
Barkada Trip!
March 25, 2008 
Nagulat na lang ako nang biglang dumating sina Joshua at Jasmine sa bahay. Nagpasama sila sa Internet Shop para magpalagay ng kanta at video sa MP4 na dala-dala nila. Matapos ang madugong downloadan, pinilit nila akong sumama sa bago nilang nilipatan sa Singalong. Ayoko sana dahil balita ko magulo dun at kuta ng mga Brownstyle… pero tutal eh maaga pa naman at wala rin naman akong magawa sa bahay… sumama na ako.
Tama, maingay, madaming tao, maraming tambay sa lugar. Mukhang kuta nga ng mga gangster. Pero yung itsura ng lugar na yon, mukha lang palang masasama at magugulo ang mga tao. Mababait naman pala. Nang makarating kami sa bahay… CUTE! up and down, bahay na bahay nang talaga. Kaya pala ang yayabang mang-imbita. Nanood kami ng DVD habang lamon nang lamon.
Matapos ang palabas, pumunta naman kami sa bahay nina Julia sa di-kalayuan. Mas maganda, mas malaki. Doon na kami kumain ng dinner at nag-inuman kami nina Joshua at Jobelle. Di namin namamalayan, nakatulog na lang kami. Pagkagising namin nang umaga, kain na naman ng breakfast, marami namang bilihan. Nanood kami ng DVD - Stomp The Yard at Apocalypto. Anlupet pala nung Apocalypto - DABEST! You Should Watch It! Saka kami nag-lunch.
Bumalik kami sa bahay nina Joshua at nanood na naman kami at kumain nang kumain. Pagkatapos naman mag-dinner, nanood naman kami ng I Am Legend. Ampangit pala ng I Am Legend… namatay yung bidang si Will Smith. Kumain na naman kami ng midnight snack at nagkuwentuhan magdamag.
Kinaumagahan, pumunta kami sa Robinson’s Malate. Namasyal kami, kumain sa Iceberg’s (ndi ko alam kung tama yun ha) ang mahal pala dun Pucha! Sayang lang… la namang lasa yung Salpicado. Nanood kami ng 10,000 BC. Ayos naman pala yung sinehan sa Robinson’s. Naghiwa-hiwalay na kami pagkatapos, pauwi na kami ng Quiapo ni Joshua at sina Julia at Jasmine naman ay pauwi na sa bahay nila.
Ang Saya! SOBRA! Matagal-tagal na rin mula nung huli kaming nagkasama-sama. Sayang nga lang at hindi namin kasama si Arnold, malamang mas masaya yun.
Posted in Uncategorized | Tagged 000 BC, 10, Apocalypto, bahay, barkada trip, brownstyle, gangster, I Am Legend, Iceberg's, jasmine, jobelle, joshua, julia, Quiapo, robinson, singalong |

auz sa p0zt ah!
pde ba mkuha aNg nUmber ni juLia patRicia…
o kya ni j0belle din!
^^^PRINSIPE DILAN: una sa lahat. hindi ako nagbibigay ng mga number ng mga kaibigan ko, lalo pa sa taong hindi ko naman kilala. pangalawa, wala nang celfone sa ngayon si Julia dahil nanakawan siya… at pangatlo, hindi na available si jobelle dahil sa ngayon ay may bf pa siya… better luck next time na lang ha! hehehe! peace