h1

Dedma.

February 10, 2010

” oi kamusta naman? inuman tara! “ ang wika ko sa kuya niya na itinuring ko na ring kuya. kahit wala na siya eh kuyako pa rin ang kuya niya.

” me kinuha lang kaming mga libro dito kina meg. sige ba. pero maya-maya na. ni hindi pa nga kumakain eh. “ ang wika ng kuya niya sakin.

sa di-kalayuan, natanaw ko siya. papasok sa dati nilang bahay na sa ngayon ang pagkakaalam ko e me nakatira nang iba. umupo ako sa upuan na nasa harap ng kuya niya.

lumapit siya.

” kain na daw… “ ang wika niya sa kuya niya.

” pakibuhat na yan, tulungan moko! “ ang wika sa kanya ng kuya niya.

binuhat niya ang iba pang dala-dalang libro ng kuya niya. saka siya tumalikod papunta sa bahay nila.

ni hindi ako nilingon.

ni hindi ako tiningnan.

tangnang yun.

bigla ang kirot na naramdaman ko sa bandang dibdib ko. TEKA! BAKIT??? BAKIT MAY KIROT???

kinalimutan ko na siya diba? hindi ko na siya mahal diba?

yun ang akala ko.

siya pala ang nakalimot sakin.

siya pala ang hindi na ako mahal.

para makalimutan pala ang nararamdaman ay binaligtad ko ang lahat. para kunwari ako ang panalo. para kunwari ako ang nang-iwan.

biglang nagliwanag ang paligid. nasilaw ako.

” parang tanga naman to, nakita nang natutulog yung tao binuksan pa ang ilaw oh! “ ang asar kong wika. saka ko narealize na panaginip lamang pala ang lahat.

maaga pa. pero hindi na ako natulog ulit. baka me continuation ang sakit.

h1

Patagalan.

February 10, 2010

nabo-bore ako.

siguro kasi hindi ako sanay na ganito. siguro kasi napakaraming tao ang nami-miss at sumasagi sa isipan ko. hindi ko nga alam kung ano ang gusto kong gawin. parang me trip akong gawin na hindi ko naman malaman kung ano.

naglilihi bako??? o c’mon!

nakakatawang isipin na sa isang kisapmata eh mawawala na lamang ang lahat. lahat – as in lahat lahat. hmmmp.

nakakapagod din palang tumunganga.

h1

Wala Nang Atrasan.

January 15, 2010

sa ngayon. desidido nako. bahala na kung san ako pulutin. basta desidido na ako sa plano ko.

muli, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagbigay-kulay sa college life ko. dont cha worry, magkikita-kita rin tayo palagi-lagi.

at this point, wala na akong babalikan, kailangan dire-diretso na patungo sa kung san man mapadpad ng hanging amihan.

h1

Isang Munting Paalam!

January 7, 2010

nasa kalagitnaan ako ng pagdadalawang-isip kung ano ba talaga ang pipiliin ko. alam ko na kung anumang maging desisyon ko eh malamang na magkaroon ng napakalaking impact sa buhay ko.

corny pero… bago ang lahat eh nais ko munang pasalamatan ang lahat ng mga taong nagbigay-kulay at buhay sa college life ko.

sa mga prof…

- sir ronnie sta. maria
- sir julius conanan
- sir gubaton
- mam ana salvador
- mam labatorio
- mam buriel
- sir dumilag

sa mga naging super close friends ko…

- ghelo usman
- randel espiritu
- ejhay pangan
- darwin rebolledo
- jayvee abcede
- rafael “bigboy” molina
- ronel estrada
- nico ricarte
- rhon nonato
- mark angelo sumang
- arvin quijano
- ajie manuel
- camaiy estrella
- cris brian bolor
- bryan dela cruz
- ryan rey magno
- arch dorado

- allan salaum
- carbert gonzales
- celso lagata
- richard daang

at sa iba pang mga kaklase ko sa ET-11.

maraming-maraming salamat sa inyo.

hinding-hindi ko kayo makakalimutan kailanman.

yun eh kung aalis na ngang talaga ako.

h1

A New Beginning!

