Archive for March, 2008
March 29, 2008

Wala akong magawa… Badtrip sa buhay - Bored talaga sobra! “Tong, inuman tayo… tayong dalawa lang, TRIP mo?” ang text ko kay Tong, ang Bayaning Bumbero.
Nung kailan na naka-inuman at nakakuwentuhan namin siya ng mga kabarkada ko… nagising ako sa isang katotohanan, katotohanang ngayon ko lang talaga napagtanto. Bakit hini natin napapansin ang mga bumbero samantalang sila naman talaga ang mas maituturing na mga bayani, sa ibang bansa mas malaki ang sweldo ng mga bumbero, at mas bayani ang tingin sa kanila kaysa mga kotong cops.
Sila na nagbubuwis ng buhay para sa mga kababayang nangangailangan, nang walang hinahangad na kapalit na anupaman. Ngayon ko lang din nalaman, akala ko kasi noong una na full-time Firefighter siya, na FREE pala talaga ang serbisyo nila. Saludo ako sa mga TUNAY na BAYANI!
Naitanong ko tuloy, “masarap bang maging bumbero, hindi ba nakakapagod yun tapos wala ka namang seswelduhin?”… “noong una kaya ako nag-apply sa pagkabumbero dahil akala ko may sweldo, pero wala pala. Huli na nang malaman ko, pero nung nagdu-duty na ako… ayos pala, masarap makakita ng mga taong nakaka-survive sa mga ganitong sakuna na isa ka mismo sa mga nagliligtas, Adventure ang bawat lakad… kahit saan ang sunog, kahit saan pa ang base ng bumbero - pag nalamang me sunog, sugod nang sugod!” ang mahaba at seryoso niyang naiwika, habang matama naman namin siyang pinakikinggan.
Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa opisina, matapos ang office hours at kaya niya pang mag-duty bilang bumbero, nagdu-duty siya, pero minsan din naman hindi, gaya na lamang kunwari kung marami talaga siyang ginagawa sa opisina o kaya ay pagod nang talaga. Voluntary pala talaga ang pagiging bumbero.
Ewan ko pero, nakakatuwang isipin na may mga tao palang nagtatrabaho ng “mahihirap” at “makabayan” talaga nang walang hinahangad na kapalit. Saludo ako sa mga bumberong kagaya ni Tong!
Posted in Uncategorized | Tagged adventure, Barkada, bayani, bombahin mo pa, bumbero, firefighter, fireman, free, heroes, inuman, kaibigan, mahihirap, makabayan, seryoso, Tong, trip, tunay na bayani | 21 Comments »
March 27, 2008

Bertdey ng ka-tropa kong si Raprap… ang pinakamaangas at pinakamakulit na kaklase ko sa GCST noon. Maraming imbitado ika niya. Napag-usapan na rin pala ni Mar na darating si Mar. Sakto namang dumating na si Herson at namimilit na sumama. Isinama ko na rin kahit ayaw naman ni Mar.
Pagdating namin sa tapat ng GCST. Andun na si Raprap at Chuwardo, lumabas na rin sa kotse niya si Norhinia. Maya-maya nagdatingan na sina Allison, kasama ang kaklase niya, sina Ceejay at si Ernest. Kakagulat pa… sa gitna talaga kami ng street pumuwesto. Wala nang hiya-hiya. Ang angas talaga ni Rapology! Pati mga pulis na dumadaan walang nagawa sa kaniya.
Narinig niya kaming nag-bubulungan ni Herson. Nang tanungin niya kami sabi ko… “Wala, sabi kasi nito mukha raw delikado tong lugar niyo!” sinagot naman niya ako nang… “gusto mo pagmumurahin ko lahat ng tao dito?”. Maya-maya parami na kami ng parami, dumating pa ang Kuya ko kasama sina Eric aka Spot at si Rafael. Habang lumalalim ang gabi dumarami kami ng dumarami. Nagdatingan na yung ibang Temple na inimbita ni Raprap.
Ang saya! parang bumalik ako sa hayskul. Hindi ko na nga namamalayan na makulit na rin pala ako. Laseng na kasi. Hinatid namin ni Raprap sina Ceejay, Chuwardo at Ernest sa labasan. Pagbalik namin, ayun at dire-diretso pa rin sa kulitan, tagayan, kwentuhan… anlufet talaga. Si Mar lasing na lasing na at si Herson eh pasimpleng tumakas. Dumating na rin si Cindy at yung katropa ni Raprap na si Joshua, dumating na rin sina Babytoy at me kasama na sa sobrang kalasingan ko nakalimutan ko na ang pangalan, naroon na rin sina Tonton.
