
Bombahin Mo Pa Tong!
March 29, 2008 
Wala akong magawa… Badtrip sa buhay - Bored talaga sobra! “Tong, inuman tayo… tayong dalawa lang, TRIP mo?” ang text ko kay Tong, ang Bayaning Bumbero.
Nung kailan na naka-inuman at nakakuwentuhan namin siya ng mga kabarkada ko… nagising ako sa isang katotohanan, katotohanang ngayon ko lang talaga napagtanto. Bakit hini natin napapansin ang mga bumbero samantalang sila naman talaga ang mas maituturing na mga bayani, sa ibang bansa mas malaki ang sweldo ng mga bumbero, at mas bayani ang tingin sa kanila kaysa mga kotong cops.
Sila na nagbubuwis ng buhay para sa mga kababayang nangangailangan, nang walang hinahangad na kapalit na anupaman. Ngayon ko lang din nalaman, akala ko kasi noong una na full-time Firefighter siya, na FREE pala talaga ang serbisyo nila. Saludo ako sa mga TUNAY na BAYANI!
Naitanong ko tuloy, “masarap bang maging bumbero, hindi ba nakakapagod yun tapos wala ka namang seswelduhin?”… “noong una kaya ako nag-apply sa pagkabumbero dahil akala ko may sweldo, pero wala pala. Huli na nang malaman ko, pero nung nagdu-duty na ako… ayos pala, masarap makakita ng mga taong nakaka-survive sa mga ganitong sakuna na isa ka mismo sa mga nagliligtas, Adventure ang bawat lakad… kahit saan ang sunog, kahit saan pa ang base ng bumbero - pag nalamang me sunog, sugod nang sugod!” ang mahaba at seryoso niyang naiwika, habang matama naman namin siyang pinakikinggan.
Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa opisina, matapos ang office hours at kaya niya pang mag-duty bilang bumbero, nagdu-duty siya, pero minsan din naman hindi, gaya na lamang kunwari kung marami talaga siyang ginagawa sa opisina o kaya ay pagod nang talaga. Voluntary pala talaga ang pagiging bumbero.
Ewan ko pero, nakakatuwang isipin na may mga tao palang nagtatrabaho ng “mahihirap” at “makabayan” talaga nang walang hinahangad na kapalit. Saludo ako sa mga bumberong kagaya ni Tong!
Posted in Uncategorized | Tagged adventure, Barkada, bayani, bombahin mo pa, bumbero, firefighter, fireman, free, heroes, inuman, kaibigan, mahihirap, makabayan, seryoso, Tong, trip, tunay na bayani |

t0ng t0ng t0ng t0ng pakit0ng kit0ng!
aUz sa p0zt ah! ndi xa mUkang b0mbero…
ganda ng graphics… gnawa m0 lang yan?
^^^PRINSIPE DILAN: oo sa tulong ng mga henyong tao, sa wakas ay natutunan ko rin ang ganyang bagay. yun nga lang hirap talagang humanap ng PC-han na may photoshop. how i wish hehehe! kabugan yung graphics no! inggit ka?
unang komento. bayani nga naman. kulit mo dilan. buti pa siya nakakatulong na sa bayan. samantalang ako, basura ng lipunan
^^^PRINSIPE DILAN: Denz… kala mo lang yun. hindi ikaw ang una, hindi ko lang kasi na-moderate agad-agad ang comment nung nauna. hehehe! teka teka teka, me drama? pano mo naman nasabing basura ka ng lipunan? PUSHER kaba? ADDICT ka ba?
add mo ko sa links mo!
^^^PRINSIPE DILAN: oo naman kaw pa! na-add na po kita at sana ay madalas kang bumisita! yung mas madalas sa minsan ha! hehehehe!
parang ambata naman niya atang bombero. ako dati nung bata pako gusto ko ring maging bombero pero dahil wala palang sweldo. no way highway
^^^PRINSIPE DILAN: oo bata pa siya, at mukha pa siyang bata sa personal. 24 na siya. ansama mo, porke walang bayad ayaw mo na? well actually parang hindi ko rin kaya ang ganun.
nakapanlulumong isipin na ang mga naturingang alagad ng batas na dapat sanang bayani eh hindi maaasahan. mga kapulisang walang ginawa sa buhay kundi magpalaki ng tiyan at mag-sideline sa pangongotong at pagmamaliit ng ibang mamamayan. baliw na sistema ng lipunan.
^^^PRINSIPE DILAN: baliw na baliw na sistema talaga. tila yata ika’y nagagalit sa kanila. BAKIT NAMAN? hehehe! masyadong malalim na medyo mababaw!
ang gwapo naman niyang bumberong iyan! nakakalibog! gusto ko tuloy sunugin ang bahay namin at siya mismo ang tatawagin ko. ano ba number niya!