January 1, 2010

putukan.

inuman.

kwentuhan.

kainan.

dilan, herson and jason

looban boys

i love new year’s eve.

hindi ako mahilig sa new year’s resolution dahil alam kong hindi ko kayang tuparin ang kahit isa don. pero this year meron akong babaguhin. sikreto na lang kung ano yon.

h1

Paalam…

December 30, 2009

napakaraming dumaang mga hindi malilimutang pangyayari sa buhay ko sa taong 2009.

" ayaw pakabog! "

dilanmuli@yahoo.com

nakakatuwa…

nakakalungkot…

marami pa akong mga naranasang mga bagay. mas nakilala ko ang sarili ko at ang mga taong nakapaligid sakin.

nagpapasalamat ako… sa mga relatives ko. mga classmates. mga kaibigan.

… mga taong nagbigay-buhay at kulay sa mundo ko

… mga taong nagpakabog ng dibdib ko.

salamat sa inyong pagtanggap. paniniwala at pakikisalamuha.

paalam sa taong 2009.

h1

Dugo at Luha.

November 13, 2009

” sundan mo siya. “ ang wika ko.

” pano ka? anlakas ng tulo ng dugo… “ ang sabi niya.

” sundan mo siya. lalaki pa rin ako, malayo to sa bituka… “ ang pilit ko.

” sigurado kang okay ka lang? “ ang tanong niya.

” oo nga sabi. okay lang ako. sige na sundan mo na at baka kung mapano pa siya, at ang dinadala niya! “ ang wika ko.

hinubad niya ang suot niyang puting t-shirt. ipinaikot sa kanang paa ko. saka siya lumabas at hinabol si Maritoni, ang girlfriend niya na nagdadala nang unang anak niya. disi-sais siya noon. kasabay ng kirot sa sugat ko ay ang pagkurot sa puso ko. kasabay ng patuloy na pag-agos ng dugo ay ang nag-uunahang pagpatak ng luha ko.

mahal ko siya at alam kong doon siya mas liligaya. hindi ako gago para ipilit ang isang pagmamahal na hindi naman makatotohanan.

dalawang oras bago ang mga pangyayaring iyon…

” buntis talaga si Maritoni. “ ang wika niya sakin habang nakaupo kami sa mahabang upuan sa labas ng bahay nila na halos katapat lang din ng bahay namin.

” ano to joke na naman? di ba sabi mo hindi naman totoo, na inaasar niya lang ako? “ ang wika ko sa kanya na tipid na ang ngiti.

” natatakot kasi akong masaktan ka… at magalit! “ ang wika niya habang nakayuko.

tumingin ako sa ibang direksiyon at nagwika, ” okay lang yun, masyado lang kasing maaga para sayo. fourth year highschool ka pa lang, disi-sais pero magiging ama na… akala ko marunong ka. pero ok lang yun sakin. wala naman akong magagawa diba? “ ang tuluy-tuloy kong wika. pigil ang hininga, pinipilit na maging masaya at iwaksi sa isipang MALI ang mga nangyayari.

maya-maya eh dumating si Maritoni. hindi kami nagkibuan.

me tama na ako sa isang litro ng Red Horse na ininom ko, ako lang mismo. nakapag-desisyon na ako. tutal matagal nasiyang inilalayo ni Maritoni sa akin. tinawag ko siya. hinatak sa pasillo malapit sa kanila.

” ayoko na. tama natong katarantaduhan nating to. wala namang magkakatotoo, pareho lang tayong nagpapakagago. tapusin na natin to! “ ang wika ko habang nakayuko.

” AYOKO! porke ba nakabuntis ako ayaw mo na? bukas natin pag-usapan to! ” ang wika niya sabay yakap sakin.

PAK! PAK! PAK!

biglang lumabas si Maritoni na nagtatago lang pala sa tabi ng pintuan at agad siyang pinagsasampal.

” sabi mo sakin siya ang ayaw kang pakawalan! bakit ikaw pala ang ayaw! ha! ha! sinasabi ko na nga ba at hindi mo talaga siya kayang iwanan eh! “ ang wika ni Maritoning pasigaw kay Jordan.

napakarami pang sampal. sinalo lahat ni Jordan. tumakbong pabalik si Maritoni sa kuwarto para kunin ang mga gamit niya. hinabol namin siya. ni-lock ko ang pinto.

” mag-usap kayo. “ ang wika ko. nakaharang sa pinto.

