Imbakan para sa Setyembre, 2008

h1

Family Reunion

Setyembre 29, 2008

September 21, 2008

Wala akong tulog pero maaga ang usapan namin ng mga relatives ko na magkikita-kita sa bahay ng tita ko para sabay-sabay na pumunta sa reunion namin sa side ng lola ko sa father ko. Mendoza kasi ang apelido ng lola ko sa pagkadalaga – so yung reunion na yun eh para sa lahat ng kapatid ng Lola Isiang ko at ang mga pamilyang nabuo mula sa kanila.

Kaming tatlo lang ng mama at sister ko ang pumunta. Nagkita-kita kami sa bahay ng Tita Naty ko. Dumating na rin doon ang pinsan kong si Ate Aida at anak niyang si Noel. Dumating din sina Kuya Bobot, Ate Myra at ang mga anak nila. Hinatid muna kami ni Kuya Bobot sa venue – sinusundan namin yung car niya ng van na sinasakyan namin. Nakakakaba magmaneho yung pamangkin kong si Noel dahil talagang matulin. 9:00 am pa lang nasa venue na kami sa Posadas Village sa Sucat. Kami ang naunang family na dumating. Matagal bago nagsidatingan yung mga kamag-anak pa namin sa Mendoza na puro hindi ko naman kilala maliban kina Kuya Onie, Tito Junior at Tita Solly. Yung mga dati kong pinsan me namumukhaan ako pero malabong magkaalalahanan pa kami ng mga pangalan. Siyempre me NAMEPLATE pero wala pa rin akong matandaan sa mga pangalan nila.

Dumating na rin sina Tita Tessie at buong pamilya niya na sina Kuya Bogic, Ate Lee, Pamela, Michael, Ate Tess, Tanya at Ate Marie – hindi nila kasama si Tito Eseng. Sa Side ng Muli eh kami lang ang dumating. Natatawa pa nga ako na kahit matagal na kaming hindi nagkikita ni kuya Onie eh nung nakaharap ko na siya nakainuman bigla ba namang sinabing “Naku talo tayo dito… malakas uminom tong si Roldan!” Pucha buuhin ba naman ang real name ko. Napakaraming nagsidatingan. Hindi rin ako masyadong nakakain kasi puro bawal naman sakin yung mga handa. Ang nakain ko lang eh lumpia at gulay. Bawal ang pork, tahong, hipon, etc. Ang kukulit din naman namin ng mga pinsan ko. Naginuman muna kami pero nang biglang sinabing magpapakilala na at magpoprogram na eh umiskiyerda muna kami nina Noel at si Kuya Gie. Pumunta kami sa Manila Memorial Park sa di-kalayuan dahil me pinuntahang pamiya doon si Kuya Gie. Kulitan pa rin sa van. Sayang kasi nakakatitigan ko na yung mga kaedaran kong pinsan at pamangkin ko sa Mendoza pero nagkakahiyaan naman kami.

Pagbalik namin eh muntik pa kaming pakantahin sa gitna. Nag-inuman na lang kami ulit. Bitin kasi hindi naman mga tomador yung mga pinsan ko, puro San Mig Lights pa yung inumin kaya walang katama-tama. Kinailangan pa naming bumili ng Red Horse namin. Kakanta na sana kami ng bonggang-bongga bigla namang nag-awarding at meeting de avance kaya naudlot hanggang sa nagpasiya na lang kaming umuwi. Nakatulog nako ng tuluyan sa van at nang magising ako eh nasa bahay na ulit kami ni Tita Naty. Hinatid muna namin sina Tita Naty, Rain at yung dalawang bulinggit saka kami lumarga para kami naman ang ibaba samin. Sinalubong kami ng tatlong kapatid ko kasi sabi ko magbuhat sila ng dala namin. Dahil bitin na nga ako sa kain at sa tulog. Kumain muna ako sa bahay ng napakarami saka ako natulog. Sa susunod na Reunion sa Lucena naman daw – at sa tingin ko sa panahon na yun handa na akong umeksena.

