h1

Trip 2 Bulacan!

September 18, 2008

Niyaya ako ng tropa kong si Herson na pumunta sa bahay nila sa may Sta. Maria, Bulacan. Balak sana naming goyoin si Mar na kunwari mag-iinuman lang kami sa Recto pero yun pala eh sasakay na kami ng bus papuntang Bulacan. Hindi kami nagtagumpay dahil ayaw talaga ni Mar sumama, dahil napakarami pa niyang aasikasuhin. We decided na lang na uminom sa In or Out sa Avenida. Ayos naman kahit hindi mapakali si Mar dahil wala ngang signal sa loob ng Bar.

Umorder kagad ng ilang bote ng Redhorse para samin ni Herson at ilang bote naman ng San Miguel kay Mar. Umorder din si Mar ng Pritong Mani, Kaldereta at Kinilaw na Kambing. Ayos na sana kaso masyado atang nagtitipid ang Bar dahil kapiranggot lang yung tagiisang order ng pulutan na inorder namin. Maaga pa… 3:00PM para uminom kaya kakaunti lamang ang tao sa Bar. Habang tumatagal eh nagdadatingan na rin naman ang mga kostumer. Hindi kami nagtipid sa pagkanta kahit 10.00 per song eh tutal si Mar naman ang magbabayad tsaka kami daw bahala sa gusto namin.

Napagkasunduan pa rin namin ni Herson na pumunta ng Bulacan kahit kaming dalawa na lang. Sumakay kami ng Santrans biyaheng MUZON sa Avenida. Nakatulog ako sa bus at paggising ko eh nasa Muzon na kami. Sumakay pa kami ng Jeep papuntang San Vicente Subdivision kung saan sila nakatira. Madilim na kaya naglakad na lang kami papunta sa bahay nila pagbaba namin sa Gate ng San Vicente. Naabutan namin doon ang kuya ni Herson na si Morris at ang asawa nitong si Flor. Nandun din ang aso nilang si Sazu. Bangenge pa rin kami. Namasyal muna kami sa court at sa plaza. Pag-uwi namin eh nagyaya nang uminom si Morris. Kahit lasing pako sa Redhorse eh pinaunlakan ko sila nang magbukas ng long neck na Generoso. Nabigla ata ako kaya hindi matapus-tapos ang sinok ko. Hindi ako namula sa Redhorse pero sa Generoso namula ako ng todo-todo. Parang naninikip na nga ang dibdib ko (pero hindi yung naninikip na mamamatay) Tumigil na kami sa pag-inom at naligo na lang. Sus nawala rin ang pamumula ko pero yung sinok hindi talaga nawala.

Maraming bawang sa bawat sulok ng bahay nila, kahit sa banyo, kusina, wind chime, palaspas, basta kahit saan – kasi buntis nga naman si Flor. Kinabukasan, maaga kaming nagising at naglibut-libot na naman. Lumabas pa kami ng Subdivision para mag-picturan. Ampangit ng suot namin tsaka di pa kami naliligo kaya naisip naming umuwi para maligo muna at magbihis, pagkatapos ko pa ngang maligo eh pinagtatahulan at kamuntik pakong makagat ng aso nilang si Sazu dahil nag-iba ang itsura at amoy ko, saka kami lumabas ulit at nag-picturan. Mahilig kasi sa picturan yung tropa ko. Umuwi kami saka nagkayayaan ulit mag-inumanng Generoso habang nanunuod ng TV. In fairness banas na banas kami sa sama ng ugali ni MARLON sa Survivor Philippines. Yung mataba doon na gustong maghari. Pagkatapos mag-inuman nagyaya na naman si Herson na pumunta sa court – inabot kami ng 2:00 ng madaling-araw doon. Pag-uwi namin bagsak kami.

Pagkagising namin kinabukasan – nag-almusal lang saka kami umalis ni Morris. Hinatid niya lang ako hanggang sa Muzon ng motor niya dahil doon na ako sumakay ulit ng bus pauwing Manila.

One comment

  1. Never pa akong napunta sa Bulacan. O hindi ko lang siguro maalala. Nakakatuwa naman ang trip mo.

    Nakakamiss uminom. Though hindi naman ako sobrang mainom. Kaya lang uminom. Haha. Sayang yung dapat nating session.

    Anyway, nakakainis nga si Marlon. Marami akong naririnig tungkol sa kanya. Nakakabanas talaga.

    Akala ko naman may nangyari pang iba. Haha.

    Yan. Nakaka-miss talaga blog mo. Good thing I’m back. See ya.

    - ngayong nagbalik kana. sana naman eh hindi ka na magpalit. yan na forever. at oo talagang nakakaasar si Marlon no?



Leave a Comment