h1

Bakit Kailangang Bumalik?

April 2, 2008
dabest.gif

Nananahimik ako, nakikinig sa mga sinasabi ng kaibigan kong si Tong… nang sa isang iglap ay tila ba hinatak ang aking paningin ng isang tanawin… Tinatawag ako ng isang tao, isang taong nagpabago sa takbo ng buhay ko. Isang taong ang akala ko ay nakalimutan ko na nang lubusan… Hindi pa pala. Kumakaway siya, tinatawag niya ako, tila nangungusap at nagmamakaawa ang kanyang mga mata, ibinubuka ang bibig at tila ba sinasabing “Halika…!”, Ngunit muli, pinigilan ko ang aking sarili. Umiling ako at yumuko, para lamang sabihing “Ayoko na! Umalis ka na!”

Anak nang Pusang Kinalbo naman oh! Syet! Napanaginipan ko na naman ang dating taong minahal ko nang lubusan, ang taong nagpabago ng buo kong pagkatao at nagpaiba ng takbo ng aking pamumuhay. Taenang buhay to! Bakit niya ako tinatawag sa panaginip ko? Bakit siya nagbalik? Bakit siya nagpakita?

Lampas sambuwan na ang nakakaraan, nagpaalam ako sa kanya, “Tama na! Tapos na tayo, nakakapagod kang mahalin!” kasabay ng dahan-dahang paglayo sa kanya. Hindi na siya nagparamdam pagkatapos ng tagpong iyon. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya sa ginawa ko, sapagkat hindi ko siya tinitingnan habang sinasabi ko ang mga nasambit na kataga, para san pa? para mapigilan ako sa aking pamamaalam? Ungas! Bwahahahaha! alam kong ako na ang nagwagi, hindi ako nasaktan, hindi ko siya hinintay na magbalik, nagpakasaya ako sa buhay ko.. Hindi ko na siya naalala pa. Hanggang sa kagabi nga na napanaginipan ko siya!

Tingin ko tama na talaga! Tingin ko tapos na! Tingin ko… ayoko na talaga, nagtataka lang siguro ako na tila ata nagbabalik siya! At nagpaparamdam kahit sa panaginip ko pa. Nakakapagod kasi. Nakakabadtrip kadalasan. Sa loob ng pitong-taong pagsasama, napagod na ako. Ayoko na talaga. Wag na lang sana siyang bumalik! Kahit sa panaginip, tatanggihan ko siya nang paulit-ulit! Paulit-ulit! Sa tingin ko…

Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Anong ka-emohan ito?

8 comments

  1. emo!!!! hehe.. grabe ang tagal ninyo ah.. 7 years, di madaling kalimutan yan..

    ^^^PRINSIPE DILAN: unang komento… hehehe! 5 minutes ko pa lang napopost ah! hehehe! oo nahirapan ako… paminsan-minsan nagbabalik ang multo..


  2. emo hay! emo!


  3. nakakainis ang ganyan, gusto mo na manahimik, nagpaalam na at iniwasan, ngunit sa panaginip ginugulo ka pa rin!

    tama na rin ang ke-emohan hahaha


  4. pero kung ganun talaga, pwede namang mangyari. hehehe. go emo.


  5. napadaan….


  6. huwaw! seven years! lufet!

    siguro buntis siya, at ayaw panagutan ng ama, kaya bumabalik sayo. haha! joke lang! ^_^


  7. wow pitong taon na relasyon, hindi nga madaling kalimutan. sa tingin ko naaalala ka niya kaya kahit sa panaginip lang nagparamdam pa din.


  8. emo week kasi kaya ganun (???!!!)


Leave a Comment