” mag-usap? malinaw na sakin ang lahat! ako lang naman ang sumingit sa inyo diba??? magsama kayo! ipalalaglag ko to! “ ang wika ni Maritoni na galit na galit na.

tinulak niya ako ng tatlong beses. hindi ako natinag sa pagharang sa pintuan. inundayan niya ako ng sampal pero nakailag ako. sa pangalawang pagkakataon, medyo natamaan ako. mabilis ang kamay ko. kanina pa ako naaasar sa kanya. sapol siya sa pisngi, malakas ang sampal ko sa kanya.

” dilan, babae yan… wag mo nang patulan! “ ang wika ni Jordan habang hinahatak si Maritoni. lalong nagwala si Maritoni. siniksik siya ni Jordan sa pader. kinagat siya ni Maritoni sa leeg. dumugo.

nagwawala si Maritoni, dinig na ng mga kapitbahay. sigaw ng sigaw. kumakawala. ibinato ko ang bote ng Red Horse na iniinom ko. sa pagitan namin. tumalsik sa paa ko ang malaking piraso at naramdaman ko na lamang ang walang tigil na pag-agos ng dugo.

napaupo ako. natigilan si Jordan. tumakbo si Maritoni palabas.

” sundan mo siya. “ ang wika ko.

h1

Isang Malaking Gudlak!

November 13, 2009

ENG011 (2.25) – MTH011 (2.50) – CHEM011 (2.00)

DRAW1 (1.75) – ET011 (2.25) – IT011 (3.00) – PE1 (1.75)

Hindi ko matanggap na yan ang grade ko sa ENG011. Nagkataon lang na hindi na nagparamdam yung una naming naging Prof kaya hindi nakuha yung Midterm Grade namin sa kanya.

Sa totoo lang inaasahan kong Tres o Singko ang Grade ko sa MTH011. Bobo ako sa Math.

Okay naman ang standing ko sa CHEM011 pero bongga nang malaman kong naka-dos pa pala ako.

Kinulang ako ng tatlong plates diyan. Matataas ang lahat ng Grades ko sa Exams, Plates sa DRAW1. Kung nakumpleto ko lang sana malamang na maka-UNO ako. (KAPAL)

Aaminin ko. Hindi ako DABEST sa ET011. Makulit lang.

Tanggap kong Tres ako sa IT011. Hindi ako nag-report kaya automatic na 50 ang Grade ko sa Report.

Nagpapasalamat ako at sumali ako sa Cheering ng section namin. Malamang Tres ang pinakamataas na makukuha ko sa PE1 kung hindi, 98 ang Grade namin sa Cheering. Tenchu ke Grace at Bonjay ng PUP.

Second SemGUDLAK!

h1

In-Lab???

November 12, 2009

Ibang-iba na siya. Tumangkad, Pumogi, Nagbinata…

Ngumiti siya at lumitaw ang dalawang malalalim na biloy sa kanyang magkabilang pisngi.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at tila lumilipad ako sa himpapawid. Me kuryente… eto na nga ba ang “Chuva-chuchu” na sinasabi ni Jolina? Natagpuan ko na nga ba ang aking tunay na mamahalin?

Mula nang araw na iyon. Nagbago na ang lahat. Bumaligtad na ang aking mundo. Naging kaibigan ko siya, isang natatanging kaibigan na nagpapaligaya sakin sa araw-araw na nakikita ko siya at nakakasama.

1 month later. nag-break kami ng girlfriend ko. Hindi naman siguro si Jordan ang dahilan. Ako siguro mismo.

Tumagal pa ang aming samahan bilang espesyal na magkaibigan.

Hanggang sa nakabuntis na nga siya at nagkaanak.

h1

Pa-Close?

October 11, 2009

” tangnamo ano??? “ ang sigaw ni Michael sabay tadyak sa nakaupong si Jordan. Kasalukuyan silang naglalaro ng chess nang mapikon si Michael, ang siga-siga naming kaibigan.

Napangiti ako sa nakita. Ewan ko nga ba. Galit talaga ako sa kanya.

Si Jordan eh ginagawang ala-alalay ni Michael. Kaya siguro iba ang kulit niya. Pero nang araw na iyon. Lumayo na siya kay Michael. Ni hindi na niya ito nilalapitan. Iniiwasan na niya ito. Ako naman ang sinusundan-sundan niya.

