Archive for September 29th, 2008

h1

Family Reunion

September 29, 2008

September 21, 2008

Wala akong tulog pero maaga ang usapan namin ng mga relatives ko na magkikita-kita sa bahay ng tita ko para sabay-sabay na pumunta sa reunion namin sa side ng lola ko sa father ko. Mendoza kasi ang apelido ng lola ko sa pagkadalaga – so yung reunion na yun eh para sa lahat ng kapatid ng Lola Isiang ko at ang mga pamilyang nabuo mula sa kanila.

Kaming tatlo lang ng mama at sister ko ang pumunta. Nagkita-kita kami sa bahay ng Tita Naty ko. Dumating na rin doon ang pinsan kong si Ate Aida at anak niyang si Noel. Dumating din sina Kuya Bobot, Ate Myra at ang mga anak nila. Hinatid muna kami ni Kuya Bobot sa venue – sinusundan namin yung car niya ng van na sinasakyan namin. Nakakakaba magmaneho yung pamangkin kong si Noel dahil talagang matulin. 9:00 am pa lang nasa venue na kami sa Posadas Village sa Sucat. Kami ang naunang family na dumating. Matagal bago nagsidatingan yung mga kamag-anak pa namin sa Mendoza na puro hindi ko naman kilala maliban kina Kuya Onie, Tito Junior at Tita Solly. Yung mga dati kong pinsan me namumukhaan ako pero malabong magkaalalahanan pa kami ng mga pangalan. Siyempre me NAMEPLATE pero wala pa rin akong matandaan sa mga pangalan nila.

Dumating na rin sina Tita Tessie at buong pamilya niya na sina Kuya Bogic, Ate Lee, Pamela, Michael, Ate Tess, Tanya at Ate Marie – hindi nila kasama si Tito Eseng. Sa Side ng Muli eh kami lang ang dumating. Natatawa pa nga ako na kahit matagal na kaming hindi nagkikita ni kuya Onie eh nung nakaharap ko na siya nakainuman bigla ba namang sinabing “Naku talo tayo dito… malakas uminom tong si Roldan!” Pucha buuhin ba naman ang real name ko. Napakaraming nagsidatingan. Hindi rin ako masyadong nakakain kasi puro bawal naman sakin yung mga handa. Ang nakain ko lang eh lumpia at gulay. Bawal ang pork, tahong, hipon, etc. Ang kukulit din naman namin ng mga pinsan ko. Naginuman muna kami pero nang biglang sinabing magpapakilala na at magpoprogram na eh umiskiyerda muna kami nina Noel at si Kuya Gie. Pumunta kami sa Manila Memorial Park sa di-kalayuan dahil me pinuntahang pamiya doon si Kuya Gie. Kulitan pa rin sa van. Sayang kasi nakakatitigan ko na yung mga kaedaran kong pinsan at pamangkin ko sa Mendoza pero nagkakahiyaan naman kami.

Pagbalik namin eh muntik pa kaming pakantahin sa gitna. Nag-inuman na lang kami ulit. Bitin kasi hindi naman mga tomador yung mga pinsan ko, puro San Mig Lights pa yung inumin kaya walang katama-tama. Kinailangan pa naming bumili ng Red Horse namin. Kakanta na sana kami ng bonggang-bongga bigla namang nag-awarding at meeting de avance kaya naudlot hanggang sa nagpasiya na lang kaming umuwi. Nakatulog nako ng tuluyan sa van at nang magising ako eh nasa bahay na ulit kami ni Tita Naty. Hinatid muna namin sina Tita Naty, Rain at yung dalawang bulinggit saka kami lumarga para kami naman ang ibaba samin. Sinalubong kami ng tatlong kapatid ko kasi sabi ko magbuhat sila ng dala namin. Dahil bitin na nga ako sa kain at sa tulog. Kumain muna ako sa bahay ng napakarami saka ako natulog. Sa susunod na Reunion sa Lucena naman daw – at sa tingin ko sa panahon na yun handa na akong umeksena.

h1

Private VS Public

September 29, 2008

September 22, 2008

Matapos kumain ng lunch, dumating si Ate Rose (Mama ni Wheng) kasama ang pinsan ni Wheng na si Bunso. Masakit na masakit na ang balakang ni Wheng na kababata/kaibigan ko. Wala ang mister niyang si Arbie kaya kami na magdadala sa kanya sa lying-in na itinuturo ng ate ko. Ayaw na raw kasi siyang tanggapin sa LANUZA LYING-IN (matataray at maeepal daw ang mga extra dun) porke ba pag-aari ng gobyerno ang lying-in na yun, matapos siyang magpacheck-up doon mula pa noong umpisa ng pagbubutis niya, bigla na lang daw siyang sinabihang “Misis, huling punta mo na yan dito… hindi ka namin tatanggapin dito, maghanap ka na lang ng ibang panganganakan niyang anak mo, masyadong malaki yang tiyan mo, hindi ka na namin tatanggapin dito kaya wag ka nang babalik dito!” ng isang epal doon na nag-aasikaso sa mga nanganganak doon. UNFAIR diba? Bat ngayon lang sinabi kung kelan malapit na malapit na siyang manganak diba?

Wala kaming masakyang TAXI dahil ayaw naman kaming pasakayin ng mga TARANTADONG TAXI DRIVERS! Natatakot sigurong madumihan ang mga upuan ng TAXI nilang puro BULOK naman! Wala kaming nagawa kundi maglakad pa ng malayu-layo para sumakay na lamang ng Jeep. Halatang hirap na hirap na si Wheng kaya kinakabahan na rin ako. Pagbaba ng Dimasalang Bridge hinanap pa namin yung Tiyago St. Buti na lang at nakita naming kaagad. Nasa bungad lang ang BLESSED MOTHER LYING-IN. Kinabahan pa ako nang sinabing hindi sila tumatanggap ng manganganak na hindi naman nagpapacheck-up doon. Dahil nga malaki ang tiyan ni Wheng, iniisip nilang baka ma-Caesarian – ang tanging problema, ang pinakamalapit na hospital sa kanila in case na ma-CS nga eh sa ST. JUDE, eh dahil private yun lampas Php 30,000.00 ang babayaran. Sabe naman ni Wheng eh kakayanin niya ng NORMAL DELIVERY kaya chineck-up muna siya ng mga midwife doon. Mababait naman yung mga midwife… Inasikaso siya ng todo. Hanggang sa nakapanganak na nga siya. Php 7,000.00 plus ang bill – pero okay naman dahil MABABAIT ang mga midwife, aircon ang kuwarto, wala nang bayad kahit magtagal ka, libre pagkain etc, libre kwento pa mula dun sa baklang nandun. Hindi gaya sa LANUZA na itinuring na para sa MAHIRAP eh MAEEPAL at MASUSUNGIT naman yung mga nag-aasikaso… at madumi pa ang surroundings.