
Nomu.
March 26, 2008
Nasa Robinson’s pa lang kami nina Julia, Joshua at Jasmine - text na nang text si Mar. Nasa Novi’s na daw siya at kanina niya pa ako hinihintay. Pucha! eh 3pm pa lang inuman na naman! Pero dahil broken-hearted si Mar, eh kailangan ko siyang damayan. Nag-break daw kasi sila ni Herson.
Pagdating ko andun na nga siya. Isinama ko si Joshua. Inuman, kantahan… sambote ng Beer pa lang eh tinamaan na si Joshua at ayaw na niya ng isa pa. Uuwi na daw siya.
Maya’t-maya ko namang tinetext si Tong. Nasa opisina pa raw siya. Nangako siyang pupunta. Sakto namang tinext ako ni Raprap. “Tol, salubungin natin b-day ko… tayong dalawa lang inuman!” ang text niya. Sinabihan ko siyang magkita kami sa tapat ng Isetann Recto. Sinundo ko siya doon. Wala pa ring pinagbago… mas gumandang-lalaki pa nga ang Gago. Pumunta kami sa Novi’s, ipinakilala ko siya kay Mar. Natuwa naman ang lokong Mar.
Inuman, Kainan, Kuwentuhan at Kantahan. Hanggang sa biglang dumating si Eric (isa pa naming kaklase ni Raprap nung 4th year at saktong kainuman naman ng kuya ko kani-kanina.) Tuloy ang inuman, dumating na rin si Tong. Nagpagupit. Makulit din pala sa videoke si Tong. Tawa nang tawa. At home talaga. Napapangiti na lang sakin si Mar, pano ba naman - type na pala niya si Raprap. Hanggang sa napansin ko na lang na kuwentuhang umaatikabo na pala kami. Nagpaalam na si Mar. Hinatid siya nina Eric at Raprap, naiwan kaming dalawa ni Tong na umiinom.
Pasikat naman ako kay Tong. Kinanta ko yung pinakamalulupit kong kanta. Me mga kapitbahay pala kami na nasa bar na din. Eh senglot nako… Todo-Bigay na. Ang ingay ni Tong. Palakpak na nang palakpak, sigaw pa nang sigaw. Yakap pa nang yakap sakin, nakakainlab daw ako. Masyado daw akong Talentado. Kung naging babae lang daw ako malamang na niligawan niya ako. Bago umalis, pinilit niya muna akong kumanta ng isa pang kanta. Eh di “My Way” ang kinanta ko, saka kami umuwing sabay. Ayaw pako pakawalan nang Gago… lasing na kami pareho, halikan ko nga.
Hindi pa ako natapos. Nang papuntahin ako ni Raprap sa Quiapo, malapit sa kanila. Pumunta kaagad ako. Nandun pala kuya ko at yung tropa niya. Nag-inuman pa at nag-asaran. Hindi na namin tinapos yung inuman, nagpaalaman na kami.
Posted in Uncategorized | Tagged Bar, eric, halik, inuman, isetann recto, My Way, nomu, Quiapo, rap, raprap, spot, Tong |

baGonG siTe?.. aNg astiG aHh.. HanEp sa GanDa aT aYos,, KainGit… saN ko Ba maedit Ung mGa pics Ko sa siDe..?
musta?
^^^PRINSIPE DILAN: ayos naman ako pare. ikaw kamusta ka na? yung mga pics sa side maeedit yun sa *Presentation, den sa *Widgets.
pucha, prinsipe ng mga pangarap? kung ganun, maganda ako.
anak ng bakang baog, alas 3 inuman? haha!
^^^PRINSIPE DILAN: uso na ngayon ang maagang inuman. nya hahahaha! at hindi naman ako ang nagyaya. niyaya lang naman ako ah!
ngapala, security guard ka ba? \peace/
^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! pilya ka ha! ansama mo naman. mukha ba akong guard! nakksss…
hindi naman ako mataray!
maganda lang
ge exlinks tau
^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! talagang pinangangatawanan noh! hehehe. salamat na-link na nga pala kita!
ang agang inuman ahh, sarap talaga ng maraming kaibigan. salamat sa pagdaan sa aking baler at dun sa tanong mo, sure nanginginig pa! hahaha!
^^^PRINSIPE DILAN: oo nga. ganun naman lage ang aaga nila magyayayaya! eh isa lang naman akong hamak na lasenggero hehehe!
Como Esta Prinsipe Dilan?
salamat sa dalaw..
sa susunod yayain mo din ako
sa inuman..
weeee!
^^^PRINSIPE DILAN: ambilis para kang si Flash ah! oo sa susunod yayayain kita. tekateka malakas kabang uminom hehehe!
nice one… gusto ko ung nakalagay sa pichur..
old friends pass by
new friends endure
best friends remain
and true friends last
la lang..
^^^PRINSIPE DILAN: lam mo ba yang nakalagay na short poem sa picture eh, naaalala ko lang na naka-vandal sa desk ko noong Grade 5 pa lamang ako. dami nang taon ang lumipas at naging all time favorite ko na yang poem na yan.
anep!!! kakaiba tong site mo..parang prendster na aytek bersyon kasi sa bawat picture..may kalakip na post..hahah…vongga!
^^^PRINSIPE DILAN: hehehehe! wag kang mag-alala unti-unting magbabago ang lahat-lahat dito. mas aayusin at pagagandahin ko pa ang way ko ng pagsusulat hehehe! maaadik ka pwamis!
pEde bang sumama minZan?
^^^PRINSIPE DILAN: oo ba! basta ba send mo sa e-mail ko (dilanmuli@yahoo.com) kung ayaw mo dito… yung e-mail mo, cel number at siyempre picture o friendster account hahaha! mahirap na, baka killer ka pa!
familiar yung pix mo na nasa star, naka add k b sa YM ko? parang nakikita ko ng avatar yan eh
o bka artista ka kaya pamilyar??? 