Hindi ako siga samin. Pero iba ang laban ko. Kung ano si Michael sa lugar namin. MAS ako.

Isa kaming grupo. Si Arnold, Ruel, Raymond, Ako at si Michael. Iba-ibang pagkatao pero nasa iisang matatag na grupo.

” teka, teka anong ginagawa mo dito??? “ ang tanong ko kay Jordan nang makita kong kasunod siyang pumanik sa tambayan namin sa taas ng bahay namin. Masungit ang tatay ko. Puro mga kababata ko lang ang nakakapanik sa bahay namin. Hindi kasama doon ang mga ka-grupo kong sina Michael at Ruel.

” pasalihin na natin siya dito. para ka namang tanga! “ ang wika sakin ng girlfriend kong si Jasmine. Hindi nako nakapalag. Kuwentuhan habang nagmemeryenda. Nagkuwento rin si Jordan. Kwela at walang habas.

Madalas na naming nakakasama si Jordan. Napansin ko na lang na CLOSE na pala kami. Minsan nga kaming dalawa na lang ang nagkekwentuhan. Nakakatuwa.

Third Year Highschool ako nang ma-drop kami ng bestfriend kong si Arnold. Inuwi siya sa Bulacan. Ako naman eh sumama sa bahay ng Ate ko sa Marinduque. Ang tanging mami-miss ko eh ang mga magulang ko, kapatid, si Jasmine, si Arnold at ang ibang kaibigan ko. Ni wala sa isip ko si Jordan.

Imbes na doon na ako mag-aaral eh umuwi ulit ako makalipas ang ilang buwan. Parang ang hirap ng lugar na iyon. Probinsiyang-probinsiya.

Gabi ako nakarating sa Manila. Kinabukasan bumaba agad ako ng bahay para hintayin ang pagdaan ni Jasmine. Nakatutok ang tingin ko sa may Duluhan ng eskinita namin. May umakbay sakin. ” Kamusta ang bakasyon Dilan? “ ang wika ng isang tinig. Hindi ko kilala. Binatang-binata ang tunog.

Humarap ako at medyo nabigla sa nasilayan.

- MERON PA ULIT KASUNOD! -

h1

Simula

October 6, 2009

” 5 – 10 Block 123! “ ang sigaw ko habang hawak ko ang manggas ng t-shirt niya. Pinilit pa rin niyang kumawala, at siya ay nagtagumpay.

” Tangnamo! Ang DUGA mo ah! “ ang sigaw ko sa kanyang habang siya ay papalayo.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Walang lingun-lingon.

” O gago! HULI ka. 5-10 block 123! subukan mong kumawala babasagin ko na yang muka mo! “ ang wika ko sa kanya na nanggigigil pa rin dahil sa wakas ay nahuli ko na naman siya. Hindi na siya nagpumiglas.

Bata pa lamang kami noon. Elementary pa lang. Banas ako sa kanya dahil bukod sa malakas siyang mang-asar eh napaka-dugas niya pa sa mga laro namin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya kaya ayokong kakampi siya, dahil siya ang TRIP kong pag-initan sa mga laro.

Matalik na kaibigan ko noon si Arnold, mortal na kaaway ko si Jordan. Para sakin kaaway ko siya – kahit para sa kanya eh hindi naman.

Barilan.

Muli. Magkakampi na naman kami ni Arnold, at isa sa mga kalaban namin eh si Jordan. Limahan ang laban. ” Wag natin tantanan si Jordan ha. Tadtarin natin. “ ang bulong ko kay Arnold. Ngumiti si Arnold pero tumingin siya kay Jordan. Saktong nakatingin si Jordan kaya napansin niyang siya ang aming pinag-uusapan.

Takbuhan.

Pansin agad ni Jordan na siya ang aming pinag-iinitan. Kanya-kanyang habol na ang lahat. Pero dalawa kami ni Arnold na humahabol sa iisang kalaban.

Lumiko.

” Pucha! san nagsuot? parang daga ah! “ ang wika ni Arnold.

” Sabi ko naman sa’yo wag aalis ang mata mo eh! Baka pumasok sa pasillo ng palengke! “ ang wika ko. Inisa-isa namin ang bawat pasillo, pero tila me sa pusa ang tarantado.