h1

Private VS Public

Setyembre 29, 2008

September 22, 2008

Matapos kumain ng lunch, dumating si Ate Rose (Mama ni Wheng) kasama ang pinsan ni Wheng na si Bunso. Masakit na masakit na ang balakang ni Wheng na kababata/kaibigan ko. Wala ang mister niyang si Arbie kaya kami na magdadala sa kanya sa lying-in na itinuturo ng ate ko. Ayaw na raw kasi siyang tanggapin sa LANUZA LYING-IN (matataray at maeepal daw ang mga extra dun) porke ba pag-aari ng gobyerno ang lying-in na yun, matapos siyang magpacheck-up doon mula pa noong umpisa ng pagbubutis niya, bigla na lang daw siyang sinabihang “Misis, huling punta mo na yan dito… hindi ka namin tatanggapin dito, maghanap ka na lang ng ibang panganganakan niyang anak mo, masyadong malaki yang tiyan mo, hindi ka na namin tatanggapin dito kaya wag ka nang babalik dito!” ng isang epal doon na nag-aasikaso sa mga nanganganak doon. UNFAIR diba? Bat ngayon lang sinabi kung kelan malapit na malapit na siyang manganak diba?

Wala kaming masakyang TAXI dahil ayaw naman kaming pasakayin ng mga TARANTADONG TAXI DRIVERS! Natatakot sigurong madumihan ang mga upuan ng TAXI nilang puro BULOK naman! Wala kaming nagawa kundi maglakad pa ng malayu-layo para sumakay na lamang ng Jeep. Halatang hirap na hirap na si Wheng kaya kinakabahan na rin ako. Pagbaba ng Dimasalang Bridge hinanap pa namin yung Tiyago St. Buti na lang at nakita naming kaagad. Nasa bungad lang ang BLESSED MOTHER LYING-IN. Kinabahan pa ako nang sinabing hindi sila tumatanggap ng manganganak na hindi naman nagpapacheck-up doon. Dahil nga malaki ang tiyan ni Wheng, iniisip nilang baka ma-Caesarian – ang tanging problema, ang pinakamalapit na hospital sa kanila in case na ma-CS nga eh sa ST. JUDE, eh dahil private yun lampas Php 30,000.00 ang babayaran. Sabe naman ni Wheng eh kakayanin niya ng NORMAL DELIVERY kaya chineck-up muna siya ng mga midwife doon. Mababait naman yung mga midwife… Inasikaso siya ng todo. Hanggang sa nakapanganak na nga siya. Php 7,000.00 plus ang bill – pero okay naman dahil MABABAIT ang mga midwife, aircon ang kuwarto, wala nang bayad kahit magtagal ka, libre pagkain etc, libre kwento pa mula dun sa baklang nandun. Hindi gaya sa LANUZA na itinuring na para sa MAHIRAP eh MAEEPAL at MASUSUNGIT naman yung mga nag-aasikaso… at madumi pa ang surroundings.

h1

Trip 2 Bulacan!

Setyembre 18, 2008

Niyaya ako ng tropa kong si Herson na pumunta sa bahay nila sa may Sta. Maria, Bulacan. Balak sana naming goyoin si Mar na kunwari mag-iinuman lang kami sa Recto pero yun pala eh sasakay na kami ng bus papuntang Bulacan. Hindi kami nagtagumpay dahil ayaw talaga ni Mar sumama, dahil napakarami pa niyang aasikasuhin. We decided na lang na uminom sa In or Out sa Avenida. Ayos naman kahit hindi mapakali si Mar dahil wala ngang signal sa loob ng Bar.

Umorder kagad ng ilang bote ng Redhorse para samin ni Herson at ilang bote naman ng San Miguel kay Mar. Umorder din si Mar ng Pritong Mani, Kaldereta at Kinilaw na Kambing. Ayos na sana kaso masyado atang nagtitipid ang Bar dahil kapiranggot lang yung tagiisang order ng pulutan na inorder namin. Maaga pa… 3:00PM para uminom kaya kakaunti lamang ang tao sa Bar. Habang tumatagal eh nagdadatingan na rin naman ang mga kostumer. Hindi kami nagtipid sa pagkanta kahit 10.00 per song eh tutal si Mar naman ang magbabayad tsaka kami daw bahala sa gusto namin.