^^^PRINSIPE DILAN: gaya ng sinabi ko sa isa pang nanghihingi ng number ng isa sa mga taong ipinost ko dito, hindi ko ipinamimigay ang numero ng sinumang nilalang na nakalagay dito. pero kung gusto mo iatatanong ko muna sa kanya kung maaari ko bang ibigay ang numero niya sa iyo! at korek ka jan ateng… delisyoso!
WOW AMBATA NAMAN NIYAN! I LIKE HIM NA! BOMBAHIN MO AKO!
^^^PRINSIPE DILAN: oooooppppps! taken na siya, may asawa na siya at may isang anak na sanggol, hindi na siya maaari pang landiin hehehe!
nakakalungkot ding isipin na kung sino pa yun niluklok natin sa pwestong akala natin ay mkakapagbibigay ng sapat na serbisyo sa bayan eh sila pa ang pabaya sa mga responsibilidad nila. tsk.tsk!
mabuhay ang mga volunteers!
–
salamat nga pala sa pagsilip sa page ko..
^^^PRINSIPE DILAN: MABUHAAAAAAYYYY! Dabest silang lahat! wala nang tatalo pa sa kanila!
galing naman nya.. ambait
oo nga, kilalanin ang mga ganyang tao.. hirap at nakakatakot din yang pagbobombero tapos la pa bayad? grabeh, bayani lang ang papayag nyan.. naks
^^^PRINSIPE DILAN: oo nga kaya BAYANi ka talaga TONG at sa lahat ng mga bumberong maaaring makabasa nito hehehe! tenk yu sa inyong lahat!
tama ka diyan tol… dami trabaho dito sa Pilipinas na hindi na-cocompensate ng maayos… sad but true, pero dahil mahal natin ang bayan natin, pagsilbihan natin kahit sa maliit na paraan. salamat sa pagdaan kapitan!
^^^PRINSIPE DILAN: at sayo din. haiz. buhay nga naman, napakahirap.
astig!!! maging bombero din kayo ako hehehe
^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! go go go!
wow! bait naman niya.. oo nga eh, sa us, sila ang bayani.. dapat mapansin din ang kabayanihan nila, baka kasi maubos na sila..
^^^PRINSIPE DILAN: OO sobrang bait niya pa! hahaha anong maubos? u min endangered species na sila nya hahahaha!
cute ng header!
^^^PRINSIPE DILAN: cute? salamat na rin hehehe! salamat ulit sa pagdaan Banana!
dito rin lahat ng bumbero e volunteers. saludo ako sa mga ganyang tao
salamat sa pagbisita sa blog ko ha.
^^^PRINSIPE DILAN: at salamat din sa pagdaan ha!
haha. ayan, may bago ng post! ^_^
Go Tong! Mabuhay si Tong at ang mga bumbero
ng gwapo!ha? anudaw? nyahahaha.
^^^PRINSIPE DILAN: nyahahahaha! ayos yan! gwapo talaga huh?
i agree kay linglingbells. dun sa amin sa US (utot) eh sobra ang pagkilala sa pagkabayani ng mga firemen. May kanta pa nga para sa kanila eh ♫ Oh the fireman is a person in your neighborhood, in your neighborhood♪ samantalang dito eh mga bading ang merong kanta ♫dudong Chareeeng!!!♪ Hayzt… sabagay, naglalaro din naman sila ng apoy ahehehe. lols
^^^PRINSIPE DILAN: oo nga naman. naks chilidobbo salamat sa pagdaan…
astig naman ng friend mo. dapat mo nga syang ipagmalaki.
salamat nga pala sa pagdaan sa aking blog :)sana mapadpad ka uli
^^^PRINSIPE DILAN: oo dapat diba? hehehe!
paano ba maging bombero??? astig yun, plus pogi points pa!!! ahahahaha kaya lang malamang di ako papayagan ng parents ko. hehe!
^^^PRINSIPE DILAN: parekoy di ko rin po alam pero malamang mahirap yun.
You have very cool pictures here. Keep on rocking!
^^^PRINSIPE DILAN: salamat… daan ka ulet ha!
kaw ha! pangarap mo bang maging bombero….
may kalokohan din naman ang mga bayani mo ah!
tama bang mag kwentuhan at mag pa cute sa camera habang patuloy na lumalaki ang sunog?
ala lang! heeee!
^^^PRINSIPE DILAN: hindi naman. nyahahahaha! yung iba yun pero si Tong is Dabest of all the rest nakkks!
hoy! wala akong sinabing ganun! ikaw, wag ka ngang nang-e-edit ng comment! ahahaha!
may post naman akong bago. tsss. pagtyagaan mo na. hahahaha!