Archive for May, 2008

h1

Tama na Muna!

May 8, 2008

Nakakapagod na. Hindi ko na yata kayang masaktan magmahal pang muli. Natatakot na kasi akong magmahal masaktan o iwan. Hindi ko alam pero badtrip talagang magmahal… para sakin. Oo na! Abnoy Duwag na ko, sabihin niyo na anuman ang gusto niyong sabihin.

Darating din naman siguro ang kupal na taong kakabayuhin mamahalin ko at kakabayuhin mamahalin ako in return. Siguro hindi pa yun tama ngayon. Sa ngayon - mananatili ako sa mga sinabi ko, sa mga ipinangako ko sa sarili ko. Baby Bata pa naman ako at hindi ko kinakailangang maging mapusok magmadali. Kung magmamahal ako… Gusto ko yun na yun. Kinakailangan kong pigilan ang sarili ko sa anumang bagay na maaari kong pagsisihan sa huli. Kinakailangan kong umiwas sa tukso. Kinakailangan kong maging matatag sa mga desisyon ko.

Marami naman akong kaaway kaibigan, siguro kinakailangan kong makuntento paminsan-minsan. Hindi ako magtetake advantage sa anumang nakahain sa harapan ko. Para sakin, mas ayos masarap kapag pinaghihirapan ang mga bagay-bagay sa buhay. Tinapos ko na ang isang katarantaduhan napakatagal na relasyon samahan… relasyong samahang sa simula pa lang eh alam ko namang walang future patutunguhan. KABALIWAN! isang malaking KAHIBANGAN! Alam ko naman yun eh. Pero pikit-mata akong naging malibog masaya sa bawat sandali. Pero minsan kinakailangan talagang tantanan tuldukan ang isang KAABNORMALAN ng damdamin. Pwede pa naman kaming maging sex partners magkaibigan, tama na yun, bakit ba kinakailangan pang palalain ang sitwasyon?

Paksiyet na buhay talaga to o! Pero alam ko, tamang landas na ang tinatahak ko sa ngayon. Wala na lang sanang eepal kokontra. Ayokong pinag-uusapan ako, ayokong pinag-iisipan ako ng masama o kaya tinitira ng patalikod, higit sa lahat, ayokong napapahiya. Kung wala ka na rin lang tiwala sakin, mas mabuti pang wag mo na lang akong pansinin kausapin, bakit pa? Kaibigan ka bang talaga kung ganun? Basta ako, wala akong ginagawang hokus-pokus masama - wag mo kong itulak sa bangin ng pagkakamali. Tama na yung ganito. Iiwasan ko na lang siguro. Ibabaling ko na lang siguro ang atensiyon ko sa ibang bagay. May minamahal ako sa ngayon, pero hindi ako nagmamadali. Tama na yung ganito na lang muna.