Uubusin ko pa naman sana lahat ng bala ng pellet gun ko sa kanya. Tsk tsk!

Ayawan na.

- MAY KARUGTONG -

h1

Kitiki-TEXT!

October 3, 2009

” pare musta? “ isang text ang natanggap ko mula sa isang numerong hindi naka-save sa phonebook ko.

” hu u? “ ang tanging nai-reply ko.

” jordan to. :-) ang reply niya.

” o? “ ang sagot ko.

” punta ka dito… inuman tayo. birthday ng anak ko. yung inaanak mo. “ ang sagot niya.

” san? “ ang tanong ko.

” dito sa bahay! “ ang sagot niya.

” layo… “ ang reply ko.

” kung san-san ka nga nakakarating kasama tropa mo tapos dito malayo? “ ang sagot niya.

” layo nga… sinong tropa ko? “ ang tanong ko.

” kaklase mo tsaka mga tropa mo! “ ang reply niya.

” ndi no. malalapit lang yun. “ ang sagot ko.

” pag gusto maraming PARAAN, pag ayaw maraming DAHILAN! “ ang txt niya.

” next time na. maulan pa. ayoko ng maputik! “ ang reply ko.

” minsan lang naman to ah! sunduin kita sa LRT! “ ang txt niya.

” ayaw. maulan nga. PILITAN??? “ ang sagot ko.

” wala kang pakisama. “ ang txt niya.

” sino bang meron? ikaw? “ ang tanong ko.

” oo naman. ako pa. “ ang sagot niya.

” lasing ka lang. sa totoo lang tinatamad ako. “ ang sagot ko.

” pag ako ganyan ka, pag sa iba naman okay ka! “ ang tampong sagot niya.

” eh ano. “ ang txt ko.

” sama mo. “ ang sagot niya.

” gago. “ ang huling txt ko.

hindi pa rin niya ako tinantanan ng text. pero pagod nako, at hindi ko na siya nireplayan.

maulan pa rin at wala akong magawa. walang matinong pumapasok sa isip ko kaya pati text pinost ko na.

h1

Isnaban.

September 23, 2009

Sa daan pa lang wala nang tigil ang kwentuhan namin ng mga classmates ko. Hindi nagpapatalo ang isa’t-isa na may kanya-kanyang kwento. Sumakay kami ng jeep papuntang M. Dela Fuente. Medyo puno n pero bandang harapan lang. Sa pasukan eh maluwag pa. Yun ang paborito kong upuan.

Kwento ako ng kwento. kanya-kanyang bangka sa usapan.

Bigla akong natahimik nang sa bandang dulo ng jeep, isang pamilyar na tao ang nakita ko. Si Jordan.

Nakatingin siya sakin at nguniti nang mapansin niyang nakatingin ako.

Hindi ako gumanti ng ngiti.

Tahimik ako hanggang sa pagbaba namin jeep.

Bago ako bumaba, tumingin ulit ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sakin at tila nagtatanong ang mga mata.

Tumango ako, pero hindi ngumiti.

Bumaba ako at muling nakipagkulitan sa mga kaklase ko.

h1

Ala-ala :-)

September 21, 2009

” Ate, Holdap to! “ ang wika ni Jordan. Ilang dipa pa ang layo namin sa nauunang ale. Naglalakad kami sa Lerma at nagkekwentuhan pauwi samin. Kagagaling lamang namin sa inuman.

Halatang kinabahan ang ale na nauuna. Madilim sa Lerma, maghahating-gabi na ata noon. ” Ate wag kang maniwala dito… lasing lang to, sensya na po te! “ ang wika ko naman para mawala ang pangamba ng nauunang ale.

Tila nawala na nga ang pangamba ng ale at ngumiti ito. ” Itulog mo na lang yan totoy! “ ang wika nito kay Jordan.

Natawa kaming pareho ni Jordan sa ale. Lumiko na ito papunta sa isang eskinita at kami naman ay dumiretso pauwi na samin. Kinaltukan ko ang ulo niya. ” Tarantado kang talaga no? Eh pano kung nag-panic yun anlapit-lapit natin sa presinto GAGO ka talaga! “ ang wika ko sa kanya.

Natawa lamang siya sakin.