Napagkasunduan pa rin namin ni Herson na pumunta ng Bulacan kahit kaming dalawa na lang. Sumakay kami ng Santrans biyaheng MUZON sa Avenida. Nakatulog ako sa bus at paggising ko eh nasa Muzon na kami. Sumakay pa kami ng Jeep papuntang San Vicente Subdivision kung saan sila nakatira. Madilim na kaya naglakad na lang kami papunta sa bahay nila pagbaba namin sa Gate ng San Vicente. Naabutan namin doon ang kuya ni Herson na si Morris at ang asawa nitong si Flor. Nandun din ang aso nilang si Sazu. Bangenge pa rin kami. Namasyal muna kami sa court at sa plaza. Pag-uwi namin eh nagyaya nang uminom si Morris. Kahit lasing pako sa Redhorse eh pinaunlakan ko sila nang magbukas ng long neck na Generoso. Nabigla ata ako kaya hindi matapus-tapos ang sinok ko. Hindi ako namula sa Redhorse pero sa Generoso namula ako ng todo-todo. Parang naninikip na nga ang dibdib ko (pero hindi yung naninikip na mamamatay) Tumigil na kami sa pag-inom at naligo na lang. Sus nawala rin ang pamumula ko pero yung sinok hindi talaga nawala.

Maraming bawang sa bawat sulok ng bahay nila, kahit sa banyo, kusina, wind chime, palaspas, basta kahit saan – kasi buntis nga naman si Flor. Kinabukasan, maaga kaming nagising at naglibut-libot na naman. Lumabas pa kami ng Subdivision para mag-picturan. Ampangit ng suot namin tsaka di pa kami naliligo kaya naisip naming umuwi para maligo muna at magbihis, pagkatapos ko pa ngang maligo eh pinagtatahulan at kamuntik pakong makagat ng aso nilang si Sazu dahil nag-iba ang itsura at amoy ko, saka kami lumabas ulit at nag-picturan. Mahilig kasi sa picturan yung tropa ko. Umuwi kami saka nagkayayaan ulit mag-inumanng Generoso habang nanunuod ng TV. In fairness banas na banas kami sa sama ng ugali ni MARLON sa Survivor Philippines. Yung mataba doon na gustong maghari. Pagkatapos mag-inuman nagyaya na naman si Herson na pumunta sa court – inabot kami ng 2:00 ng madaling-araw doon. Pag-uwi namin bagsak kami.

Pagkagising namin kinabukasan – nag-almusal lang saka kami umalis ni Morris. Hinatid niya lang ako hanggang sa Muzon ng motor niya dahil doon na ako sumakay ulit ng bus pauwing Manila.

h1

Kung Nag-Aral Lang Ako…

Setyembre 11, 2008

Pumunta ako ng Makati para puntahan ang Initial Interview ko sa inaplayan kong company doon. Pagdating ko doon, agency pala ang pinuntahan ko. Ayos naman ang lahat. Mababait ang staff. malinis, maayos at malamig ang opisina. Nagulat pa ang interviewer kong si Ms. Nea dahil magaganda ang mga nakaraang trabaho ko at matataas din ang sweldo – kumpara sa inaaplayan kong minimum lang ang matatanggap ko at mahirap talaga ang trabaho. Hindi naman ako nagsinungaling o gumawa ng mga kuwento-kuwento, sinabi ko ang lahat ng totoo. Maayos na maayos ang lahat, asikasong-asikaso ang mga aplikanteng gaya ko. Matapos ang exam at interview, binigyan na ako ng Endorsement.

Maaga akong nagising kinabukasan. Puyat ako pero ayos lang naman. Wala nang kain-kani, dumiretso na ako sa lakad ko. Nang nasa jeep na ako, saka ko nalamang napakalayo pala ng pupuntahan ko. Isang sakay lang pero napakalayo pa rin. Bumaba ako ng Pasig Rotonda saka sumakay naman ng tricycle doon. Malayu-layo pa rin ang binyahe ng tricycle. Pagdating ko sa HR, nakaupo na ang lahat ng mga nakasabay ko kahapon sa agency. Doon medyo nagkakabiruan at nagkakausap-usap na rin kami. Hindi na kami nagpakilala sa isa’t-isa. Noong una, natatarayan ako sa ladyguard. Mula 9:00am eh naghintay kaming apat doon, dumaan ang ilang oras dumami ang mga aplikanteng sasabak sa Final Interview. Iba-ibang posisyon naman ang inaaplayan namin. Dalawa lamang kami ng katabi kong, ewan kung bakit nakikipag-usap naman siya sa iba samantalang ako na kasabay niya pang nag-exam at na-interview kahapon eh ni hindi niya matapunan nang tingin, katabi ko na siya non ha.

