Archive for March 27th, 2008

h1

Rapology!

March 27, 2008

 

rapology

Bertdey ng ka-tropa kong si Raprap… ang pinakamaangas at pinakamakulit na kaklase ko sa GCST noon. Maraming imbitado ika niya. Napag-usapan na rin pala ni Mar na darating si Mar. Sakto namang dumating na si Herson at namimilit na sumama. Isinama ko na rin kahit ayaw naman ni Mar.

Pagdating namin sa tapat ng GCST. Andun na si Raprap at Chuwardo, lumabas na rin sa kotse niya si Norhinia. Maya-maya nagdatingan na sina Allison, kasama ang kaklase niya, sina Ceejay at si Ernest. Kakagulat pa… sa gitna talaga kami ng street pumuwesto. Wala nang hiya-hiya. Ang angas talaga ni Rapology! Pati mga pulis na dumadaan walang nagawa sa kaniya.

Narinig niya kaming nag-bubulungan ni Herson. Nang tanungin niya kami sabi ko… “Wala, sabi kasi nito mukha raw delikado tong lugar niyo!” sinagot naman niya ako nang… “gusto mo pagmumurahin ko lahat ng tao dito?”. Maya-maya parami na kami ng parami, dumating pa ang Kuya ko kasama sina Eric aka Spot at si Rafael. Habang lumalalim ang gabi dumarami kami ng dumarami. Nagdatingan na yung ibang Temple na inimbita ni Raprap.

Ang saya! parang bumalik ako sa hayskul. Hindi ko na nga namamalayan na makulit na rin pala ako. Laseng na kasi. Hinatid namin ni Raprap sina Ceejay, Chuwardo at Ernest sa labasan. Pagbalik namin, ayun at dire-diretso pa rin sa kulitan, tagayan, kwentuhan… anlufet talaga. Si Mar lasing na lasing na at si Herson eh pasimpleng tumakas. Dumating na rin si Cindy at yung katropa ni Raprap na si Joshua, dumating na rin sina Babytoy at me kasama na sa sobrang kalasingan ko nakalimutan ko na ang pangalan, naroon na rin sina Tonton.

Matapos ang lahat, nagkayayaan kaming mag-videoke. Payag naman lahat. Andami naming kumpol na naglalakad sa kahabaan ng Recto. Dapat didiretso kami sa bar na malapit sa bahay namin pero dahil me nasaksak daw yung isang Temple doon eh nauwi kaming pabalik sa Quiapo at pumasok sa pinakaunang bar na nakita namin. Bumaha na naman sa inumin at pulutan, hanggang sa isa-isang nag-alisan, nauna ang celebrant na si Raprap, sumunod ako hanggang sa umuwi na lang silang lahat.