
December 6, 2008
Ikakasal na ang kaibigan naming si Anna kaya inimbita kami papunta sa bahay nila sa Pangasinan. medyo malayo yun pero experience pa rin kaya sumama na rin ako. Libre naman ang jeep na sasakyan kaya wala namang hassle. Sumakay muna kami ng bus papuntang Malinta dahil dun naman kami mi-neet ng iba pa naming kasama papuntang Pangasinan. Medyo tahimik kami sa jeep – ako ni hindi umiimik. Nakakahiya naman kasi, puro kamag-anak ata nila ang nandun kami lang itong mga kaibigan. 4PM kami dumating. Probinsiyang-probinsiya pero nakak-refresh ng pakiramdam. Saka namin nalaman na bading pala yung dalawang nasa harapan – mga kaibigan lang din pala sila ni Jonathan, kaya naman pala tahimik din sila. Nagka-bonding. Kumain at Nag-inuman. Hindi man ako marunong sumayaw, dahil sa kalasingan (sabi nila) eh nanghahatak na ako ng mga isasayaw at pasasayawin sa gitna.
December 7, 2008
Close na namin sina JR (Cheche) at Jon Jon (Rose/Junathan). nagkayayaan kaming maligo sa ilog na sa huli eh nalaman naming imburnal na pala – pero hindi naman siya mabaho. Hindi rin naman ganun kadumi. Kahit pa sinasabi ng mga tao na “nangunguha” nga ng mga “dayo” ang ilog/imburnal na yun. naligo kami sa poso malapit sa ilog/imburnal. Nagbihis kami saka sumali sa KASAL. Sosyalan ang kasal sa probinsiya, lahat imbitado. Pagkatapos ng kainan eh nag-inuman naman kami sa manggahan/kakahuyan. Nagpakalasing kami saka kami lumipat sa bakuran para sumali sa mga nagvivideoke. Nalasing na kami saka nagkayayaang “magpaiwan”. Nagkayayaan pa kaming pumunta sa perya, tutal naman eh INLOVE si Kuya Teng ke Jay-Ar eh siya na mismo ang naghatid samin sa peryahan na may kalayuan din talaga dahil me tricycle naman siya.
December 8, 2008
Sumama kami kina JR at Kuya Teng dahil ipinakilala na si JR sa mga kapamilya ni Kuya Teng (kaloka!) Malayo rin yung mga pinagpupupuntahan namin. Me mukang killer pa na sunod nang sunod samin sa palengke. Tumambay muna kami sa lugar ng mga kamag-anak ni Kuya Teng – Nakilala naman namin yung mga nagbabasketball sa court na malapit doon, nakipagbigayan ng number. Kinagabihan, pumunta kami sa Kubo-Kubo na pinanggalingan namin. Hindi na namin kasama si Kuya Teng dahil nag-away ata sila ni JR. Naglakad lang kami ng parang mula Quiapo hanggang Buendia (malayo talaga grabe) Nagkayayaan kasi kami nung mga basketbolista na mag-inuman. Nakilala namin sina Jomar, Erick, Joey, Japet atbp. Siguro mga lampas sampu sila doon. Iniwan na kami nina Anna doon. Nakipag-inuman kami. Gabi na kaya wala nang mabilan ng kung anu-ano especially ng SNOW (yelo). Hindi mineral ang tubig kaya dagdag lasa na parang buko. Nalasing din kami. Nag-enjoy sila sa company namin, doon na nga kami pinapatulog sa bahay nila sa malapit lang pero baka hanapin naman kami ni Nanay sa bahay. Nagpumilit naman silang ihatid kami kahit gaano pa raw kalayo ang bahay namin. Mapilit sila kaya pumayag na rin kami – kalagitnaan pa lang ng paglalakad eh nagtanong na si Jomar… “malayo pa ba?” na may halong hingal ang tunog. Kahit sinabi naming malayo pa eh hinatid pa rin nila kami. Pagdating sa bahay eh nagsipasok agad kami at pinauwi na namin sila.
December 9, 2008
Nagkayayaan ulit silang magsipunta sa perya pero hindi na ako sumama, nakakapagod din naman kasi ang napakalayong lalakarin namin. Nanood na lang ako ng Luna Mystica sa bahay. Sakto naman na nag-iinuman sina Nanay at Tatay kaya napatagay na rin ako. Mahaba-haba ang kuwentuhan namin nina Nanay at Tatay hanggang sa makatulog na nga si Tatay at nag-single na lang kami ni Nanay, grabe rin uminom si Nanay walang tatalo. Nang dumating nga sila galing perya eh lasing na kami. May kasama pa silang dalawang lalaki na sina Lenard at Peejay. Nakatulog na rin si Nanay at ako naman eh nakisali sa inuman nila sa labas ng bahay. Matagal-tagal rin at lumabas na naman ang HAROT ko kapag nalalasing.
December 10, 2008
Inayusan kami ni LIPO para naman daw bongga ang pagpunta namin sa perya. Kaso hindi naman sila pumayag na mag-inuman muna sa bahay kaya nahihiya na ako pagdating ng perya at naupo na lang sa tabi. Nandun pala si Kuya Teng. Nakita rin ulit namin sina Jomar. Umuwi rin kami kaagad. Sa bahay na lang kami nag-inuman, nagpicture-taking etc. Kapos sa tubig-inumin nung gabi kaya wala kaming chazer kundi KAPE! ayos naman pala lalo kung me HILAW na MANGGA at Bagoong na kasama ang Generoso. nagising pa kami sa ingay ng kahulan ng aso – me mga de-baril palang mga magnanakaw ng mga KAMBING at BAKA na nanghaharabas.
December 11, 2008
Maaga dapat kaming magsisisuwi ng Manila pero puro late na kaming nagising kaya naman si Kuya Uly na lang ang unang umuwi. nagpakasaya muna kami sa bahay, sinulit ang pagkakataon, nag-videoke pa nga kami sa sala nila. Nang 2PM na eh kumain na kami, naligo at nagsibihis. Saktong 4PM eh nagpaalam na kami sa lahat. Umuwi kami sa Manila – nakakalungkot.
(May Part 2)
