h1

Rapology!

March 27, 2008

 

rapology

Bertdey ng ka-tropa kong si Raprap… ang pinakamaangas at pinakamakulit na kaklase ko sa GCST noon. Maraming imbitado ika niya. Napag-usapan na rin pala ni Mar na darating si Mar. Sakto namang dumating na si Herson at namimilit na sumama. Isinama ko na rin kahit ayaw naman ni Mar.

Pagdating namin sa tapat ng GCST. Andun na si Raprap at Chuwardo, lumabas na rin sa kotse niya si Norhinia. Maya-maya nagdatingan na sina Allison, kasama ang kaklase niya, sina Ceejay at si Ernest. Kakagulat pa… sa gitna talaga kami ng street pumuwesto. Wala nang hiya-hiya. Ang angas talaga ni Rapology! Pati mga pulis na dumadaan walang nagawa sa kaniya.

Narinig niya kaming nag-bubulungan ni Herson. Nang tanungin niya kami sabi ko… “Wala, sabi kasi nito mukha raw delikado tong lugar niyo!” sinagot naman niya ako nang… “gusto mo pagmumurahin ko lahat ng tao dito?”. Maya-maya parami na kami ng parami, dumating pa ang Kuya ko kasama sina Eric aka Spot at si Rafael. Habang lumalalim ang gabi dumarami kami ng dumarami. Nagdatingan na yung ibang Temple na inimbita ni Raprap.

Ang saya! parang bumalik ako sa hayskul. Hindi ko na nga namamalayan na makulit na rin pala ako. Laseng na kasi. Hinatid namin ni Raprap sina Ceejay, Chuwardo at Ernest sa labasan. Pagbalik namin, ayun at dire-diretso pa rin sa kulitan, tagayan, kwentuhan… anlufet talaga. Si Mar lasing na lasing na at si Herson eh pasimpleng tumakas. Dumating na rin si Cindy at yung katropa ni Raprap na si Joshua, dumating na rin sina Babytoy at me kasama na sa sobrang kalasingan ko nakalimutan ko na ang pangalan, naroon na rin sina Tonton.

Matapos ang lahat, nagkayayaan kaming mag-videoke. Payag naman lahat. Andami naming kumpol na naglalakad sa kahabaan ng Recto. Dapat didiretso kami sa bar na malapit sa bahay namin pero dahil me nasaksak daw yung isang Temple doon eh nauwi kaming pabalik sa Quiapo at pumasok sa pinakaunang bar na nakita namin. Bumaha na naman sa inumin at pulutan, hanggang sa isa-isang nag-alisan, nauna ang celebrant na si Raprap, sumunod ako hanggang sa umuwi na lang silang lahat.

6 comments

  1. hmmp… i feeling something..
    napadaan lan po…

    ^^^PRINSIPE DILAN: anong “i feeling something?” ??????????????????????????


  2. teray teray naman nitei!!

    what haffend sa lumang vlugelya mey?

    ^^^PRINSIPE DILAN: ayun at maraming kumupal. kaya eto ako ngayon at.. hihihi! salamat sa pagbisita barbara!


  3. hey dilan. hello :) sorry hindi ako nakakadaan madalas. haha. salamat pala sa pagpunta sa blog ko, kaunti lang nagbabasa non eh. hahaha. salamat pa rin. dadaan na ako dito madalas :)

    ^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! akala ko nakalimutan mo na ko tol. hehehe! touched naman ako. kasi di ko akalaing mag-iiwan ka rin ng marka sa simpleng blog kong ito. at sino naman ang nagsabi eh bat andami mong koments? hehehe!


  4. marine ka pa pre???? para kasing pang-marine yang uniform mo…aero?…o nautical?…teka lng, parang pareho lng yun ah..lolz!

    ^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! kaadikan ko lang yan. isa lamang akong dakilang tambay na nangangarap umangat ang buhay! joke lang yan tol… hehehe! nakisukat lang ako sa tindahan ng uniform sa baba ng bahay namen. ayos ba? hehehe!


  5. mUkhang mZarap kaung kZama ah! sNa mgkar0n din ako ng tRopang gya niyo!

    ^^^PRINSIPE DILAN: talaga? marami pang mas masasaya pa! sana nga minsan makasama ka… magopen ka kaya ng account dito sa wordpress??? la lang. hehehe! dadaanan motong bahay ko palagi ah!


  6. ayos party na naman huh… saya naman, dami mong friends. hinay-hinay lang sa pag-inom. ;)

    ^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! ngayon ko nga lang ulit sila nakitang muli… at ayos na ayos talaga! malufet kung malufet!


Leave a Comment