” Isang beses mo pang gawin yan leche ka. Naku Ha! Nakakabadtrip ka talaga! “ ang wika ko sabay binilisan ko ang lakad pauwi. Iniwanan ko siya. Hindi kami pwedeng magsabay sa paglalakad papasok sa eskinita namin dahil malamang na makita kami ng asawa niyang maldita.

” Wala bang kiss? Himala ah! “ ang sigaw niya.

” Next time na. Babawian kita! “ ang sigaw ko din sa kabilang kalsada.

” O eto na! “ ang sigaw niya sabay flying kiss.

” Tang ina mo! “ ang sigaw ko.

h1

Tama Na Nga

September 16, 2009

Okay na kami ng KAAWAY ko. Hindi yung Okay na kay na ibig sabihin eh balik na sa dati. Sa WAKAS, nakipag-usap siya ng MAAYOS. Yung TAO sa TAO. Walang laitan. Walang Gaguhan.

Salamat sayo RSM. Iba ka talaga. Biruin mong pag-usapin mo kami ni DB.

Napag-usapan lang namin na DAPAT nang itigil ito. TAMA siya. Hindi naman ako nakikipag-away eh. Siya lang naman. Kung noon pa siya nakipag-usap sakin eh di sana hindi na kami MAS nagkasamaan pa ng LOOB. Sige Kol ako sa gusto mo. Wala na lang Pansinan. Wala na lang Pakialaman. Mas Maganda yun. Kung anu-ano na kasi ang mga naririnig ko eh.

Binabawi ko na ang text kong UTAK ISKWATER ka at HINDI ka KAGALANG-GALANG. Lahat naman kasi ng GUSOT eh naaayos pag pinag-uusapan.

h1

Yan Ang Akala Mo!

September 6, 2009

” pano naman yung samahan natin? hindi mo man lang ba ako itinuring na kaibigan? “ ang tanong ko sa kanya.

” NEVER! “ ang huling sagot niya sa text.

ilang minuto rin kaming nagpalitan ng text messages noong araw na iyon. pero na-badtrip na nga ata ako sa sobrang tigas ng PANANAMPALATAYA niya sa PINANINIWALAAN niyang KAHANGALAN.

akala ko pa naman MATALINO siyang tao. akala ko pa naman malalim siyang NILALANG. HINDI PALA!

pinagbintangan mo pa akong mas kinakampihan ko si siya? pinagbintangan mo pa akong sinungaling. hahaha! iba akong klaseng kaibigan. pero iba rin akong klaseng kaaway. mas itinuring pa kitang KAIBIGAN sa kanya o sa kahit sino pa dahil BILIB ako sayo. nagkamali ako. isa kang HANGAL!

wala akong pakialam sa mga kaya mong gawin. matakot ka sa mga mas kaya kong gawin. nasa akin pa rin ang huling halakhak. hindi ka kawalan sa buhay ko, siguro panandaliang kaibigan ka lang talaga na matapos mo akong PAKINABANGAN eh ITATAPON mo na lamang ako ng basta-basta.

pinilit kong ayusin ang alam mong pagkakamali ko na hindi naman talaga totoo! BOBO kang talaga! wala akong ginawang masama sayo. ilang beses mo akong hinamak sa harap ng ibang tao pero nanatiling tikom ang bibig ko. tanging ngiti ang sukli sa  mga bagay na nakapagpapasaya sayo. na akala mong nakapagpapasaya rin sa ibang tao.

akala mo lang yun. handa na ako. handa na KAMI. wag na wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na sinisigurado kong ikasisira mo.

GUDLUCK.

h1

Sadness.

August 29, 2009

bakit kailangan pang lumisan...

bakit kailangan pang lumisan...

makalipas ang matinding kasiyahan.

darating ang matinding kalungkutan

h1

Inuman. Manyakan

August 9, 2009

na-cut ang klase namin ng CHEM011 by 12:00pm. me activity raw na gagawin. hinintay namin ang adviser namin na si Mr. Sta. Maria. dahil cut na nga ang klase eh nag-decide na lang kaming pumunta sa burol ni President Cory sa Manila Cathedral.

darwin, ghelo & ej sa annex

darwin, ghelo & ej sa annex

alay-lakad.

matapos mainitan at pagpawisan ng bongga sa Manila Cathedral eh pinapunta na lang kami sa tapat ng Manila Hotel dahil doon pala sasalubungin ang mga labi ni Cory.

pahinga muna sa quirino

pahinga muna sa quirino

alay-lakad.