Matapos ang lahat, nagkayayaan kaming mag-videoke. Payag naman lahat. Andami naming kumpol na naglalakad sa kahabaan ng Recto. Dapat didiretso kami sa bar na malapit sa bahay namin pero dahil me nasaksak daw yung isang Temple doon eh nauwi kaming pabalik sa Quiapo at pumasok sa pinakaunang bar na nakita namin. Bumaha na naman sa inumin at pulutan, hanggang sa isa-isang nag-alisan, nauna ang celebrant na si Raprap, sumunod ako hanggang sa umuwi na lang silang lahat.
Posted in Uncategorized | Tagged angas, birthday, gangster. quiapo, GCST, guzman college of science and technology, inuman, party, ralph carlo fajardo, raprap, temple street trece | 6 Comments »
March 26, 2008

Nasa Robinson’s pa lang kami nina Julia, Joshua at Jasmine - text na nang text si Mar. Nasa Novi’s na daw siya at kanina niya pa ako hinihintay. Pucha! eh 3pm pa lang inuman na naman! Pero dahil broken-hearted si Mar, eh kailangan ko siyang damayan. Nag-break daw kasi sila ni Herson.
Pagdating ko andun na nga siya. Isinama ko si Joshua. Inuman, kantahan… sambote ng Beer pa lang eh tinamaan na si Joshua at ayaw na niya ng isa pa. Uuwi na daw siya.
Maya’t-maya ko namang tinetext si Tong. Nasa opisina pa raw siya. Nangako siyang pupunta. Sakto namang tinext ako ni Raprap. “Tol, salubungin natin b-day ko… tayong dalawa lang inuman!” ang text niya. Sinabihan ko siyang magkita kami sa tapat ng Isetann Recto. Sinundo ko siya doon. Wala pa ring pinagbago… mas gumandang-lalaki pa nga ang Gago. Pumunta kami sa Novi’s, ipinakilala ko siya kay Mar. Natuwa naman ang lokong Mar.
Inuman, Kainan, Kuwentuhan at Kantahan. Hanggang sa biglang dumating si Eric (isa pa naming kaklase ni Raprap nung 4th year at saktong kainuman naman ng kuya ko kani-kanina.) Tuloy ang inuman, dumating na rin si Tong. Nagpagupit. Makulit din pala sa videoke si Tong. Tawa nang tawa. At home talaga. Napapangiti na lang sakin si Mar, pano ba naman - type na pala niya si Raprap. Hanggang sa napansin ko na lang na kuwentuhang umaatikabo na pala kami. Nagpaalam na si Mar. Hinatid siya nina Eric at Raprap, naiwan kaming dalawa ni Tong na umiinom.
Pasikat naman ako kay Tong. Kinanta ko yung pinakamalulupit kong kanta. Me mga kapitbahay pala kami na nasa bar na din. Eh senglot nako… Todo-Bigay na. Ang ingay ni Tong. Palakpak na nang palakpak, sigaw pa nang sigaw. Yakap pa nang yakap sakin, nakakainlab daw ako. Masyado daw akong Talentado. Kung naging babae lang daw ako malamang na niligawan niya ako. Bago umalis, pinilit niya muna akong kumanta ng isa pang kanta. Eh di “My Way” ang kinanta ko, saka kami umuwing sabay. Ayaw pako pakawalan nang Gago… lasing na kami pareho, halikan ko nga.
Hindi pa ako natapos. Nang papuntahin ako ni Raprap sa Quiapo, malapit sa kanila. Pumunta kaagad ako. Nandun pala kuya ko at yung tropa niya. Nag-inuman pa at nag-asaran. Hindi na namin tinapos yung inuman, nagpaalaman na kami.
Posted in Uncategorized | Tagged Bar, eric, halik, inuman, isetann recto, My Way, nomu, Quiapo, rap, raprap, spot, Tong | 10 Comments »
March 25, 2008

Nagulat na lang ako nang biglang dumating sina Joshua at Jasmine sa bahay. Nagpasama sila sa Internet Shop para magpalagay ng kanta at video sa MP4 na dala-dala nila. Matapos ang madugong downloadan, pinilit nila akong sumama sa bago nilang nilipatan sa Singalong. Ayoko sana dahil balita ko magulo dun at kuta ng mga Brownstyle… pero tutal eh maaga pa naman at wala rin naman akong magawa sa bahay… sumama na ako.
Tama, maingay, madaming tao, maraming tambay sa lugar. Mukhang kuta nga ng mga gangster. Pero yung itsura ng lugar na yon, mukha lang palang masasama at magugulo ang mga tao. Mababait naman pala. Nang makarating kami sa bahay… CUTE! up and down, bahay na bahay nang talaga. Kaya pala ang yayabang mang-imbita. Nanood kami ng DVD habang lamon nang lamon.
