h1

Bagong Obra!

March 22, 2008

Ang Million-Dollar Question ay: “Bakit Ako Biglaang Lumipat ng Bahay?”.

Una sa lahat, mayroon kasing bagay na napagtanto kong bigla, yun bang tipong sumalpok na lamang bigla sa utak ko. Saka ko biglang naisip na isara ang dati kong blog. Siguro para magsimula na rin ng panibagong buhay! Anak nang Pitong Puting Tupa naman oh! Mayroon kasing naka-hack ng dati kong Blog at kinakailangan kong biglaang mag-evacuate! Don’t Wori Mga Repapips… Huling Paglilipat na ito!

Magsisimula ako ngayon ng isang Panibagong Obra-Maestra! Isang Obrang tatatak sa mga utak niyo. Isang obrang hindi kayo mangingiming tanggapin, bagkus ay mabilisan itong susunggaban. Ayos ba? Welcome Sa Panibago Kong Tahanan!

16 comments

  1. Eto nga pala ang unang koment. siyempre bininyagan ko na diba? pampaswerte! hehehe!


  2. hahaha. unang post, unang comment ay nagmula sayo! ayos! hehehe..
    napadaan lang… ^_^
    ok lang magpalipat-lipat. para iba-iba ang karanasan..

    ^^^PRINSIPE DILAN: oo naman hahaha! nga pala… ikaw naman ang pangalawang comment. :-)


  3. hahaha. o eto pa, pangatlong komento.. ^_^
    ipapako na kita sa aking blogroll. bwahaha.
    baket ka naman naging prinsipe?
    ^_^ peace, nagtatanong lang. haha.

    ^^^PRINSIPE DILAN: hehehe. wala lang mahilig kasi akong mangarap at ako ang prinsipe ng kakupalan.


  4. pang apat na omment. :-)
    welcome to WordPress.

    ^^^PRINSIPE DILAN: salamat Jun. hehehe! add po kita sa blogroll ko ha!


  5. haha! natatandaan pa kita meron kang dalawang acct sa blogger :D bumisita ka na rin dati sakin :D hehe! naglipat ka na rin pala sa wordpress…ayos rin dito!

    ^^^PRINSIPE DILAN: oo nga ayos na ayos dito hehehe!


  6. haha. yun pala ang sikreto sa likod ng iyong pagiging prinsipe… nyahaha! sige, ipagpatuloy ang pangangarap, ako din kasi, mahilig mangarap, so, prinsesa na itatawag ko sa sarili ko? nyahahaha..

    tama na nga pandudumi ko dito sa blog mo. hahaha.!

    [prinsesa aKDa <<-ay! horror! swanget!]

    **pang-anim na komento]

    ^^^PRINSIPE DILAN: okay ikaw naman ang prinsesa hehehe!


  7. haha. di na! ang sagwa saken! wahaha!

    ^^^PRINSIPE DILAN: bat mo naman nasabing masagwa??? hehehe! ayos na yun. o baka naman gusto mong prinsipe ka rin, hindi lang naman iisa dapat ang prinsipe… kahit ilan pwede. ako nga lang ang kakaiba!


  8. “yun bang tipong sumalpok na lamang bigla sa utak ko.”…buti naman di naalog utak mo pre! hahaha..dumaan lng..mag-iiwan na din ng footsteps…

    at link..aheheheh!

    ^^^PRINSIPE DILAN: ah nag-iwan ka pala ha! etong sayo UUUUUUUHHHHHHM! hehehe! peace man! add kita ha!


  9. padaan…lols^_^

    ^^^PRINSIPE DILAN: o sige na dumaan ka na! at magpakasaya! hehehe! salamat sa pagdaan ha! teka-teka amputik naman!


  10. gagz! haha! masaya na ko sa aKDa lang. don’t bother thinking kung prinsipe ako o prinsesa.

    ^^^PRINSIPE DILAN: ayaw mo nun??? Prinsesa Akda ng… Kaharian ng Pangarap!


  11. pwede! pwede! nyahaha!

    hoy, magpost ka na ng bago. para may basahin na kami. ^_^

    ^^^PRINSIPE DILAN: o kitams. pwedeng-pwede diba… yan ang hindi magandi dito sa WP eh hindi pwedeng lagyan ng chatbox. hehehe! basta yun na nga Prinsesa (teka prinsipe ka ba o prinsesa?) akda ng Kaharian ng pangarap hahaha! yeboy~!


  12. Dilan, may Meebo widget sa presentation tab ng dashboard mo… you may want to use it… parang chatbox yun, sa pagkaalam ko. :-)

    ^^^PRINSIPE DILAN: sige jun okay nato hehehe! adik hehehehe! kamusta ka na? kalbo ka bang talaga?


  13. BABAE po si akda ^^

    ^^^PRINSIPE DILAN: ah babae pala siya. salamat wei… hehehe!


  14. amfutek.. PRINSESA ako! nyahahaha! salamat wei! mwahugz! ay, yak kadiri. hahahah! joke lang dude!

    ^^^PRINSIPE DILAN: hehehe! ayos ba?


  15. ah. may dati ka na ring blog dito sa wp. lumipat ka lang.
    ako rin. sayng nga yung isa kong blog. nami-miss ko na. naka-six months rin ako dun.

    ^^^PRINSIPE DILAN: ako naka-8 months ata. hehehe! pero yun pa rin ung username na gamit ko… dinagdag ko ito pero tuluyan ko nang isinara ang blog na iyon…


  16. me konek ka ba kay fau..?


Leave a Comment