
Adrienne Riley Lee’s 1st Birthday
October 21, 2008
Adrienne Riley’s birthday is a SUCCESS!
Magsisimula dapat ang party ng 3:00 PM at Acacia Greenhills pero nilagay namin sa invitation na 2:30 PM ang start ng party. Halos hindi na nga kami nag-sleep ni Rose (Riley’s Mom), pero hindi yun dahil sa excitement. Kahit late na kaming natulog ng paputol-putol eh maaga pa rin kaming nagising.
After lunch, eh nagkuwentuhan muna kami sa house after we decided to take a bath na. 2:30 PM sakto eh nasa venue na kami. Naunahan pa pala kami nina Andrew (Riley’s Dad) at ng ilang bisita like Eve, Mr. Park, Mr. Yoo, Jun & Wife and Andrew’s friend. Bongga ang venue, sosyalan ituh! Nagpa-glitter tattoo kaagad kami nina Blanca and Rose. Saka unti-unting nagsulputan ang mga bisita. mga 3:30 PM na nag-start ang event kasi medyo natagalan ang mga bisita because of the rain. Lahat halos kami eh naka-glitter tattoo at karamihan eh sa face.
Nauna ang games, followed by KAINAN syempre. Masarap ang food lalo na yung Chicken Cordon Blue… DABEST! Nagkita-kita kami nina Ate Janet dun kasama yung mga dati niyang chikiting… well malalaki na sila ngayon, hindi na nga nagsisali sa games. Dumating din sina Manong Ely, tapos yung buong CLAN ng LEE! at clan ng OLAY. Everybody was happy that afternoon. After kainan eh pinalabas na yung dalawang MASCOT na sina Barney at si Baby Bop. Nakakatawa pang tingnan yung mga bisita dahil karamihan sa kanila ay naka-GREEN (Baby Bop’s Color) at naka-VIOLET naman yung iba (Barney’s Color). Umaatikabong Picture-Taking ang nangyari. Kabi-kabila ang mga digicams na nagfa-FLASH. Halos hindi mo na malaman kung san ka titingin. After nung PERFORMANCE ng mascots eh nagkaroon naman ng MAGIC SHOW which lasted for about an hour na sinundan naman ng BUBBLE SHOW. MALALAKI yung mga BUBBLES. It started with the SMALLEST BUBBLE at habang tumatagal eh PALAKI NANG PALAKI yung mga inilalabas na BUBBLES. Nakakatuwa rin lalo pa nang magkaroon ng picture-taking habang isa-isang binabalutan ng BIGGEST BUBBLES yung mga bisita, nagsimula sa mga bata… tapos hindi nakatiis yung mga isip-bata este ADULTS at naki-JOIN sa FUN. Nagpa-picture din yung ilang Mother-Daughter Tandems, Father-Son Tandems etc.
Natutulog na nga si Riley nang magca-candle blowing na, kaya ang SWEET couple na sina Rose at Andrew na lang ang nag-blow. Almost EVERYONE eh nakapansin sa SWEETNESS ng couple. Parang habang TUMATAGAL sila eh mas lalo pa silang nagiging SWEET sa isa’t-isa kaya hindi malabong magkaroon ng MGA KAPATID si RILEY. DABEST yung PARTY na yun sa kahit anumang party na napuntahan ko sa buong buhay ko. Marami rin kasi akong FRIENDS na nakita ko ulit doon – sayang din kasi hindi nakarating yung iba. Ayos na ayos sanang REUNION. Sana nga sa susunod eh kasama na sila. Kami ang huling-huling umalis sa VENUE, kasama na namin sina Andrew, Ate Weng, Rose, Jojo, Jessica, Ivan at Riley. Nagpicture-taking muna kami sa lahat ng sulok ng ACACIA bago tuluyang nagsiuwian.
sayang, wala kame ni Rock sa party nya..:( gusto pa nmn nya c Barney..hehe! hope to see you guys soon.. so musta nmn dilan?
- oo nga sayang nga eh. sana nakapunta ka. ako eto okay naman – la pa ring work pero okay lang din hehehe! sanay naman eh.
da best ba? haha! thanks nga pala huh? for coming kahit wla kang gift hehe.. more than that nman ang nabgay mo smen ni Adrienne.. un pag aalaga mo sa kanya.. sbi mo nga gnawa na kitang Manang.. hehehe.. oo nga pala un invitation IKAW nga pala ang gumawa pero syempre with touch of mine.. hahaha! sana next year meron ult.. haha!ngaun pa lang mag iipon na ako!
- sige lang ipagkalat mo pang wala akong REGALO. diba nga usapan naten KUNWARI ako yung nagbigay nung dalawa dun… kaasar ka. pero sabagay, talagang ginawa mokong YAYA ng anak mo nitong mga nakaraang araw ha! at PINAGHUGAS moko ng PINGGAN… pinagbubuhat sa napakabigat na RILEY sa mall etc. hmmp!