Ilang beses kong narinig na nag-ring ang bell. Ilang beses ko ring nakitang lumabas at pumasok ang ilang empleyado doon. Kanina pa lang sa tricycle – parang ayoko na talagang ituloy – pano ba naman, Php 28.oo na sa jeep tapos Php 30.oo pa sa tricycle – lumalabas na Php 116.oo ang balikan. Hindi kakayanin lalo pa at minimum wage na Php 382.oo lang ang kikitain ko sa isang araw. Magkano na lamang ang matitira sakin. Nagpasya na akong umuwi. Nang kunin ko ang NBI Clearance ko sa ladyguard. Mukha na siyang mabait at sinabing maaari naman daw akong bumalik kinabukasan dahil nga busy lang daw talaga ang mag-iinterview samin. Nginitian ko na lamang siya.

Mas mainit at mas traffic ang byahe ko pauwi. Mag-aalas-dose na kasi. Marami akong nakasakay na mga estudyante. Bumaba ako sa bandang San Sebastian, kung saan, mas lalong dumami ang nakasabayan kong estudyante sa paglalakad. Nadaanan ko rin ang UE, AMA at STI at ilan pang paaralan – nasa University Belt na kasi ako. Nalungkot ako. Kung pinagbuti ko lang sana ang pag-aaral noon at nagsumikap pa para magkolehiyo – hindi sana ako nahihirapan, hindi sana ako magkakaganito. Nainggit ako sa mga estudyante, kung sinipagan ko pa sana at nagkolehiyo sana ako e di dapat sana nasa opisina ako nagtatrabaho – o di kaya ay nasa ibang bansa na ako. Talagang nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko na maibabalik pa ang mga panahong sinayang ko. Kung maibabalik ko pa sana ang panahon.

h1

Authograph.

Setyembre 2, 2008

Katatapos ko lang sagutan yung AUTOGRAPH ni Julia. Natatawa ako kasi nasagutan ko na yun – ako pa nga ang nauna, naisip ko lang na sagutan ko yun ng seryoso dahil parang hindi ko masyadong pinag-isipan yung mga pinagsasasagot ko dun last time. Nakakatawa pero may mga tanong pa rin doon na talaga namang nahirapan akong sagutan. Gusto ko kasi isagot ko yung TOTOO na talaga.

Eto yung mga tanong na nahirapan akong sagutan:

1. BEST FRIEND: JORDAN S. MOLANO
sa totoo lang hindi ko alam kung tama ba talaga ang isinagot ko. Hindi ko naman mailagay yung ibang taong naging malapit sakin kasi nga BEST na ang usapan kaya talagang yung pinaka-naramdaman kong MATALIK kong KAIBIGAN ang nilagay ko. siguro kaya lang nagdalawang-isip ako sa sagot ko eh dahil WALA na siya ngayon. marami rin naman akong naging BESTFRIENDS mula pa noon pero parang hindi sila yung PINAKA!

2. DEFINE LOVE: LOVE IS BEING HAPPY AND GETTING HURT A LOT!
una ilalagay ko sana “Love is the Center of our solar system” kaso masyadong corny kaya kung ano yung tingin kong ibig sabihin ng pagmamahal eh yun na ang nilagay ko. totoo naman diba? mas madalas na nakakasakit ang LOVE.

3. WHO IS YOUR CRUSH: SO HIGHSCHOOL DUH!
eh sa wala na talaga akong mailagay. parang sa tingin ko nga eh hindi ko na rin alam ang ibig sabihin ng salitang CRUSH. para sakin CRUSH is not really PAGHANGA. kasi sakin pag nagustuhan ko yung isang tao – LOVE yun at hindi paghanga no?

4. WHO WAS YOUR FIRST LOVE: ANGEL #24
codename lang ang nilagay ko. bakit kamo? wala lang… gusto ko maging misteryosa siya sa sinumang makakabasa nung AUTOGRAPH na yun. pero PROMISE siya yung minahal ko talaga ng todo. binase ko yun sa kung sino ang pinakamatagal na nakalimutan ko. yung as in hindi ko talaga makalimutan yung damdamin ko sa kanya.

Samantala, meron namang mga part dun na nasagutan ko kaagad. yun bang hindi na kailangan pang isipin – sagot na lang kagad. gaya ng DESCRIBE YOUR LOVED ONE, HAPPIEST MOMENT, UNFORGETTABLE PLACE & DATE, WHAT ATTRACTED YOU MOST at WHO WAS YOUR FIRST KISS.

Panandalian akong kinilig at nasiyahan. Pero in the end, medyo nalungkot ako. Hindi na pala ako bata. Tingin ko yun na rin ang HULING SAGOT ko ng AUTOGRAPH. Panghayskul lang kasi yun eh. At wala na akong balak na bumalik pa sa hayskul.