Matapos ang palabas, pumunta naman kami sa bahay nina Julia sa di-kalayuan. Mas maganda, mas malaki. Doon na kami kumain ng dinner at nag-inuman kami nina Joshua at Jobelle. Di namin namamalayan, nakatulog na lang kami. Pagkagising namin nang umaga, kain na naman ng breakfast, marami namang bilihan. Nanood kami ng DVD - Stomp The Yard at Apocalypto. Anlupet pala nung Apocalypto - DABEST! You Should Watch It! Saka kami nag-lunch.
Bumalik kami sa bahay nina Joshua at nanood na naman kami at kumain nang kumain. Pagkatapos naman mag-dinner, nanood naman kami ng I Am Legend. Ampangit pala ng I Am Legend… namatay yung bidang si Will Smith. Kumain na naman kami ng midnight snack at nagkuwentuhan magdamag.
Kinaumagahan, pumunta kami sa Robinson’s Malate. Namasyal kami, kumain sa Iceberg’s (ndi ko alam kung tama yun ha) ang mahal pala dun Pucha! Sayang lang… la namang lasa yung Salpicado. Nanood kami ng 10,000 BC. Ayos naman pala yung sinehan sa Robinson’s. Naghiwa-hiwalay na kami pagkatapos, pauwi na kami ng Quiapo ni Joshua at sina Julia at Jasmine naman ay pauwi na sa bahay nila.
Ang Saya! SOBRA! Matagal-tagal na rin mula nung huli kaming nagkasama-sama. Sayang nga lang at hindi namin kasama si Arnold, malamang mas masaya yun.
Posted in Uncategorized | Tagged 000 BC, 10, Apocalypto, bahay, barkada trip, brownstyle, gangster, I Am Legend, Iceberg's, jasmine, jobelle, joshua, julia, Quiapo, robinson, singalong | 1 Comment »
March 22, 2008
Hindi na kami nagkakasamang tumambay ng mga tropa ko. Hindi ko na nakakasama sina King, Jessie, Jay-R at Herson… Siguro dahil naubusan na kami ng mga bagay na pagkukuwentuhan. Nagsawa na siguro kami sa pang-aasar at pang-ookray kay Jessie na wala nang ginawa kundi mang-echos nang mang-echos.
Nagsawa na rin siguro kami sa itinitindang isaw ni Keng na pinapakyaw namin at sama-samang pinapapak habang walang sawang nagkukuwentuhan. Nakulili na rin siguro kami sa pakikinig sa pag-whistle ala Mariah Carey ni Jay-R. Na-pollute na rin siguro ang utak namin sa walang habas na pagyoyosi ni Herson.
Si Jay-R ngayon, parang nanay na nag-aalaga ng mga anak ni Ate Wilma at Kuya Chito, wala na rin siyang balak pa atang tumambay… hindi ba’t mas boring sa itaas ng bahay? Si King naman nasa Tarlac… Graduation Month na kasi at siya ang nag-aayos ng mukha ng mga kakilala niya doon.
Sina Herson at Jessie naman, nasa Pampanga, sumama sa jowa ni Herson na si Egay. Bakasyon kasi, Mahal na Araw… Natatawa tuloy ako kay Herson nang minsang nagtext siya sa akin, Badtrip daw siya kay Jessie at Egay, sinampal daw kasi siya ni Egay at hindi man lamang siya ipinagtanggol ng bakulaw na si Jessie. Eh ungas pala sila pare-pareho. Ni hindi man lang nila ako niyaya. Although hindi naman talaga ako sasama, sana man lang nag-effort silang magyaya diba?
Posted in Uncategorized | Tagged Barkada, Dilan, Echos, Egay, Herson, Isaw, Jay-R, Jessie, King, Makasarili, Okray, Pampanga, Sigarilyo, Tarlac, Yaya, Yosi | 1 Comment »
March 22, 2008
Ang Million-Dollar Question ay: “Bakit Ako Biglaang Lumipat ng Bahay?”.
Una sa lahat, mayroon kasing bagay na napagtanto kong bigla, yun bang tipong sumalpok na lamang bigla sa utak ko. Saka ko biglang naisip na isara ang dati kong blog. Siguro para magsimula na rin ng panibagong buhay! Anak nang Pitong Puting Tupa naman oh! Mayroon kasing naka-hack ng dati kong Blog at kinakailangan kong biglaang mag-evacuate! Don’t Wori Mga Repapips… Huling Paglilipat na ito!
Magsisimula ako ngayon ng isang Panibagong Obra-Maestra! Isang Obrang tatatak sa mga utak niyo. Isang obrang hindi kayo mangingiming tanggapin, bagkus ay mabilisan itong susunggaban. Ayos ba? Welcome Sa Panibago Kong Tahanan!
Posted in Uncategorized | Tagged bagong bahay, dollar, first, hacker, lipat, maestra, million, obra, question, repapips, una | 16 Comments »