung pumunta kami sa kanila sa Alabang noong nagkasakit na siya, kasi noong buhay pa ang tatay ko eh siya ang kasama namin, noong mamatay naman siya eh mama ko na ang kasama namin. lagi-lagi kaming nag-iinuman. parang naaalala niya nga raw tuloy kapag ang tatay ko ang dumadalaw, inuman nang inuman mga manialac kasi sila mga maniac sa alak. nahinto lamang ang pagdalaw-dalaw namin noong dumating na ang pangatlo niyang asawa, nagagalit kasi ang original wife ni ninong kapag dumadalaw doon ang pangatlo – nakuha lamang kasi ng ninong ko sa beerhouse ang pangatlo. nagkataon naman na kakilala namin ito.
makalipas ang isang taon… magkikita na naman kami, sa kanyang HULING LAMAY. ngayon ang huling lamay niya, natuluyan na siya… andaming nasayang. akala ko nga noon okay na siya kasi medyo nakakatayo-tayo na siya at paminsang naglalakad nang me tungkod, akala ko tuluy-tuloy na ang pag-galing niya, sinabi niya pa nga noon na kapag okay na ang paglakad niya eh pupunta siya samin, bumili pa nga siya ng owner-type jeep. parang siya na kasi ang pangalawa naming ama. nawala pa.
ngayon ang huling lamay niya, ngayon din ang BIRTHDAY niya.
aw condolence.
- salamat.
i can’t even imagine kung ano ang pakiramdam ng namamatayan ng isang taong malapit sa kanya….
condolence…..
- hmmmn.
my condolences!
- … for his family.
kakalungkot naman…
- sinabi mo pa.