Archive for March 29th, 2008

h1

Bombahin Mo Pa Tong!

March 29, 2008

 Kuya Tong

Wala akong magawa… Badtrip sa buhay - Bored talaga sobra! “Tong, inuman tayo… tayong dalawa lang, TRIP mo?” ang text ko kay Tong, ang Bayaning Bumbero.

Nung kailan na naka-inuman at nakakuwentuhan namin siya ng mga kabarkada ko… nagising ako sa isang katotohanan, katotohanang ngayon ko lang talaga napagtanto. Bakit hini natin napapansin ang mga bumbero samantalang sila naman talaga ang mas maituturing na mga bayani, sa ibang bansa mas malaki ang sweldo ng mga bumbero, at mas bayani ang tingin sa kanila kaysa mga kotong cops.

Sila na nagbubuwis ng buhay para sa mga kababayang nangangailangan, nang walang hinahangad na kapalit na anupaman. Ngayon ko lang din nalaman, akala ko kasi noong una na full-time Firefighter siya, na FREE pala talaga ang serbisyo nila. Saludo ako sa mga TUNAY na BAYANI!

Naitanong ko tuloy, “masarap bang maging bumbero, hindi ba nakakapagod yun tapos wala ka namang seswelduhin?”“noong una kaya ako nag-apply sa pagkabumbero dahil akala ko may sweldo, pero wala pala. Huli na nang malaman ko, pero nung nagdu-duty na ako… ayos pala, masarap makakita ng mga taong nakaka-survive sa mga ganitong sakuna na isa ka mismo sa mga nagliligtas, Adventure ang bawat lakad… kahit saan ang sunog, kahit saan pa ang base ng bumbero - pag nalamang me sunog, sugod nang sugod!” ang mahaba at seryoso niyang naiwika, habang matama naman namin siyang pinakikinggan.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa opisina, matapos ang office hours at kaya niya pang mag-duty bilang bumbero, nagdu-duty siya, pero minsan din naman hindi, gaya na lamang kunwari kung marami talaga siyang ginagawa sa opisina o kaya ay pagod nang talaga. Voluntary pala talaga ang pagiging bumbero.

Ewan ko pero, nakakatuwang isipin na may mga tao palang nagtatrabaho ng “mahihirap” at “makabayan” talaga nang walang hinahangad na kapalit. Saludo ako sa mga bumberong kagaya ni Tong!