Sir Ronnie, Sir Dave & the Students

Sir Ronnie, Sir Dave & the Students

marami nang nagrereklamo pero GO pa rin kami.

naghihintay ng sakayan pauwi

naghihintay ng sakayan pauwi

pagod na pagod kami pag-uwi sa tambayan namin. naisip na naman kasi naming mag-inuman na lang muna. para maiba naman eh nag-GIN kami. ayaw man ni Darwin kunwari The Bar yun.

dumating din si Ms. Dianne at MJ. nadagdagan pa tuloy ng sang case ng Red Horse. lasingan na talaga. umaatikabong harutan.

naunang umalis si Ms. Dianne. kami-kami ulit ang naiwan.

entra ang mga girls. (bugawan???) nagkaron ng partner sina Ghelo at Darwin na lumabas ang angking kamanyakan.

naubos ang isang case kaya dinagdagan pa ulit namin ng kalahating case. lasingan na talaga. lahat me tama na. 11:30 PM na at alam naming me mga mayayari pag-uwi. nagpaalala na si Ghelo na pag di na siya pumasok eh hindi na siya pinag-aral pa.

lasing na pare-pareho. lalo na ako.

h1

Hatakan. Iniwan.

August 9, 2009

text text lang.

nagkayayaang mag-inuman. late na ako pumasok kaya hindi ko na napasukan yung major ko. hinintay ko na lang na lumabas yung mga tropa. dumiretso pa kami ng Main Campus dahil kukumpletuhin namin yung mga kulang namin sa ENG011.

iniwan namin sina Ghelo, EJ, Darwin at Randell sa Main Campus para bumalik sa Annex dahil trip naming pumasok ng IT011. kamalas-malasan naman, walang prof. tambay sa labas ng school for about an hour.

naiwan kaming tatlo nina Darwin at Ghelo. niyaya kami ng inuman ni Ms. Dianne at Ms. Veronica… umoo naman ang mga kumag. hatakan dahil parang ayaw ata uminom ng dalawang bagets. akala ko kakampi ko si darwin na hinahatak si Ghelo. maya-maya siya pa ang nawala. hinayaan ko na lang na umuwi na rin si Ghelo.

badtrip pako ke MJ dahil nagpapa-choosy pa. kasama kai yung isa sa mga girlfriends niya. ano siya naka-drugs??? pwede ba naman yun. sinundo ko siya sa kung saan sila nandun. wala siyang nagawa kundi sumama.

enjoy.

napakagaling kumanta ng mga pambabae ni Ms. Dianne. pero ayoko ng kabugan. bagets din pala kumanta si Ms. Veronica. ang sweet ng mga lovebirds na nakawala sa kulungan.nagsusubuan pa ng pulutan.

landian. inuman. lasingan.

simula ng isang bonggang samahan!

h1

Walk-Out.

August 2, 2009

plano na naming mag-inuman nina Jelo nung martes pa lang. hindi na sana kami tutuloy. pero ewan ko ba kung bakit nangyari pa rin. as ussual, Gran Matador ang nilaklak namin at sa bahay na naman ang venue.

raf at darwin nantitrip sa upper deck...

raf at darwin nantitrip sa upper deck...

apat na matador kagad binili namin at siyempre napagkamalan na naman kaming empleyado sa isetann recto dahil sa uniform namin. okay naman na ang takbo ng inuman. kanya-kanyang bangka sa usapan.

nico, darwin and dilan.

nico, darwin and dilan.

nang magtext ang gf ni jelo. nagpapasundo sa isetann. mga 45 minutes pa ata kaming naghintay sa isetann bago dumating yung gf ni jelo kasama yung bestfriend nitong bakla.

ejhay at jelo.

ejhay at jelo.

pagdating namin. pauwi na sina JV at Randel. me nangyari pang hindi maganda. nagyaya nang umuwi ang gf ni jelo at ang kasama nitong bakla… ni hindi pa man nag-iinit ang inuupuan nila. badtrip lahat. walk-out queen pala ang gf ni jelo.

JV at Ejhay.

JV at Ejhay.

in the end. hinatid ko silang lahat. saka ako umuwi para ubusin ang isa pang long neck ng GM. sayang eh. nabuksan na kasi.